Chapter 9 - Leen

1601 Words
Ako na siguro ang pinaka tangang nilalang sa balat ng lupa. Dahil sa lahat ng makakalimutan ko pa ay ang pinaka importante pa sa lahat. Agad akong napatakip ng ilong ko. Nanlaki ang mga mata kong nakatunghay kay Rave. Bwisit naman! Bakit ko ba kasi kinalimutang ilagay 'yung ilong na 'yun?! "Come again? Are you saying something?" bigla ay tanong ni Rave. "Ahh... w-wala po, Sir!" "Why are you covering your nose? Mabaho ba ako?" Napasinghot naman si Rave sa may kilikili niya. Nakakunot ang kanyang noo habang ginagawa iyon. Lihim akong napapatawa dahil sa ginagawa niya. "I don't think I stink, Lena. So, bakit ka nagtatakip ng ilong?" "Ahh... k-kasi, Sir... ano... Amoy alak ka! Tama. Amoy alak ka, Sir. Kaya please lang po. Tumungo na kayo sa kwarto ninyo. Ako na po ang maglilinis dito," saad ko sa kanya habang nakatakip sa aking ilong. Nagtunog ngongo tuloy ako dahil doon. "You're so weird. You know what?" Biglang lumapit si Rave sa akin at pinagkatitigan ako sa mga mata. Nagsimula na namang marigodon ang dibdib ko katulad noong kaninang lapitan niya ako sa may kwarto. Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya. "S-Sir... lasing na po kayo. Mabuti pa at ihahatid ko na kayo sa itaas." "Lena, talaga bang hindi ka mai-in love sa akin?" mahina niyang tanong. Nanlaki ang mga mata ko. "P-po?" "I just want to make sure, okay? I don't want someone lying to me, especially when I'm already trusting that person." Napalunok ako. Tila tinamaan ako sa maaanghang niyang salita. Tila nababasa niya ang nasa isipan ko. Kailangan kong mag-ingat. Baka mamaya mabuko ako nang maaga! Mahirap na. "A-ano ba naman kayo, Sir? Sinabi ko na po sa inyo. Hinding hindi po ako mai-in love sa inyo. Promise po 'yan! Mahal ko po ang asawa ko at ayaw ko pong magtaksil sa kanya." Sige lang, Leen! Ituloy-tuloy mo lang ang pagsisinungaling mo. "Hmm... But I don't believe you..." Maya-maya ay mas lalo siyang umabante papalapit sa akin. Ako naman ay hindi nagkandatuto sa pag-atras. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang kitchen counter top na tumama na sa likuran ko. Wala na akong maatrasan. Walang patid ang paglunok ko ng laway sa sobrang kaba. Gahibla na lang ang distansya ng mga mukha namin. Amoy na amoy ko ang alak sa kanyang hininga. At ayaw kong magsinungaling sa sarili ko. Pero mas lalo siyang nagiging gwapo sa aking paningin sa ganitong ayos niya. Rugged, dreamy, and sexy. Ang mga namumungay niyang mga mata ay tila hinihele ako sa tuwina. May kung ano doon na nagsasabing wala akong maitatago sa isang tulad niya. "I don't believe you..." pag-uulit niya. "S-saan ka po hindi naniniwala?" "Na mas gwapo pa ang asawa mo kaysa sa akin. You're bluffing, right? Tell me..." Mas lalong inilapit ni Rave ang mukha niya sa akin. Nag-iwas na lang ako sa kanya at ipinilig ang aking ulo. Kapag nagtagal na ganito ay baka talagang magkamali ako ng galaw! "B-bakit n'yo naman po naisip na nagsisinungaling ako? Wala naman po akong sinabi na mas gwapo siya kaysa sa'yo. Sir, masama po ba ang loob ninyo dahil doon?" pang-aasar kong tanong. Bahagya siyang lumayo at napaiwas ng tingin. "H-hindi, ah! Why would I be disappointed? Gusto ko lang kasing makasiguro. Ayaw ko ng taong sinungaling, Lena. Naiintindihan mo ba?" "Oo na, Sir! Umakyat na nga po kayo. Magpahinga na lang kayo, okay? Ako na ang bahala rito." Mabilis kong inalalayan ang pasuray-suray na amo ko. Kung pwede nga lang ay kanina ko pa siya na-judo throw sa sobrang inis ko! Tanungin ba naman ako ng gano'n? Pagmumukhain pa niya akong sinungaling. If I know, sobrang hindi niya lang matanggap na hindi ko siya gusto! 'Talaga lang, Leen, ha? E, bakit kuntodo iwas ka kay Rave kapag nilalapitan ka niya?' panunudyo naman ng isang bahagi ng isipan ko. Napailing na lang ako at tuluyan nang naihatid sa kwarto niya si Rave. Pagkabukas ko ng kwarto niya ay bumulaga sa akin ang mabango at tahimik na kwarto. Naroon sa sahig ang ilang nagkalat na chichirya pati na ang ilang pakete ng sigarilyo. May nakabukas na brandy sa ibabaw ng bilog na mesa sa tabi ng sofa. Dumiretso ako ng lakad habang nakaalalay kay Rave. Ilang beses ko siyang tinawag ngunit hindi na siya sumasagot. Mukhang nag-black-out na siya. "Tsk. Iinom-inom tapos hindi naman pala kaya!" himutok ko pa. Maingat ko na lang na inilapag si Rave sa kanyang kama. Tinanggal ko ang sapatos niya at kinumutan siya. Ang lamig-lamig ng kwarto niya pero pawis na pawis siya. Napapalatak ako at napailing. Pinagmasdan ko pa saglit ang payapang mukha ni Rave. Sobrang tagal na rin pala noong huling araw na nasilayan ko siyang ganito sa kanyang kama. Hindi ko maiwasang isipin... hinanap din kaya niya ako sa loob ng anim na taon? Nangulila rin ba siya sa akin tulad ng pangungulila ko sa kanya noon? Sobrang dami kong gustong itanong sa kanya. Pero mas pinili ko na lang na kalimutan ang parte na ito ng buhay ko. Alam ko na kahit anong gawin ko ay hindi na kailanman manunumbalik ang nakaraan. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko mula sa aking mga mata. Mabilis ko iyong pinahid at dali-daling lumabas ng kwarto ni Rave. Maingat kong sinado ang pinto at bumalik sa pagwawalis ng bubog na nasa kusina. Habang naglilinis ay hindi na natigil ang pagtulo ng luha ko. Inaamin ko. Nandito pa rin ang hinanakit ko sa kaibuturan ng puso ko. Kung bakit nangyari sa akin at sa anak ko ang masalimuot na kapalaran. At ang tao na may dahilan ng lahat ay narito at hindi man lang kakikitaan ng pagdurusa. Naiisip ko, sobrang unfair ng tadhana. Bakit hindi nahihirapan ang taong sumira ng buhay ko gayong kami ng anak ko ay nagdurusa? Napadaing ako nang makitang may mas malaki akong sugat sa kamay. Hindi ko namalayan na nasugatan na pala ako ng bubog sa sahig. "Bakit ka ba umiiyak, Leen? Bakit? Tanggapin mo na lang ang katotohanan..." naiiyak na sambit ko sa aking sarili. "Tanggapin mo na lang na kinalimutan ka na niya. Kinalimutan ka na ng taong sumira sa buhay mo. Kinalimutan ka na ni Rave..." **** Kinabukasan, maaga akong nagising. 3:45 AM pa lang ay dilat na ang mga mata ko. Gusto ko kasing mas mauna talaga kay Rave sa paggising. Siniguro ko na ang disguise ko sa harap ng salamin. Nilagay ko na ang fake kong ilong at naglagay ng makapal na drawing ng kilay. Malayong-malayo na ang hitsura ko sa Leen na kilala ng ilan sa Victoria City. Napangiti ako sa repleksyon ko sa salamin. Pagkatapos niyon ay dumiretso na ako sa ibaba at sinimulan ang mga gawain. Naging abala ako sa pagpagpag at pagpunas ng mga alikabok sa buong kabahayan. Masyadong maliit ang bahay na ito kumpara sa mga nililinis ko sa loob ng mansyon sa Casa Fortaleza. Pinalitan ko ang lahat ng kurtina, pati na ang sofa cover at throwpillows. Pagkatapos doon ay dumako ako sa laundry room. Isinalang ko ang ilang mga damit na hindi pa nalalabhan. Pati na ang ilang punda at kurtina. Habang nakasalang ang mga iyon ay dumiretso naman ako sa kusina at nagsimulang magluto. Hindi naman mahirap malaman ang ilang paborito ni Rave. Naitanong ko na ang iba kay Manang Maribel. Paborito ni Rave sa umaga ang sinangag at pritong itlog. Hindi rin nawawala ang saging. Pagkatapos kong gawin ang lahat ng iyon ay tinakpan ko muna ito sa ibabaw ng mesa. Matapos niyon ay binalikan ko na ang ibang nakasalang sa washing machine. Pagkatapos ko silang isalang sa dryer ay lumabas naman ako. Diniligan ko ang ilang halaman na nasa palibot ng bahay. Napansin ko ang ilang damo na nagtataasan na sa bakuran. Kailangan na ring i-trim ang mga ito. Nakahawak lang ako sa hose habang nagdidilig. Nakatulala ako dahil na rin sa antok at sa malalim kong iniisip. Iniisip ko si Yen-yen. Sana ay maayos lang ang kalagayan niya. Sana ay nasa saktong oras siya pinapainom ni Ellen ng gamot. Nami-miss ko na ang anak ko... "What are you doing?" "Ay anak ng tipaklong!" Napatalon ako sa gulat nang may magsalita mula sa aking likuran. Pagkaharap ko ay saktong naiharap ko rin ang hose na nakabukas pa rin hanggang ngayon. Sakto ang pagkakasapul ni Rave sa mukha! "What the—" "Hala! Sir, sorry!" Agad kong inikot ang uluhan ng hose upang patayin ang pag-agos ng tubig at binitiwan ito. "Sir, okay lang po ba kayo?" "f**k! Kaliligo ko lang, Lena!" Napakagat labi ako. Kitang kita ko ang galit na hitsura ni Rave. "S-sorry po, Sir..." "First day na first day mo rito sa pamamahay ko, pero puro kapalpakan!" "Sorry po talaga, Sir. Hindi ko po sinasadya. Bakit naman po kasi kayo nanggugulat?" "And now you're talking back?" "Ahh... ehh..." "Get me some clothes. NOW!" "O-opo!" Mabilis akong lumakas papasok ng bahay at hindi na nilingon pa si Rave. Nakakatakot siyang galitin. Ika nga nila, biruin mo na ang taong lasing, 'wag lang ang taong bagong gising! Dumiretso ako sa kwarto niya. Hindi ko alam kung saan banda ang damitan niya sa loob. Mabuti na lang at mabilis lang iyong hanapin. Naghanap ako ng paris ng damit na tulad ng sinuot niya kanina. Isang white shirt at khaki pants. Akma akong lalabas ng kwarto niya nang may isang picture frame akong nahagip ng mga mata. Nakataob iyon na picture frame sa loob ng closet ni Rave. Napakunot-noo ako. Sa sobrang curious ay dahan-dahan ko iyong iniangat. Doon ay nanlaki ang mga mata ko. Pagkaraan ay dumaan din ang sakit sa aking dibdib.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD