Kakatapos lang ng pang huling klase ni Zoraida nang matanggap niya ang isang mensahe mula kay Lorenzo. Napabuga siya nang hangin oras nang matapos niya iyong basahin. Gusto nitong makita siya at sa paraan pa lang ng pagkakagawa nito sa mensahe niya ay parang desididong-desedido talaga ito na makita si Zoraida. Napabuga na naman ng hangin si Zoraida. Sa katunayan niyan ay mag ta-talong linggo niya nang hindi pinapansin ang lalaki kahit sa mga mensahe at tawag nito ay hindi niya sinasagot. So loob-loob niya kasi ay parang nakakaramdam siya nang matinding konsensya para sa dating kaibigan niyang si Nancy, lalo na dahil narinig niya lahat ng mga binitawang salita ni Lorenzo para rito na kahit siya na nakikinig lamang sa pag-uusap ng dalawa noon ay nasasaktan na siya para sa kaibigan, p

