Chapter 26 - Leen

1711 Words

"Anong plano mo ngayon?" tanong sa akin ni Ellen. Narito kami ngayon sa canteen ng ospital at kumakain. Pansamantalang binabantayan ng pamangkin ni Ellen ang anak ko para makakain kaming dalawa. Napabuntong-hininga ako at sumimangot. Hawak ko ang kutsara ngunit hindi ko magawang sumubo man lang. May bikig na nakabara sa aking lalamunan. Hirap na hirap pa rin ang kalooban ko. "Hindi ko alam, Beng. Nalilito na talaga ako. Gusto ko pa ring umiyak hanggang ngayon, pero baka mahalata na ni Yen-yen ang pamumugto ng mata ko," sagot ko naman. "Ano ba ang dapat kong sabihin? Ni hindi nga alam ni Rave na may anak kami. Mas lalo rin siyang magugulat at magagalit oras na malaman niyang niloko ko siya. Na si Lena at Leen ay iisa." "Ewan ko ba. Kung bakit naman kasi sa lahat ng hihilingin ng anak mo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD