Alas kwatro na nang hapon at maya-maya ay pwede na akong umuwi. Napag-usapan na kasi namin ni Manang Syodad na uuwi ako araw-araw at hanggang alas sa-is lamang ang trabaho ko rito sa mansyon. Wala kasing kasama sina Tiya sa bahay kaya kailangan kong umuwi at naintindihan niya naman iyon. Nasabi niya pa nga sa akin na ready na sana ang higaan ko sa maid’s quarters, dahil akala niya ay dito ako mamalagi habang ditonagtatrabaho ako rito.
Naghahanda ako ng juice para sa mga Apo ni Don. Ngayon lang nila naisipang huminto sa paglilinis ng bakuran nang makita ang oras. Pawisan at nakaupo ang iba sa upuang gawa sa simento sa gilid, habang ang ibang kalalakihan naman ay sa hagdanang simento ng mansyo na napiling umupo.
“Nakakapagod!” Nag uunat na ani nang isa sa kanila.
“Pahingi ako.” lapit ni Venancio sa akin. Binigyan ko siya ng baso na may laman nang juice.
“AHH! Refreshing.” Sabi niya na umakto pang parang modelo nang iniinom niyang juice. Pawisan man ay hindi parin nawawala ang kagwapohan at kagandahan sa mga mukha nila.
Ang unfair naman talaga ng buhay. Kung ako siguro ang nasa posisyon nila at buong araw na nakabilad sa ilalim ng araw ay mukha na siguro akong nadaanan ng limang bagyo.
“I’ll get this.” Sabi ni Lorenzo sabay kuha sa basong nasa mesa at may laman nang juice. Malapit ito sa akin at kahit pawisan ay wala akong naaamoy na kahit anong mabaho. Imbes ay naaamoy ko parin ang conditioner na gamit niya sa plain light blue colored niyang V-neck shirt.
Isa-isa na silang lumapit sa direksyon ko upang kunin ang kani-kanilang mga juice. Nang matapos ko nang paglagyan ang mga baso nila ng juice ay ako naman ang umatras at bumalik muna sa loob ng mansyon. Dumiretso ako sa kusina para kausapin na sana si Manang na uuwi.
“Sige Aida at baka maya-maya ay dadating na din yun si Karina. Teka lang at pupuntahan ko muna ang mga bata.” sabi niya. Naiwan ako sa kusina. Nang mapatingin ako sa nagkalat na iilang prutas at gulay na kakahatid lamang nila Mang Juni galing sa gulayan ay inayos ko muna ang mga iyon.
“You didn’t stay here?” Tanong nang lalaki mula sa likuran ko nabahagyag nagpatalon sa akin sa gulat.
Napatingin ako sa kanya na dumiretso sa water dispenser sa tabi ko.
“Hindi po, Sir Lorenzo.” sabi ko habang ino-organize ang mga gulay. “Wala po kasing kasama ang mga Tiya sa bahay at napag-usapan na rin po namin iyon ni Manang Syodad po.” sabi ko. Tumango siya.
“You should go now, dumidilim na.” sabi niya habang sa labas ng bintana na nakatanaw.
“Tatapusin ko lang po ito.” sabi ko at pinagpatuloy ang pag organize ng mga gulay.
Hindi na siya nagsalita at pinanuod nalang ako sa ginagawa. Tuloy ay na ko-concious ako sa estado ng mukha ko ngayon. Buong araw akong hindi nakapag-suklay dahil sa dami ng gawain dito sa loob ng mansyon. Hindi ko alam, baka nagmukha na pala akong bruha sa buhok ko.
Nang matapos ako ay akma na sana akong lalabas nang magsalita siya. Akala ko ay magtatagal pa siya roon pero parang hinintay niya pala akong matapos sa ginagawa. Nilagay niya ang kaninang puno pa ng tubig na baso sa banggera.
“Saan kaba dadaan?” tanong niya at pinalitan ako sa kaninang kinatatayuan. Namili siya nang mga gulay roon.
“Sa likuran po.”
“Hindi ba matalahib ron?” tanong niya. Kinuha niya ang isang repolyo, dahil doon ay nakita ko ang pag flex ng kanyang muscles. Ibinalik niya ang repolyo sa pinagkunan.
“Hindi naman po, may daanan namang walang talahib.” sabi ko.
“Hintayin mo ako. Ihahatid kita.” Sabi niya at sa ref naman tumungo. Kumuha siya ng isang supot sa katabing cabinet ng ref at bumalik sa harapan ng mga gulay. Nasa likuran niya na ako kaya kita ko ang paanong pag galaw ng mga muscles niya sa likuran.
“P-po?” Hindi agad na proseso nang utak ko ang sinabi niya.
“Bibisitahin ko sina Tiya.” sabi niya habang nilalagay sa supot ang karne na nakuha galing sa ref.
Nasa daan lamang ang tingin ko nang maglakad kami patungo sa kubo ng mga tiya. Nasa likuran ko lamang siya habang bitbit ang supot na may lamang karne, gulay at mga prutas. Ibibigay niya siguro kina Tiya. Nahihiya akong kasama siya kaya nagmamadali ang bawat hakbang ko pauwi.
Nang makarating ay naabutan namin ang dalawang matanda na nanunood sa maliit naming TV.
“Tiya?!” Tawag ko sa kanilang dalawa. Seryoso ang mga itong nanunuod ng balita kaya hindi agad ako nilingon ng mga ito.
“Pasok ka.” Sabi ko. Nakatalikud mula sa pintuan ang dalawang matanda kaya hindi agad nila nakita kung sino ang kasama ko.
“Sinong kasama mo Aida? Si Roy ba? Pasok ka Roy.” si Tiya Maring habang nasa telebisyon pa rin ang mga paningin ganoon din si Tiya Lyoning na halatang walang pake kung sino man ang pinapasok ko sa bahay namin.
Lumapit ako sa kanila para magmano. “Hindi po, apo po ni Don.” sabi ko.
Nanlaki ang dalawang mga mata nila at agarang napalingon sa kanilang likud para tingnan kung sino ang naroon.
“Magandang gabi po.” magalang na sabi ni Lorenzo at lumapit na rin sa kanila upang magmano.
“Bless you.”
“Inihatid ko na po si… Aida at may dala po akong mga gulay po para sa inyo.” sabi niya na natagalan pa sa parte ng pagtawag sa pangalan ko.
“Nako! Salamat hijo nag abala ka pa.” Si Tiya Lyoning na siyang kumuha nang supot sa kamay ni Lorenzo. Ako naman ang umabot noon kay Tiya para ilagay sa lamesa naming gawa sa kawayan din.
“Pasensya kana’t naabala kapa nitong dalaga namin. Sabi ko naman kasi sa iyo Aida sa harapan kana dumaan. Baka matuklaw kapa ng ahas diyan sa likuran.”
Napanguso ako. Parang ngayon lang eh dyan naman talaga kami dumadaan kapag pumupunta sa mansyon.
“Opo.” sagot ko nalang.
“Kumain ka naba hijo? Nagluto si Maring ng sinigang. Mamaya ka na umuwi. Dito kana maghapunan.” si Tiya Mariya at pinaupo si Lorenzo sa nag iisang may kutson namin na upuan.
“Ihanda mo na ang lamesa Aida.” Si Tiya Lyoning. Lumapit si Tiya Maring sa akin para tulungan ako.
“Gwapo ba?” pabulong na tanong niya nang nagsasandok ako ng kanin. Nasa labsa kami ng bahay kasi nasa labas ang lutuan namin.
“P-po? “ Nagtatakang tanong ko sa kanya nang makalingon.
“Ang sabi ko gwapo ba ang apo ni Don?” tanong niya ulit kahit narinig ko naman ito nang malinaw sa unang pagbanggit niya nitp.
Napalingon ako sa loob kung saan nag-uusap si Lorenzo at Tiya. Tiningnan ko ang hugis nang kanyang mukha, masasabi kong halos perpekto ang pagkakahubog niyon. Hindi mataba at hindi rin naman masyadong payat. Makakapal ang kanyang mga kilay, pantay-pantay at mapuputi ang kanyang mga ngipin at may natural na mapupulang mga labi.
Binalikan ko ng tingin si Tiya Maring na nakatingin na rin pala sa loob.
Sinirado ko ang maitim na kalderong pinaglutuan namin ng kanin bago magsalita. “Lahat silang mga apo ni Don, tiya, ay gwapo.” sagot ko. Sabay kaming pumasok ni Tiya sa loob.
“Mmm. Namiss ko po ang luto niyo Tiya Maring.” Ani niya na halata talagang nasarapan sa luto ni Tiya. Kahit ako naman noong unang tikim ko sa luto ni Tiya Maring nahirapan akong magpigil na dumagdag pa ng maraming kanin sa pinggan ko. Para kasi talagang may spell ang pagkakaluto niya niyon na mapapadagdag ka nalang ng kanin sa sobrang sarap.
Humalakhaw si Tiya Maring in a way proud na proud siya sa sariling kakayahan.
“Tapos kana bang mag-aral hijo?” Tanong ni Tiya Maring ka Lorenzo.
“Opo. Kakatapos ko lang po.”
“Akalain mo yun Mari ang dali lang nang panahon. Kailan lang ay hinahabol kapa nitong si Mari noon para mapainom ka ng gatas ngayon eh nakapagtapos kana.”
Lalaking-lalaki na napatawa si Lorenzo sa narinig na alaala. “Nakakahiya naman. Oo nga po eh, mabuti nalang at nairahos ko ang pag aabugaasya.” sabi niya.
Abugasya.
Ang pangarap kong kurso.
“Pareho pala kayo nitong apo namin. Gusto rin nitong makapagtapos ng pagaabugasya!”
“Talaga po?” Dahil doon ay napalingon siya sa direksyon ko. Nahihiyang napangiti nalang ako habang nakatingin sa plato ko.
“Oo iskolar din ito nang Lolo mo.” si Tiya Lyoning.
“Ganoon po ba.” Ngumiti siya sa akin. “Mabuti naman at kahit papano ay nakakatulong ho ang pamilya namin sa inyo.”
“Nakuh! Ang dami-dami na ngang naitutulong ng pamilya niyo sa amin eh!” Humalakhak si Tiya Maring.
Ngumiti si Lorenzo na tila nahihiya. I can see the humbleness on his face.
“Walang anoman po Tiya Maring.” Lumingon siya sa kin. “Kung may kailangan ka Aida nasa mansyon lang naman ako. Maraming mga libro roon si Lolo tungkol sa pag-aabugasya. Pwede kang humiram ng mga libro doon.”
Napangiti ako sa sinabi nito. Wala kasi akong libro at nahihiya akong humiram sa mga kaklase ko. Meron naman sa internet kaso wala akong gadget kaya malaking tulong sa akin kung papahiramin niya ako.
Tuloy ay na-excite ako. “Talaga po?”
“Oo.” napangiti ako.
Hindi pa agad nakauwi si Lorenzo dahil pinagpahinga muna siya ng mga Tiya. Nasa labas ako at nagtitimba para hugasan ang mga pinagkainan namin.Nasa kalagitnaan ako ng pagsasabon at pakikinig sa mga tawanan ng dalawang matanda at binata sa loob nang marinig ko ang iilang ingay papalapit sa kubo namin.
“Ito na yata yun.” rinig kong sabi nang isa.
“Ang sarap naman ng hangin rito.”
“Nakakatakot lang kasi… there is no ilaw, wala man lang isang poste.” nang marinig iyon ay nasiguro kong apo iyon ni Don, si Weather. Nakilala ko agad ito dahil sa maarte niyang tono ng pananalita.
Napatayo ako nang matuwid at nilagay muna ang timba sa gilid at lumapit sa harapan ng bahay namin. Doon ay nakita ko ang magpipinsan na pa silip-silip sa kubo namin. Nang makita ako ay tinuro ako ni Chester. Kahit nasa madilim pa silang parte na daanan sa ilalim ng malaking punong mangga malapit sa amin ay agad kong nakilala si Chester dahil sa light brown na kulay ng kaniyang buhok na tila lighter kesa sa mga kasama niya.
Lumapit sila sa akin. Nakita ko si Lorenzo sa loob na nakikipagtawanan pa sa dalawang matanda habang nakabukas ang tv kaya hindi sila nito narinig.
“Nandyan pa ba si Lorenzo?” tanong nang isa na hindi ko pa nakikilala. Lima silang pumunta, tatlo silang lalaki at ang dalawang pinsan nilang babae na si Weather at Fajra.
Tumango ako. “O-opo. Nasa loob pa po siya kausap po ang mga TI..”
“There you go.” putol sa akin ni Weather nang makita ang pinsang papalabas na sa mumunti naming tahanan. Hindi na nila ako hinintay at sila na mismo ang lumapit patungo sa direksyon nina Lorenzo at mga Tiya.
Lorenzo bowed his head a little nang lumabas siya sa pintuan namin. May katangkaran kasi ito at medyo maliit lamang ang kataasan nang aming pinto kaya kinailangan niya pang yumuko ng kaunti. At nagulat nang makita ang mga pinsan niyang sa harapan na niya.
“What are you guys doing here?” Nagtatakang tanong ni Lorenzo sa mga pinsan niya.
“Ito naba yung mga pinsan mo Lorenzo? Aba! At ang lalaki na rin nila ah!” sabi ni Tiya Maring kahit halos maipikit na ang kanyang mga mata dahil sa hindi na siguro niya maaninag nang maayos ang mga tao sa harapan niya.
“Magandang gabi po Tiya.” bati nang isa na kinausap ako kanina ka Tiya.
“Kapatid ko po si Leonel.” Napatingin ako sa huli. Magkahawig nga sila. Singkit lang itong tinawag niyang Leonel.
“Ito naman po ay si Chester, Jame, Fajra at ang bunso po namin si Weather.” Sinamaan siya nang tingin ni Weather na hindi naman niya pinansin.
Bumati sila sa dalawang tiya.
“Sinusundo lang po namin itong pinsan namin Tiya, hindi na po kami magtatagal.” Sabi nang tinawag na Jame. May tatoo ito sa likud nang kamay. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin pero alam kong nakasulat ang mga yun sa baybayin