bc

My Horny Valentine (Tagalog)

book_age18+
1.2K
FOLLOW
6.5K
READ
billionaire
dark
forbidden
sex
one-night stand
student
mistress
gorgeous
seductive
wild
like
intro-logo
Blurb

She grew up with her heart close to holiness. Modesty, polite, helpful and lovely. There is no denying the beauty she has. So all the men stared and turned to her. But they aren't aware that despite her charming face, she has a dark secret. She knew they had done wrong and heaven would punish them for it. But no matter how much restraint and avoidance she does, she still cannot escape the destiny set for her.

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
"Maghiwalay na tayo." "Joshua?" "I'm sorry, Bea. Pero hindi na ako masaya sa relasyon natin. Pakiramdam ko ay napipilitan na lang akong makasama ka. Alam kong napipilitan ka na lang din 'di ba?" “Pilit? bakit ko naman pipilitin na makasama ka kung mahal kita?" "Bea, pakiusap." “Joshua, marami na tayong pinagdaanan. Ngayon pa ba tayo susuko?" "I'm sorry, Bea." Tumalikod ito sa kaniya at lumakad palayo. Samantala, nakaupo at umiiyak naman ang dalaga sa gitna ng malakas na ulan. Ilang sandali pa, may lumapit sa kaniyang lalaki at pinayungan siya. Parang may napansin siyang nakatayo sa harapan niya kaya dahan-dahan niya itong tiningala. “Huwag kang mag-alala, wala akong ibang intensyon, ayoko lang na makakita ng babaeng umiiyak at nababasa sa ulan." Ang sabi sa kaniya ng lalaki. "Sino ka? sino ka sa tingin mo? lumayo ka nga sa akin!" sabay tumayo at iniwan ang lalaki, ngunit sinundan niya ito at hinawakan siya sa pulso. "Kunin mo." Aniya at iniwan ang payong sa kamay ng dalaga, saka ito tumalikod at tumakbo palayo sa kaniya. *** “Susmaryosep senyorito Stephen! bakit basang basa ka?" nag-aalalang sabi ng kanilang head maid na si Manang Sora. Kaagad siyang inabutan nito ng puting tuwalya at agad na pinunasan ang mukha. “Ayos lang ako. By the way, nasaan si Sofia?” tanong niya sa matanda at inilibot ang tingin sa loob ng kanilang mansyon. “Nasa itaas siya,” itinuro niya ang kanilang silid. Kaagad namang pumunta si Stephen at may ngiti sa labi habang paakyat ng hagdan. Pagbukas niya ng pinto ay nakita niyang abala ito sa kausap sa telepono. “Nandito ka na?” simpleng sabi nito sa kaniya at ibinalik ang atensyon sa kausap sa phone. Si Sofia ay asawa ni Stephen, at mahigit siyam na taon ang agwat ng edad nila sa isa't isa. Siya ay tatlumpu't siyam na taong gulang, habang ang kaniyang asawang si Sofia ay tatlumpung taong gulang. Pag-aasawa na walang pag-ibig, kung maituturing silang dalawa. Kasal para sa negosyo at dahil iyon din ang kagustuhan ng kanilang mga magulang. Pumayag silang dalawa na magpakasal dahil pareho silang hindi interesado sa isa't isa. At ang laging kausap ni Sofia sa telepono ay ang kaniyang secret lover na si Harith. Siya ay napakabata at nag-aaral bilang isang mag-aaral sa kolehiyo. Halos sampung taon ang agwat ng edad nila, pero balewala lang dahil pera ang habol ng binata. Gayunpaman, alam ni Stephen ang tungkol sa kaniyang lalaki, ngunit hindi rin niya ito pinapansin. Hindi naman big deal sa kaniya kung may relasyon siya sa ibang lalaki dahil naniniwala siyang kasal lang sila sa papel at hindi dahil mahal nila ang isa't isa. “Happy Valentines.” Binati niya ang asawa at ireregalo na sana niya ang kwintas ngunit kaagad siya nitong pinangunahan. “Kung bibigyan mo ulit ako ng alahas, kalimutan mo na lang. Ibalik mo o ibigay mo na lang sa ibang babae, hindi na ako interesado sa anniversary gift mo sa akin. Alam mo, kaya ko ring bilhin iyon.” Bahagya siyang napaatras at itinago sa likod niya ang box na hawak niya. “Huwag kang mag-alala, gusto lang kitang batiin. Iyon lang.” Sabi niya, at lumabas na lang siya ng kuwarto niya kasama ang kwintas. Huminga siya ng malalim sa harap ng pinto at pumunta sa kaniyang opisina. Ilang oras din siyang nakaupo doon at nakatulala sa harap ng laptop niya. “Bakit ba parang ang sama-sama ko sa paningin niya? gusto ko lang namang bigyan ng regalo ang asawa ko, bawal ba 'yon?" bulong niya sa sarili sabay sandal sa swivel chair at umikot. Ilang saglit pa ay tumayo na siya at lumabas ng opisina niya. Pagbaba niya sa sala ay laking gulat niya nang makita ang binata na si Harith. "Sa wakas nandito ka na!" Biglang sabi ni Sofia mula sa likuran niya at nagmamadaling bumaba ng hagdan. “Hello, sir! I'm the-” magpapakilala na sana siya pero kaagad siyang dinedma ni Stephen at lumabas ng bahay nila. "Ayan ka na naman, Sofia." Bulong niya sa sarili sabay inandar ang makina ng sasakyan niya. Pumunta siya sa isang Disco club, pagpasok niya doon, umupo kaagad siya sa isang bar at uminom ng isang uri ng whisky. Sa kaniyang kaliwang bahagi ay may isang binibini na nakayuko lang at umiiyak. Panay ang hikbi niya habang umiinom ng alak. “Bakit biglang lumitaw ang mga ibon? sa tuwing malapit ka, katulad ko. Gusto nilang maging malapit sa iyo." Nagulat na lang siya at napalingon sa dalaga nang bigla itong kumanta. "Tulad ko, gusto nilang maging malapit sa iyo." Tumango lang si Stephen habang pinapakinggan itong kumanta. “Happy... valentines.” Mahinang sabi niya sabay lingon kay Stephen na napalingon din sa kaniya. Nagsalubong ang kanilang mga tingin at gumuhit ng maikling ngiti sa labi ng ginoo, sabay inom ng whisky. “Ngayon ang araw na dapat ako'y masaya. Today is the day i should be the happiest woman in the world,” sabi ng dalaga at uminom siya saglit. “Ngayon dapat ang araw ng anibersaryo naming dalawa, pero,” napatigil siya sa pagsasalita at biglang humagikgik habang tumutulo ang luha sa kaniyang mga mata. "Naghiwalay kami." mahinang saad nito. Pagkasabi niya nun ay biglang lumingon sa kaniya si Stephen na parang naaawa sa dalaga. “Bakit parang ang dali lang sa mga lalaki na basta-basta sumuko? bakit parang napakadali para sa iyo, na iwan kaming mga babae? ano ba talaga ang mga problema niyo?" aniya, kahit hindi siya sigurado kung siya ba talaga ang kausap niya o ang sarili niya. “Bakit hindi ka nagsasalita? nalunok mo na rin ba ang dila mo?" lumingon sa kaniya ang dalaga. “Excuse me? tinatanong mo ako?" turo niya sa kaniyang sarili. “Pasensya na? pero sino pa ba ang kausap ko dito bukod sayo?" pagkasabi nito ay biglang luminga-linga si Stephen sa kanilang paligid at napansin na silang dalawa lang ang nakaupo doon sa bar. "Mukhang marami ka nang karanasan sa mga relasyon, kaya siguro naiintindihan mo ang ibig kong sabihin." Sabi pa nito sa ginoo. Yumuko lang siya at ginulong ang laman ng baso. "Lahat ng tao may dahilan, for sure sinabi na niya sayo kung bakit niya gustong makipaghiwalay." Saad niya sabay tingin sa dalaga. “Hindi na siya masaya sa relasyon namin, yun ang sinabi niya sa akin.” Aniya habang nakapatong ang siko sa front desk at nilagay ang kamay sa noo. “Nakita mo?” "Bilang isang lalaki, ano pa ang nagpapasaya sa iyo bukod sa s*x?" Biglang naisip ni Stephen ang itinanong nito sa kaniya. Lasing na naman siya at napayuko. Naramdaman niya tuloy na parang patama sa kaniya ang itinanong nito. “Hindi mo rin alam. Baka hindi ka na gaanong masaya sa relasyon niyo ngayon.” Sabi ng dalaga habang nakatingin sa katabi niya. "Bakit ikaw? may iba pa bang dahilan para maging masaya maliban sa s*x?” tanong niya, at uminom ulit siya ng whisky. “Meron, marami. Pag-ibig, pamilya, kaibigan, pera at sarili mo. Pero nakalimutan ko lahat ng iyon dahil sa pag-ibig.” “Pag-ibig?” usisa niya, sabay ngiti lang. "Bakit? hindi ka ba naniniwala sa kapangyarihan ng pag-ibig?” "Kapangyarihan ng pag-ibig?" at muling gumuhit ang ngiti nito sa kaniyang mga labi. “I see, hindi mo talaga alam ang tunay na kahulugan ng pag-ibig. Ang pag-ibig ay hindi tungkol sa pangako o sa relasyon.” "So, love expert ka na ba ngayon?" pabiro nitong saad sa dalaga. “Kalungkutan, sakit, iyak, lungkot at pighati. Lahat sila ay bahagi ng pag-ibig.” "Nasaan ang kaligayahan doon?" "Ang pag-ibig ay puro pasakit. Ang kaligayahan ay pansamantala lamang at hindi ito nagtatagal. So, minsan kapag masaya tayo, eventually, nalulungkot na naman tayo.” "Bakit kailangan mong magmahal kung masasaktan ka rin naman?" “Dahil sa kaligayahan. Masaya ka kapag mahal mo ang isang tao kahit alam mong masasaktan ka rin sa huli." Pagkasabi niya nun ay umiling lang si Stephen na parang hindi naniniwala sa sinasabi niya. "Hindi mo malalaman hangga't hindi mo pa nahahanap ang nararapat para sa iyo." Sabi pa ng dalaga sa kaniya. Ilang sandali pa ay natahimik silang dalawa habang umiinom ng whisky. Nang biglang humagikgik si Stephen at tumawa siya ng malakas. Lumingon sa kaniya ang dalaga at bakas sa mukha nito ang pagtataka sa katabing ginoo. “I'm sorry, hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagtawa. Sa buong buhay ko, hindi ko pa naramdaman ang ganitong kahihiyan sa aking sarili. I don't think, at my age, love thing ang sinasabi ko ngayon." Saad niya at gumuhit lang ang ngiti sa labi pati na rin ang paglitaw ng dimples sa pisngi. “I like the way you smile,” Natigilan siya saglit sa sinabi ng dalaga at bigla siyang hinalikan sa labi. Bahagya niya itong itinulak at tinitigan ang mga mata ng dalaga. Sa mga sandaling iyon ay parang bumilis ang t***k ng puso niya at naguguluhan siya, kung bakit ganoon ang nararamdaman niya ngayon sa babaeng nasa harapan niya, gayong hindi naman niya ito lubos na kilala. Pero hindi niya napigilan kaya hinapit niya ito sa bewang at hinila palapit sa kaniya. “Hindi ko alam kung bakit parang mababaliw ako. Pero pakiramdam ko ay mas mabuting huwag na lang itong pigilan pa.” Pagkasabi noon ay kaagad niya itong hinalikan sa labi. Ipinatong ng dalaga ang dalawang braso sa balikat ng ginoo at tinugon ang matatamis nitong halik.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook