“Ayos ka lang ba?” Nag-aalalang tanong ni Aiden kay Zoraida kinabukasan nang makitang nakatulala ito sa isang tabi. “May problema ba? Kanina pa kita napapansin diyang tulala ah,” “Wala, ayos lang ako.” tipid niyang sagot rito at ngumiti kahit hindi naman nito makikita ang pag ngiti niya dahil sa nakasuot siya ng mask. Sa tingin niya ay magiging convenient para sa kaniya kapag nakasuot siya nang mask tulad na lang ng kung anong nangyari kahapon, kung hindi siya nakasuot ng mask ay paniguradong makikilala siya nang dating kaibigan niya na si Nancy. Napabuga siya ng isang malalim na hininga. Kanina pa siya natutulala dahil iniisip niya kung paano kung hindi siya nakasuot ng mask kahapon, ano kaya ang mahihing reaksyon nito? Masasayahan kaya ito kapag nakita siya? Matatakot? Ma

