Kinabukasan ay nagising si Lorenzo sa walang katapusang pag ding-dong ng kung sino mang tao sa labas ng unit niya. Ito ang kauna-unahang masarap na tulog niya ever since kaya napamura agad siya dahil sa walang katapusang ingay. Inaantok pa man ay binangon niya ito. He is 100% sure na kung hindi iyon isa sa mga pinsan niya ay si Nancy na naman iyon. Ang mga ito lang naman kasi ang may lakas na loob na bulabugin siya. At hindi nga siya nagkakamali nang pagkabukas niya sa pintuan ay isang malakas na sampal agad ang nakuha niya. "Whoa, early in the morning and I got sla-" hindi pa man siya natatapos ay sa kabilang pisngi naman siya sinampal nito. Napahawak siya sa mga pisngi. Tila nawala ang antok niya dahil roon. Sa sobrang lakas ng sampal nito ay napasabi siya sa sariling parang nakapagtr

