Kinabukasan nang marinig ko ang tilaok ng alaga naming mga manok ay bumangon na agad ako. Tumayo at pinusod ang buhok. Kailangan kong pumunta ng maaga sa mansyon dahil naatasan akong magluto ng breakfast ngayon para sa mga apo ni Don.
Nagluto na ako ng ulam at kanin na sinigurado kong aabot para pangtanghalian nina Tiya. Tulog pa ang dalawa kaya naisipan kong umuna na sa pagkain at wag na silang disturbohin mula sa mahimbing nilang pagtulog.
Paalis na ako nang magising at lumabas mula sa kwarto nila sina Tiya. Magulo ang mga buhok at gusot-gusot na naglakad ng paika-ika patungo sa lagayan ng mga tasa si Tiya Maring habang si Tiya Lyoning naman ay diretsong lumabas ng kubo para diligan ang kanyang mga pananim na mga bulaklak at mga gulay.
“Ang aga mo naman yata ngayon Aida?” tanong sa akin ni Tiya Maring habang nakatalikod at nag titimpla nang kape nila ni Tiya Lyoning.
“Ako po kasi ang naatasang magluto ng agahan ngayon Tiya.” I said as I combed my hair. I looked at her back using her reflection on our old mirronr.
“Ahh ganoon ba. Nasaan ba yang si Karina at pati pagluluto ay ikaw na ang gumagawa? Akala ko ba ay taga-linis ka lang roon?”
“Ah, may importante po yata siyang inaasekaso sa pag-aaral niya Tiya. Ayos lang po naman. Hindi naman po mabigat na gawain iyon.”
Nilagay niya ang kape sa taas ng lamesa at tinawag ang kaptid. “Kumain kana?” tanong niya sa akin.
“Opo.”
Pumasok si Tiya Lyoning.
“Aalis kana?”
“Opo Tiya.”Nag mano ako sa kanya sunod ay kay Tiya Maring.
“Alis na po ako.” Paalam ko at lumabas na nang kubo.
Agad na nanuot ang lamig ng simoy ng hangin sa balat ko. Hindi pa lumalabas ang haring araw at ang buong palayan ay natatabunan pa nang mga fags. I feel some liquids kissing my cheeks as I walk my way to the mansion.
Tulad nang dati ay sa likuran ako dumaan. Pumasok ako gamit ang maliit na gate roon at naabutan si Roy na kakagising lang din at mukhang inaantok pa. Humikab siya at pumikit sandali, inihilig niya ang katawan sa simento. Sobrang gulo ng buhok niiya pero salamat naman ay lumabas siyang nakabihis na.
I chuckled that made him open his eyes widely. Nang makita ako ay nagmadali siyang pumunta sa gripo nang tubig at doon nag mumog at nag hilamos ng mukha. Tuluyan na akong napahalhak sa pagmamadali niya. Ganito ba talaga ang epekto ko sa kanya?
“Ang aga mo ata Aida?” tanong niya sa kain habang pinupunasan ang basa niyang mukha ng malinis na tuwalya na nasa kanyang balikat. Dito na kasi sila nanunuluyan sa mansyon. Sa likuran ng mansyon ay may pinagawang bahay si Don para sa pamilya nina Roy. Noon paman daw ay ang pamilya na nila ang nag m-maintain sa mansyon. Malaki ang tiwala nang mga Timbreza sa kanila kaya pinagawan na sila ng saliring matutuluyan sa mismong lupain.
“Ako kasi ang magluluto ngayon ng agahan.” Ngumiti ako. “Sige, pasok na ako ha. Baka magising na yung mga apo ni Don.” sabi ko at pumasok na at dumiretso na sa kusina.
Pagpasok ko ay halos mapa-talon ako sa gulat nang muntik ko nang mabangga ang walang saplot pang-itaas na katawan ng isang lalaki. Tinaas ko ang tingin at nakita ang naka-salaming apo ni Don na si Lorenzo. Napaatras agad ako. May hawak siyang tasa na may lamang kape at seryoso ang tingin sa akin.
“Good morning po, Sir.” bati ko sa kanya. Tiningnan ko siya sa mukha, napalunok ako ng kaunting laway, in a way na hindi niya mapapansin.
Paano ba kasi ay ang lapit-lapit niya sa akin! At walang saplot pang itaas! Tinitigan niya ako sa mukha. Hindi gaanong maliwanag sa kusina dahil hindi nakabukas ang ilaw pero hindi ko alam sa mga mata ko na sa kanyang mukha lang naman nakatingin pero napansin parin ang mapupuri niyang dibdib at ang n*****s niyang parang bulkan na sila lang ang inilagay sa parteng iyon to please everyone’s eyes.
Ano ba! Parang may nakita yata akong buhok roon? Gusto kong sampalin ang mukha ko dahil sa mga pinagiisip ng utak ko.
“Morning” bati niya rin sa akin pabalik. Kahit nakasalamin ay hindi iyon naitago sa akin ang pagod sa kanyang mga mata. Maiitim ang ilalim ngmga mata niya, which means kaunti o hindi na naman siya natulog at sinubsob na naman ang sarili niya sa trabaho. Masyadong responsable sa trabaho, pero sa sarili, wala. Hindi ba pwedeng unahin naman pa minsan-minsan ang sarili? Yun lang ang sinabi niiya at nilampasan niya na ako.
Agad akong napabusangot at kasunod niyon ang isangbuntong hininga.
Sinundan ko ng tingin ang kanyang likuran na umaakyat sa hagdanang gawa sa kahoy patungo sa kwarto nito, sa pangalawang palapag ng mansyon. Mula sa aking kinatatayuan ay kitang-kita ko kung gaano kaganda ang pagkakahubog ng katawan nito.
Napakagat labi ako sa iniisip at mabilis na inalis sa direksyon niya ang tingin. Kailan pa ako nag-isip ng ganito? Napailing nalang ako sa sarili at tuluyan nang pumasok sa kusina para magsimulang magluto. Sa gitna ng pagluluto ko ay palaging bumabalik sa isip ko yung u***g niyang may buhok sa gilid kaya nakabasag at hindi ko maayos na naluto yung isang fried egg! Bwiset na u***g yun!
Matapos mag agahan ay sinimulan na naman nila sa pagtatrabaho ang landscape sa harapan ng mansyon. Hindi pa nila natapos yung kahapon kaya ngayon yata nila iyon tatapusin.
“Fajra!’ tawag ni Jame sa pinsan na babae, yuong bad boy look na may tattoo sa kamay. “Saan to ilalagay?”
“Doon!” sigaw naman pabalik ni Fajra habang tinuturo ang isang bakanteng pwesto kung saan napapaligiran ng malalaking puting bato ang isang malaking paso. Nilagay ni Jame ang bulaklak roon at inikot-ikot kung saang bahagi ang magandang tignan.
“Perfect!” maarteng sigaw ni Weather nang mailagay na nga ng maayos ng pinsan ang bulaklak.
Nagpapahinga kami ni Nay Syodad at nakatingin lang sa kanila na pinagpapawisan sa mga ginagawa. Gusto ko sanang tulungan sila kaso hindi ako pinayagan ni Manang Syodad at sabi din nila ay ayos lang din naman daw sila at pinagpahinga pa tuloy kami.
Hindi na ako nagtaka kung bakit anim lang sila ang nagtatrabaho roon at wala si Lorenozo dahil base sa nakita ko kanina ay wala talaga siyang tulog. At base din sa narinig ko ay ang tatlong apo pa ni Don ay dadating sa susunod na linggo, kaya naman ay madadagdagan na naman sila.
Habang tumatagal ay gumaganda na nnga ang bagong disenyo ng landscape, masasabi kong parang professional na landscaper ang umisip sa disenyong iyon na ginamitan ng iba-t ibang elements of design.
“Ang ganda na Manang.” hindi napigilan ang pag-puri ko roon.
Wala pa mang hapon ay natapos na nila ang trabaho nila. Kung hindi sila nagtutulungan ay sisiguradong hindi agad nila ito matatapos pero dahil nagtulungan sila ay maaga nila iyong natapos.
Bagsak agad sina Venancio, Chester at Jame nang maupo sa sofa sa sala dahil sa pagod. Sila kasi ang taga buhat at si Fajra ang nasusunod sa desinyo kaya kapag hindi maganda tignan ay pinapalitan niya at ang tatlong boys ang nauutusan niyang magbubuhat nang mga malalaki at mabibigat na paso. Habang si Weather naman ang tagatanim ng mga bulaklak.
Hindi lumabas ng kwarto niya si Lorenzo buong araw kapag oras na nang kainan ay nagpapahatid lamang siya nang pagkain kay Nay Syodad. May ginagawa dawng trabaho
Kinabukasan ay naisipan nilang maligo sa sapa, ilang metro din ang lalakarin bago makarating roon at di naman iyon kayang abutin ng sasakyan nila kaya kailangan naming sumama nina Karen at Roy para taga bit-bit ng kanilang mga pagkain at iilang pagkain.
Pagkarating namin roon ay buti nalang at hindi lubog yung sapa, ibig sabihin non ay hindi umulan sa bukid kagabi.
“Namiss ko to!” Si Venancio na tumakbo agad papalapit sa sapa at hinilamusan ang kanyang mukha gamit ang tubig roon. Nilagay namin ang telang dala sa kilid kung saan patag ang lupa at hinanda ang mga pagkain. Naroon lamang kami sa kilid nagbabantay sa mga gamit nila hanggang sa napalingon ang mga ito sa likuran namin kaya patti kami nian Karen ay napalingon roon.
Si Lorenzo.
“Kuya!” Sigaw agad ni Weather nang makita ang nakakatandang pinsan.
“Tapos na trabaho dude?” Si Jame.
“Ano ba naman to si Lolo, akala ko ba bakasyon natin to-”
“Bakasyon niyo lang to Vince.” Putol ni Lorenzo sa kanya. Nakaputing t-shiry lamang ito at sweat short, kaya kitang-kita ang puting mga tuhod nito at ang mabuhok niyang mga binti.
“Akala pa naman namin maso-solo ka namin Kuya. Ito talagang si Lolo.” Si Fajrah.
Tumawa si Lorenzo. Tumingin siya sa banda namin. “Kayo hindi ba kayo malligo?”
Umiling ako.
“Hindi po Sir wala po kasi akong dalang bikini- Aray!” sigaw ni Karen ng kutusan siya ng kapatid sa tabi.
“Ha-ha-ha. Joke lang sir.” bawi niya.
Hindi sana maliligo si Lorezo pero dahil mapilit ang mga pinsan lalo na si Weather ay walang nagawa si Lorenzo kundi ang maligo at mag enjoy sa tubig ng sapa.
Rinig ko ang pagpipigil tili ni Karen habang nakatingin sa mga lalaki.
“Nakuh! Bat ba kasi wala akong cellphone eh! Hindi ko tuloy maipagmalaki na ang swerte ko ngayon.” sabi niya na nagpailing sa kapatid niyang si Roy.
“Marami na ang naiinggit sa iyo Ate sa fact palang na naninirahan tayo malapit sa mga Timbreza.”
“Hindi pa yun sapat Roy.” sabi niya habang doon pa rin sa mga lalaki ang tingin. Nkataas ang isang kilay na lumingon siya sa akin.
“Naikalat mo na ba na sa mansyon ka na rin nagtatrabaho?”
“Huh? Hindi.” Napangiwi ako. “Bat ko naman ipagkakalat yun?”
“Malay ko ba kung social climber ka?” sabi niya at inirapan ako. Napangiwi ako lalo roon, sasagutin ko na sana siya pero dumating si Venancio at nanghihingi ng kamote kaya hindi ko siya nakomproonta agad sa kung anong problema niya ba talga sa akin.
“Ayaw mong maligo Aida?” tanong ni Venancio sa akin.
“Hindi po.” sabi ko.
“Masarap pa naman ang tubig. Malamig. Saktong-sakto dahil panigurado mamaya iinit na naman ito ng husto.” sabi niya.
“Sa susunod nalang siguro Sir. Yung wala po ako sa trabaho.” sabi ko.
“Ang galang naman nito. Parang maaga akong tatanda sayo ah.” humalakhak siya. “Ilang taon kana ba?” tanong niya.
“25 Sir.” Sagot ko.
“Kaedad mo pala si Lorenzo kung ganoon.” sabi niya, tama naman na papalapit sa amin si Lorenzo.
“Why?” tanong niya nang marinig ang pangalan niay na nabanggit sa usapan.
“Kaedad mo lang pala itong si Zoraida, dude.” Napatingin lang sa akin si Lorenzo at tumango.
“20 pa ako kaya wag mo na akong tawaging Sir, ate.” humalakhak siya.
“Okay dong.” sabi ko at ibinalik ang tingin sa mga kamote.
“Ang pangit naman ng Dong. Vince nalang.” tumawa siya ulit. Napatawa nalang rin ako at tinanguan siya.
Sumunod ang mga pinsan niya sa direksyon namin dahil nagugutom na rin kaya pinagbalatan ko sila ng nilaga naming kamote ni Manang Syodad kanina sa mansyon.
Dahil roon ay napgalaman ko rin na kaedad ko nga si Lorenzo at lahat sila ay mas nakakabata na sa akin. Nang mag alas onse na nang tanghali ay naisipan na naming bumalik sa manasyon dahil masyado nang mainit para maligo.
“Ako na neto.” si Lorenzo at kinuha ang isang malaking tupperware na hawak ko. Nahuhuli kaming dalawa sa paglalakad.
“Salamat Sir.” sabi ko sa kanya.
“Nakabisita kana ba sa library?” tanong niya sa kalagitnaan ng paglalakad nain.
“Po?”Napatingin ako sa kanya. Mas mataas siya sa akin kaya kailangan ko pang itaas ang ulo ng kaunti para makita ang mukha iya. “ Hindi pa po.”
“You can go there and borrow some books. Maraming libro doon about law.” sabi niya habang sa daanan lamang namin nakatingin. Npangiti ako sa excitement.
“Talaga po? Sige po mamaya bago ako umuwi po, dadaan po ako roon.” sabi ko. Kaya nang mag hapon na ay excited na akong mag alas singko para pumunta sa library.
“Saan ka pupunta?” tanong ni Karen nang makita akong papunta sa ikalawang palapag.
“Magnanakaw ka no?” Npabuga ako ng hangin. Yung excitement ko ay nakunan ng ilang pursyento at napalitan ng pagkabwiset.
“Pinatawag lang ako ni Sir Lorenzo, Karen.” sabi ko at nagpatuloy na sa pag akyat ng hagdanan. Hindi ko na siya ni lingon at baka sa pagkakataong ito ay mabugahan ko na siya nang galit ko. Nagtitimpi nalang talaga ako sa kanya.
Pagdating ko sa tapat ng library room ay kumatok muna ako bago pumasok. Akala ko ay walang tao pero nakita ko si Lorenzo na nakatingin na sa akin at nasa harapan niya ang laptop niya.
“Ay, sorry Sir. Bukas nalang ako babalik.” Sabi ko. Baka nadisturbo ko siya. Bubuksan ko na sana ang pinto when he talked.
“No, its okay Zoraida.”
“P-po?” parang nasimento ako sa pagtawag niya sa akin ng buong pangalan ko.
“Zoraida. Zoraida is your full name right?”
Hindi ako nakasagot. Simula noong pangyayari ay natutunan ko ring hindi magustuhan ang pangalan ko kaya mas gusto kong tawagin nalang akong Aida imbes sa buong pangalan ko. Hindi ko alam, pero parang nakakahiya yung pangalan na iyon.
“Nalaman ko yan sa mga Tiya mo.” Hindi pa rin ako nakapagsalita at napatitig lamang sa kanya.Dahil doon ay nangunot ang noo niya at doon ako natauhan.
“You can search the book in that row.” sabi niya sa akin at turo sa nakalinyang mga book shelves sa likuran ko.
Napawow ako sa dami nun. Mas marami pa yata ang mga ito sa mga libro na meron kami sa school.
Agad akong pumunta sa linya ng mga libro na itinuro niya. Agad na nakuha ang atensyon ko nung Criminal Law na meroon doon.
“You’re taking criminal law?” ani ni Lorenzo sa akin na nagpagulat na naman sa akin. Hindi ko narinig ang steps niya palapit sa akin kaya napatalon ako ng bhagya.
“A-ah. Yes.” Tumango siya.
“Why?”
Napatingin ako sa kabilang banda. “Mas gusto ko lang siya kesa sa civil.” sabi ko. Alam kong mas may malalim pa na rason about doon pero kailngan kong I-keep muna iyon sa sarili ko.