Chapter 10 - Leen

1646 Words
"Lena!" Natauhan ako nang marinig ko ang boses ng amo ko. Mabilis kong ibinalik ang picture frame sa loob ng closet at lumabas na ako ng kwarto. Naabutan ko si Rave na nakatayo sa harap ng hagdan. Pumanhik ako at iniabot sa kanya ang damit niya. Salubong ang kanyang kilay at nakapamaywang. Mukha siyang basang sisiw sa ayos niya. Tumutulo pa ang ilang butil ng tubig mula sa dulo ng kanyang buhok. Napatungo na lang ako. Marahas niyang kinuha ang kanyang damit mula sa akin saka ako tinalikuran. Sa comfort room sa ground floor ang ginamit ni Rave. Pagkatapos niyang makapagpalit ng damit ay nagtungo siya sa silid niya. Pagkalabas ay dala na niya ang suitcase niya. "Sir, mag-almusal na po muna kayo..." paanyaya ko sa kanya. "No need. I need to be somewhere. You can do what you want. Ayaw ko lang na nagpapapasok ng kung sino-sino rito sa pamamahay ko. Clean my room. Pwede kang manood ng TV. Whatever works for you. And also..." May iniabot siyang cellphone sa akin. Mukhang bago pa at latest phone model ng ForTech. Napangiti ako. "Wow! Latest model po 'yan ng ForTech, 'di po ba?" natutuwang tanong ko sa kanya. Hindi mawala-wala sa mukh ako ang pagkamangha. "You know this?" "Ahh... opo! Sikat po ang ForTech sa lugar namin. Kaso nga lang po... hindi ko lang afford," pagdadahilan ko. May bahagyang katotohanan naman ang sinabi ko sa kanya. Hindi ko talaga afford ang cellphone na iyon lalo pa at latest model iyon ng android phones na inilabas ng ForTech ngayong taon. Naging kilalang brand ang ForTech lalo na sa line of android gadgets sa buong Asya. Dahil sa kumpanyang ito ay nakakakumpetensya ang Pilipinas sa high-end technologies ng ibang bansa tulad ng Japan at China. Nakikipagsabayan ang ForTech sa Tech Industry kaya naging fan ako ng kanilang company noon. "Hmm... Anyway, you'll be using this phone from now on. Dito kita kokontakin in case. Heto nga pala ang pera pang-grocery." Iniabot sa akin ni Rave ang isang card na kulay black. Napanganga ako dahil doon. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanya at sa card na binigay niya. "What now? Hindi ka ba marunong gumamit ng card? Wala akong cash na dala, Lena." "H-hindi naman po sa gano'n, Sir. Marunong po ako. Kaso po... seryoso po ba kayo sa black card? Ipapagamit n'yo sa akin?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Napangisi siya sa akin. "I don't care how much you spend you a grocery. Buy anything that's necesarry, Lena. Pwede ka ring bumili ng mga damit mo. Iyon lang kasi ang wala akong stock dito. As you can see, I've been living alone." Alone? Ibig sabihin ay hindi siya nag-asawa? O baka resthouse lang niya ito? Imposible kasing wala siyang asawa. Lalo pa at nakita ko ang litrato sa loob ng kwarto niya. "So, you can buy the things you also need. I won't mind. Pero hindi ibig sabihin ay hindi ka magko-control. Do you understand?" huling tagubilin niya sa akin. Napangiti na lang ako at napatango sa kanya. "Opo, Sir Earl. Maraming salamat po." Akma nang aalis si Rave nang bigla siyang tumigil at pumihit muli sa aking harapan. "Ah, I forgot..." "Po?" "Did you just call me Rave last night?" "P-po?" Napakunot-noo ako at pilit na inaalala ang nangyari kagabi. Nang sumagi sa alaala ko ang eksaktong nangyari ay napakagat-labi ako. Oo nga pala! Natawag ko siyang Rave kagabi! "R-Rave? S-sino po 'yun, Sir? 'Di ba po Sir Earl ang pangalan ninyo?" pagmamaang-maangan ko. Sana hindi niya mapansin! "Are you sure?" "O-opo, Sir!" "Hmm..." He tilted his head and furrowed his brows even more. "Nagkamali lang ba ako ng pandinig?" "E-ewan ko sa inyo, Sir! 'Di ba nga po ay lasing kayo kagabi?" "Baka namali lang ako ng pandinig. Anyway, ikaw na ang bahala rito, okay?" "Yes, Sir!" Nang makaalis na si Sir lulan ang kanyang sasakyan ay napabuntong-hininga ako. Muntik ka na do'n, Leodelene! Napahawak ako sa aking dibdib at napaupo sa may one-seater na sofa. Kailangan ko na talagang ayusing ang pananalita ko. Hindi ako pwedeng magkamali sa mga galaw ko. Kundi ay siguradong maghihinala sa akin si Rave. Si Leen lang kasi ang tanging babae na tumatawag sa kanya ng ganoong pangalan. Rave... Marahas akong napabuntong-hininga at napatitig sa kisame. Mabigat pa rin ang pakiramdam ko ngayon. Simula nang makita ko ang litrato sa loob ng kwarto ni Rave ay hindi na ako mapakali. Dahil hanggang ngayon ay ang taong iyon pa rin ang nasa puso niya. Napangiti ako nang mapakla. "Bakit ba ako nasasaktan? Matagal nang natapos ang yugto naming dalawa ni Rave. 6 years. 6 years na niya akong kinalimutan..." Nagpasya na lang akong ayusin ang mga natitira sa loob ng bahay. Inilista ko ang mga kulang sa kusina. Pati ang mga kulang na gamit sa salas at kwarto niya ay inilista ko na rin. Naligo muna ako at nagpalit ng damit. Isang kupas na blue blouse at maong na pants ang isinuot ko. Ipinusod ko ang aking buhok sa likod at isinukbit ang bag sa balikat ko. "Hay... Sexy ka nga pero ang pangit mo!" panlalait ko sa aking sarili. Pailing-iling akong lumabas ng kwarto. Ini-lock ko ang lahat sa bahay bago ako lumabas. Napagtanto kong sobrang layo pa pala ng lalakarin ko bago ako makakalabas ng subdivision. "Sobrang layo naman pala ng bahay ni Rave. Nakakaloka!" Bago pa ako makarating sa guardhouse ay namamawis na ang kilikili ko. Mabuti na lang at may taxi na kalalabas lang ng subdivision. Pinara ko ito. Pagkasabi ko kay Manong sa aking pupuntahan ay nagsimula na siyang umandar. "Ngayon ko lang yata kayo nakita sa subdivision na ito, Ma'am. Bago lang po ba kayo rito sa Victoria Heights?" bigla ay tanong ng taxi driver. "Ahh... opo, Manong. Bagong katulong ho ako." "Gano'n ba? Kanino ka naman namamasukan?" "Kay Sir Fortaleza po..." "Ah, si Sir Earl po ba?" "Opo. Kilala n'yo po ba siya?" "Ay, oo, hija! Suki na ako ni Sir Earl kaya kabisado ko na ang mga pinupuntahan niya." "Po? Nagta-taxi pa po pala si Sir Earl kahit na may sasakyan na siya?" "Oo naman, hija. Iyon nga rin ang ipinagtataka ko sa kanya, kako bakit pa niya kailangang mag-taxi gayong may sarili naman siyang sasakyan. Ang lagi niyang sinasabi ay dahil tinatamad siyang mag-drive." "Ahh... sabagay..." "Kailan ka lang sa bahay ni Sir?" "Kahapon lang po, Manong. Galing po ako sa Casa de Fortaleza." "Ahh... Mukhang nakapasa ka kay Sir Earl, ah? Congrats, hija! Matagal na rin kasi bago ang huli na nakita kong may katulong si Sir Earl." "Bakit naman po?" "E, balita ko'y napapalayas ang lahat ng nagiging katulong niya mula pa noon. Sa pagkakaalam ko'y ayaw ni Sir ng kerengkeng!" natatawa pa niyang kwento. Napatawa naman ako nang alanganin sa kanya. "Ahh... gano'n po ba, Manong?" "Kaya sa tingin ko naman ay magtatagal ka, hija. Sa hitsura mong 'yan, malabong pangarapin mong maikama ka ni Sir Earl!" Napahalakhak pa ito sa akin. Pinaningkitan ko siya ng mga mata. Ang judgmental naman ni Manong! Por que pangit, 'di na pwedeng mangarap na maikama! Hoy, Manong, tapos na akong mabiyak ng sinasabi mong Sir Earl! Gustong-gusto kong ipagmayabang iyon kay Manong pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi na lang ako umimik at hinintay na makarating ako sa Victoria Malls. Pagkarating sa nasabing lugar ay nag-focus na lang ako sa pag-grocery. Marami akong pinagkumpara na mga brand ng pagkain. Sa ganitong panahon ay kailangan kong maging praktikal. Hindi naman por que at mayaman siya ay lulustayin ko na ang black card niya sa mga pagkain na unreasonable sa sobrang mamahal! Halos maging dalawang cart na nga ang magamit ko sa sobrang dami ng pinamili ko. Nananakit na rin ang braso at balikat ko sa pagtutulak at paghihila ng cart kung saan ako. Sa huli ay natapos na rin akong mamili. May ilan akong hindi nakita na mukhang sa palengke ko lang talaga matatagpuan. Mamaya na lang siguro ako manghihingi kay Rave ng pambili. Pumila ako sa mahabang linya patungo sa cashier. Pagkatapos na i-swipe ang black card na dala ko ay natanggal din ang simangot ng babae na nakapila sa likuran ko. Kanina pa kasi ito panay ismid. Marahil ay naiinis sa dami ng pinamili ko. Nang makita niya ang black card na dala ko ay namangha siya sa nakita. Binigyan ko na lang siya ng isang matamis na ngiti. Pagkatapos sa grocery ay dumako naman ako sa department store. Pinulot ko ang mga nasa listahan na dala ko. Swipe here. Swipe there. Ang ending, nakalimutan kong bilhin ang mga damit ko! Napabuntong-hininga ako pagkakita sa bundok na laman ng cart na ngayon ay nakakarton at plastic. Paano ko pala dadalhin ang mga 'to nang mag-isa? "Need help?" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. Napanganga ako nang mapagsino iyon. Si Craig Denovan! Ang pamosong heartthrob at dating Mr. Victoria City! Isa siyang model at photographer na rin. Isa siya sa naging kaibigan ko bilang si Leen Guillermo. Minabuti ko na lang na itikom ang bibig ko dahil baka magkamali ako. Naka-disguise ako ngayon bilang si Lena. Tiyak na hindi ako ako namumukhaan ni Craig bilang si Leen. "A-ako po ba ang kinakausap ninyo, Sir?" tanong ko sa kanya. "Yes. As I can see, marami kang bitbit. Gusto mo bang tulungan na kita?" tanong niya sa akin. "Ay, naku, Sir. 'Wag na ho! Kaya ko naman po ang mga ito. Huwag kayong mag-alala," pagtanggi ko naman. Ayoko lang talaga na makadaupang-palad siya sa ngayon. Hindi pa ako handa! "No, I insist. Tutulungan na kita. Maghahanap ka rin naman ng taxi, right? Why not drive you home?" "P-po?" "Ahh... sorry. Hindi pa pala ako nagpapakilala sa'yo." Inilahad niya ang kanyang kamay at ginawaran ako ng isang matamis na ngiti. "I'm Craig..." At heto na nga. Isa-isa nang naglilitawan ang mga naging lalaki ko sa buhay sa loob ng Victoria City.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD