"Where's Lolo?" Hinihingal na tanong ni Lorenzo nang makarating sa bahay ng Lolo. "He's fine dude. Nasa kwarto na si Lolo nagpapahinga." Sagot sa kanya ni Chester. Agad naman siyang nawalan ng kaba sa dibdib. Hinay-hinay siyang pumasok sa kwarto ng Lolo at nakita roon ang mga magulang. Nang makita siya ng Mommy niya ay binigyan agad siya nito ng yakap at halik sa noo. "He's fine. Hayaan muna natin siyang makapagpahinga." Ani nito sa kanya pagkatapos ay lumabas. Sumunod naman ang papa who tapped his shoulder before going out. He sighed when his eyes lay on his grandpa. Grabe ang kaba niya kanina nang marinig na inatake na naman ang Lolo niya. Lumapit siya sa tabi nito at hinawakan ang nangunglubot nitong mga kamay. Parang kailan lang ang lakas-lakas pa nito, where he doesn’t have to b

