"Ang akala ko ba ay pupunta tayo sa bahay ng mom mo? pero, anong ginagawa natin rito?" "Nandito na nga tayo ngayon sa bahay niya." Halos namangha at napanganga na lang si Bea nang makita niya ang lawak at laki ng hacienda nito. "Seryoso ka ba? bahay ba talaga ito ng nanay mo at hindi ito isang hotel?" usisa niya sa binata. "I already told you one hundred times, hindi ito isang hotel." Aniya habang maigi niyang pinagmamasdan ang inosenteng mukha ng dalaga. "Grabe naman pala sobrang yaman ng angkan niyo!" ani ni Bea at napangisi na lang si Aldrin sa kaniya. "Sandali lang, sigurado ka ba na tayong dalawa lang ang inimbita ng mom mo?" "What do you mean?" pagkasabi nito ay nilingon naman kaagad ng binata ang tinutukoy sa kaniya ni Bea. Napansin niyang may ilang tao rin roon sa loob at til

