Binigyan ng tingin ni Zoraida ang lahat. Naisipan ng magpipinsan na manuod ng horror. Siya lang roon ang hindi Timbreza na naroroon pero hindi niya feel na ma-out of place kasi palaging pinapakita sa kanya ng mga ito pantay sila roon and everyone's special. "Usog ka ngang gag* ka." Si Jame kay Vince. "SHHH!" Saway naman agad ni Fajra sa kanilang dalawa. Napangiti siya. It feels like she's also part of the family. "Popcorn?" Tanong sa kanya ni Lorenzo sa tabi. Tumango siya. Lorenzo handed a bowl full of popcorn na niluto ni Priscillian o Lian. Hindi lang pala sa pagkain ng junk foods siya magaling kundi sa pagluto rin. Siya rin kasi ang nagluto ng ulam ni Vince dahil nagugutom raw ito at gustong kumain ng adobong manok. Napag-alaman din niyang ilan sa magpipinsan ay nakapagtapos na ng

