“Kung nakita lahat ni Ikang ang mga pangyayari nang gabing iyon then why? Bakit? Bakit niya pa rin na kayang magpa-ampon sa mamatay tao na iyon? Walang puso ang lalaking iyon! Paano kung… Paano kung siya ang susunod na patayin ni Pyeong? Nag-iisip ba siya?” Natataranta at hindi makapaniwalang tanong niya sa sarili. Napuno nang tanong ang isipan ni Zoraida kung bakit? Pero ni isang dahilan ay wala siyang maisip maliban sa yaman at pera but still, hindi pa rin siya nasisisguro kung iyon lang ba ang rason ng kaibigan niya, dahil kilala niya ito ng lubusan. Kilala niya ito Ikang bilang isang kaibigang tanggap kung ano man ang meron at estado nito sa buhay. Napabuntong hininga si Zoraida. Pero nasaan na sina Auntie Marites at Uncle Jun? Bakit hinayaan lang nilang ipa-ampon si Ikang

