Leen's POV "Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" tanong ni Craig nang maabutan ako nito sa daan. Walang salita ang lumabas sa bibig ko at nagpatuloy lang sa paghagulgol. Mabilis namang nakalapit si Craig at hinapit ako at niyakap. Umiyak lang ako nang umiyak sa dibdib nito. "Shh... Tahan na. Tahan na..." "Ang tanga-tanga ko, Craig! Ang tanga-tanga ko!" sambit ko habang umiiyak. "Nagpakatanga na naman ako. Nagpauto ako sa pangalawang pagkakataon. Sobrang sakit!" Napahiwalay sa akin si Craig at tiningnan ako habang nakakunot ang noo nito. "What did he do this time? Tell me..." "Hindi na ako natuto, Craig. Sa pangalawang pagkakataon, hinayaan ko na naman siya na saktan ako. Hinayaan ko na naman siya..." sagot ko naman. Napahilamos ito at hinarap akong muli. Mabilis nitong naunawaan ang g

