“Hi.” Gulat na napalingon si Venny at Zoraida sa lalaking bigla na lang sumulpot sa tabi nila. Nang makitang ang kaklase pala nila iyon na si Aiden ay agad nila itong nginitian. Nasa library sila nang eskwelahan nila. Katulad ng nakasanayan ay roon sila sa pinakamalayo at tahimik na parte ng library kung saan wala gaanong mga estudyante ang napapadpad. Tapos na ang mga klase nila at naisipan nilang tumambay muna sa library bago umiwi dahil maaga pa. “Uh. H-hello.” Bati naman sa kaniya ni Zoraida. Mas napangiti pa lalo ang lalaki dahil narinig na naman niya ang magandang bosses ng dalaga. He really finds Zoraida pretty. Kaya simula noong makuha nito ang atensiyon niya ay gusto niyang mas mapalapit pa rito. “Hindi pa kayo uuwi?” Tanong ni Aiden. “Hindi pa. Maya-maya pa siguro.” Si Venny

