Seryoso ang ekspresyon na bumaba ako sa sasakyang minamaneho at malalaki ang mga hakbang na lumapit sa nag-iisang bahay na nandito sa loob ng virgin forest. Wala sa opisina si Tito Luis kaya sigurado akong nandito siya ngayon sa bahay niya. Dire-diretso ang pagpasok ko sa bahay niya at agad ko naman siyang nakitang nakaupo sa sala at may binabasa. Nag-angat siya ng tingin nang marinig ang pagdating ko. Lumarawan sa mukha niya ang pagkahulat dahil sa bigla kong pagsulpot pero hindi ko na siya hinayaang makapagsalita at pabagsak kong ibinaba sa mesang nasa harapan niya ang mga nakuha kong papel sa basurahan sa hotel suite ni Evie. "Explain this," nagtatagis ang bagang kong utos kay Tito. Mula sa'kin ay dahan-dahang bumaba ang tingin niya sa mga papeles na nasa harapan niya. Kunot-noo n

