"Hello? yes, okay. sige, papunta na ako diyan ngayon." Biglang iniliko ni Aldrin ang sasakyan nang makatanggap siya ng tawag mula sa empleyado niya. "Pasensya na Bea, pero may problema kasi ngayon sa store. Nag-resign raw yung isa nilang kasama kaya kulang sila ngayon sa tao." Pagpapaliwanag niya sa dalaga. "Ah ganoon ba? ayos lang." Nakangiting tugon nito sa kaniya. Pagkarating na pagkarating nila sa bakery store ay nagmamadali namang bumaba ng sasakyan ang binata at nagulat silang dalawa nang makitang abot hanggang sa labas ang pila nito. "Wow! ito ba yung branch na sinasabi mo sa akin? asensado ha!" ani ng dalaga at namamangha na lang siya sa kaniyang nakikita. "Yup." Maikling tugon nito sa kaniya, sabay hinawakan siya sa kamay ng binata. Nabigla naman si Bea kung kaya't napatingin

