Naputol na ang usapan sa pagitan namin ni Trey nang tuluyang tumambad sa paningin ko ang pinaka-grandiyosang lighthouse na nakita ko. Sa gitna ng katirikan ng araw ay nagmistula itong hari na nakatunghay sa nasasakupan. Taglay nito ang kaelegantihan ng twin tower hotel. "It's my great-grandfather's gift to his first love," pagkukwento ni Trey habang pareho kaming nakatingin sa lighthouse. May nakita akong lumapit sa mababa nitong gate at pinagbuksan kami. Tuloy-tuloy na pinapasok ni Trey ang minamanehong sasakyan at pinarada sa tapat ng pintuan ng lighthouse. "You're right about using the elevator because it's too hot to go up using the stairs," komento niya. Napasulyap ako sa hagdanan, kahit may bubong naman ang paikot na hagdanan ng parola ay hindi pa rin niyon buong napoprotektaha

