Ganoon ang naging routine nina Zoraida at Lorenzo. Nanghihiram ng sasakyan si Lorenzo sa kung sino mang bakante na sasakyan ng mga pinsan niya para masundo niya si Zoraida sa school ng walang panagamba na baka makita sila ni Nancy at maging pauwi rin sa bahay ng mga Meduya. Kada nagkikita sila ay parating may dalang kung ano-ano si Lorenzo para sa kaniya. Sa araw na ito ay binigyan siya ni Lorenzo ng mga tsokolate. “Ang dami naman nito. Lorenzo, sabi ko naman sayo wag ka nang mag abala pang bumili ng kung ano-ano.” ani ni Zoraida ng ibigay nito ang isang nakaheart shaped na box na may lamang mga chocolates. “Zoraida, this how I express how special you are to me kaya sana hayaan mo na ako.” Napabuga na lang si Zoraida sa kaniya dahil alam niyang hindi niya mapipigilan ang lalaki

