Chapter 18 - Leen

1626 Words
"S-Sir Earl..." Mabilis akong hinatak ni Rave palayo kay Craig. Nakita ko naman ang makahulugang ngisi ni Craig sa kanys. Hindi ko 'to kailanman nakita kay Craig noon. May times naman na may playful side ito pero hindi ganito. Sa anyo nito ay halatang nang-aasar. Ngayon na magkaharap silang dalawa ay ramdam ko na ang tensyon. Ano ba ang nangyayari? "Fancy seeing you here, Earl! I didn't know that you're that possessive to your maid now..." Si Craig ang unang nagsalita ngunit hindi nito nilulubayan ang direksyon ko. Napansin iyon ni Rave at mabilis akong tinago sa likuran niya. "Got a problem if I do?" Napahalakhak naman si Craig at napailing. "She's my friend, Earl. Bawal na ba ako makipagkaibigan sa maid mo?" "Cut that s**t, Denovan! You are not allowed to even touch anything that I own. She is my maid so it's only right for me to stop you from getting closer to her." "Gano'n ba? Kasali pala sa trabaho niya ang hayaan ka na panghimasukan ang personal na buhay niya? You're being irrational here, Fortaleza. Ano ba 'to? Are you still holding grudge against me after what I did 6 years ago?" 6 years ago? Grudge? Anong sinasabi ni Craig? Ano ba talaga ang nangyari noon? Bakit ganito na sila? Sa anyo nilang dalawa ay anumang oras ay magsusuntukan na sila. "Don't even think about bringing that up, Denovan. I have no time to entertain your trip-down-memory-lane. If you please excuse me, we have to go..." Biglang humarap sa akin si Rave at madilim na tinapunan ako ng tingin. "Let's go..." Akma na kaming aalis na dalawa nang biglang magsalitang muli si Craig. "You must really trust your maid, huh?" Napahinto kaming pareho ni Rave. Ganoon na lang ang pagkabog ng dibdib ko dahil doon. Napalunok ako. Unti-unti akong lumingon kay Craig at binigyan siya ng nagmamakaawang ekspresyon. Please, Craig. Not now... Please... "What are you implying?" Rave asked. "Sabihan mo lang ako kung hindi ka tinatrato ni Earl nang maayos, Lena. I'm willing to take you and hire you as my maid. And I will make sure to give all that you need for your family. Hindi mo kailangang magtrabaho sa isang lugar na napipilitan ka lang at nasasaktan..." bigla ay paalala nito sa akin. Napakagat ako sa aking ibabang labi. Alam ko kung ano ang ibig nitong sabihin ngunit wala akong maapuhap na masabi rito. Litong-lito pa rin ako. Ngayon na nalantad ang identity ko kay Craig, kailangan ko nang unti-untiin ang pag-alis kong muli sa Victoria City. ***** Sa gitna ng biyahe ay nanatili lang ang katahimikan. Wala ni isa ang umiimik sa amin ni Rave. Salubong pa rin ang kanyang mga kilay niya habang nagmamaneho. Nararamdaman ko ang bilis ng aming pag-andar. Napapakapit na lang ako sa ilalim ng upuan at pinapanalangin na hindi kami mauwi sa disgrasya. Diyos ko! Kailangan pa ako ng anak ko. Sana magdahan-dahan ang isang 'to! "Bakit nag-uusap pa rin kayo ng Denovan na 'yun?" Si Rave ang unang bumasag sa katahimikan. "Hindi ko po sinasadya na makita siya sa V Hotel, Sir. Please, maniwala po kayo," pagpapaliwanag ko naman. "Ano namang sinabi niya sa'yo habang wala ako? Ano? Pinipirata ka ba niya?" sunod-sunod niyang tanong sa akin. "H-hindi po, Sir. Nagkakamali po kayo. Nagkita lang po kami nang hindi sinasadya. Kinumusta lang niya ako at nilibre. Nahihiya naman po akong tanggihan siya dahil tinulungan niya po ako last time. Pero hindi po niya ako pinipirata. Mabait po si Sir Craig, Sir," pagpapaliwanag ko pa. "I don't care. You will not meet him anymore. Not on my watch, you get it? I don't like the idea of my people betraying me, Lena. Hindi mo magugustuhan kapag nagalit ako..." pagbabanta niya. Nanigas ako sa takot dahil doon. Kitang kita ko kung paano magtagis ang kanyang bagang habang sinasabi ang mga iyon sa akin. Sa anyo niyang iyon na animo'y papatay anumang oras. Gusto kong malaman kung bakit ganoon na lang siya kagalit kay Craig. Gusto kong magkasundo sila ulit. Pero sino ba naman ako para manghimasok? Ako si Lena sa paningin ni Rave. Isa lang akong katulong at wala akong karapatan na panghimasukan ang buhay niya. Pagkauwi sa bahay ay kanya-kanya na kami ng gawain. Mas inabala ko ang sarili ko sa paglilinis kaysa ang salubungin ang galit ng amo ko. Hindi na siya ngayon sa loob ng kwarto niya nagkukulong, bagkus ay nasa loob niya ng kanyang library at tahimik na nagtatrabaho. Madalas ganoon ang set up namin sa nakalipas na ilang araw. Ni minsan ay hindi ko maalala na umalis siya ng bahay. Minsan ay nagtataka na ako sa kanya. Wala ba siyang balak na magtrabaho sa opisina? Kating-kati na ang ilong ko sa prosthetics ko! Sumapit ang gabi at inabala ko na lang ang sarili ko sa loob ng kwarto. Naghihintay ako ng text ni Rave dahil madalas lang siyang mag-text o tumawag kung may kailangan siyang iutos sa akin. Maya-maya ay may unknown number na nag-text sa akin. Unknown number: Hey, it's me... Craig. Leen: Craig? How did you get my number? Unknown number: Chill. Pinahanap na kita noon pa. Do you think I wouldn't know kung nasaan ka nakatira? Napakagat ako ng labi. Sa personal number ko si Craig nag-text. Nakahinga ako nang maluwag dahil may posibilidad na ang pinapagamit sa akin na cellphone ni Rave ay may phishing app. Unknown number: I wanted to talk to you. I have so many questions to ask you. But I have to ask it in person. Especially about your daughter. Napalunok ako sa huling mensahe ni Craig. Napahilot ako ng aking sentido. Leen: Hindi pa ako handa, Craig. Not now, please. Sa totoo lang ay ayaw ko nang magpakita sa lahat ng taga rito sa Victoria. So please... Just let me be. Unknown number: Lily, this is wrong. You can't keep on working there. Paano kung malaman niya about sa tinatago mo? Leen: It's my own responsibility, Craig. Not yours. Tama na iyong tinulungan mo ako 6 years ago. This time, ako na nag magha-handle ng sarili kong problema. I'm sorry... Matapos niyon ay minabuti ko na lang na tawagan ang number ni Ellen. Maikling oras lang ako nakakatawag lately doon. Hindi ako makalugar recently dahil sa laging nasa bahay si Rave. Pero ngayon na nasa loob na siya ng kwarto ay makakakuha na ako ng tiyempo. "Hello, Beng! Kumusta na siya?" Ako ang unang bumati sa aking kaibigan. "Okay naman si Yen-yen, Beng. Huwag kang mag-alala. Natitipid namin ang pinadala mo last week. Naghahanap din ako ng sponsors. Mabuti na lang at maraming kakilala si Jr," pagbabalita nito. "Salamat, Beng. Nami-miss ko na siya. Hindi pa kasi ako makatiyempo. Gustong gusto ko nang umuwi d'yan..." "Pagtuunan mo muna ang trabaho mo d'yan, Beng. 'Wag ka masyadong mag-alala sa anak mo." "Ilang beses ko na kasi siyang hindi naaabutang gising. Nangungulila na ako sa kanya, Beng." Napaluha ako. Miss na miss ko na talaga ang anak ko. Tinitiis ko ang lahat para sa kanya para lang madugtungan ang buhay niya. Siya na lang ang mayro'n ako. Matapos naming mag-usap ni Ellen ay nagpasya na akong matulog. Pabigat nang pabigat ang talukap ng mga mata ko nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Kinapa-kapa ko naman iyon sa may table sa gilid ng kama. Isang mata ko lang ang nakadilat habang sinasagot ang tawag. "Hmm..." sagot ko na nagtunog ungol. Walang nagsasalita mula sa kabilang linya. Napadilat ako ng mata at tiningnan kung sino ang tumatawag. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagsino iyon. Rave! "S-Sir? Sir, bakit po?" "L-Lena..." Mahina ang kanyang boses. Madidinig ko ang malalalim niyang paghinga. "Sir, may ipag-uutos po ba kayo?" "Lena... Uhh..." Mabilis akong napatayo at lumabas ng kwarto. Parang hangin ang bilis ko sa pagtakbo. Nakarating ako sa loob ng kwarto ni Sir. Napasinghap ako nang makita siyang nanginginig. "S-Sir Earl! Sir!" Mabilis akong nakalapit sa kanya at sinalat ang noo niya. Shit! Inaapoy siya ng lagnat. Mabilis akong kumilos at kinuha ang gamot mula sa cabinet sa kusina. Kumuha na rin ako ng isang basong tubig. Agad ko iyong pinainom kay Rave. Inalalayan ko siya sa pag-ubo sa kama. Napadaing siya at napahilot sa ulo. Mukhang masakit ang kanyang ulo. "Inumin n'yo na po ang gamot n'yo, Sir. Sobrang init n'yo po. Bakit ngayon n'yo lang ako tinawag?" Pagkatapos niyang inumin ang gamot ay inalalayan ko na siya ulit sa paghiga. Nagtungo ako sa CR at kumuha ng bimpo at binasa iyon. Pinunasan ko ang braso at binti ni Rave para pababain ang temperatura niya. Hindi pa rin humuhupa ang pagnginig ng katawan niya. Kahit na nakapikit na siya ay hirap na hirap pa rin siya sa pagbalik ng pagtulog. Ipinatong ko ang basang bimpo sa noo niya at nanatili sa may gilid niya. Marahas akong napabuntong-hininga at tiningnan siya nang mataman. Sa wakas ay humupa na ang panginginig niya. Sobra na ang pagtatrabaho niya kahit na nasa bahay lang siya. May mga oras na hindi pagkagising ko ng madaling araw ay nasa loob pa rin siya ng library at nagtitipa o 'di kaya'y may mga binibistahan na mga papel. Sobrang workaholic ni Rave mula pa noon. Kaya nga ang tawag sa kanya sa loob ng ForTech noon ay Dare Devil. Hindi lang halimaw sa trabaho kundi halos lahat ng mga tao sa kumpanya ay iniilagan siya. Even other companies inside Victoria City fear him the most. He is merciless at hindi alam ang salitang consideration. Alalang-alala ko pa ang lahat lalo na ang unang beses na nakadaupang palad ko siya. Napangiti ako dahil doon. Matapos kong mag-reminisce ay akma kinuha ko ang maliit na batya. Akma na akong tatayo ngunit may kamay na pumigil sa akin. Napalingon ako sa kanya. "Don't leave. Don't leave me..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD