“Lorenzo?” Ani ng isang babae nang makita niya si Lorenzo sa kinakainan ring restaurant kasama ang mga kaibigan nito. Agad na napataas ang tingin ni Lorenzo sa babaeng hindi niya kilala, ganoon din si Zoraida. “Uh? Sorry? May I know you?” Tanong niya sa babae bago tumayo upang magbigay respeto sa babaae na may kasama ding dalawa pang mga babae na hindi niya din kilala pero pamilyar para sa kaniya, hindi niya nga lang alam kung saan niya nakita ang mga ito. “Sorry we weren’t able to introduce you ourselves last time. I am Dia, this is Emilia, Dixie and Kendrah we are friends of Nancy.” Agad na nanlaki ang mga mata ni Zoraida nang marinig ang sinabi ng babae. Nakipagkamayan ito kay Lorenzo pero siya ay nakaupo pa rin doon at pasimpleng tumatalikod sa mga babae upang hindi mak

