(Ara's Pov) My name is Ara Joy Fuerras, 19 years old at isang working student. Nagpa-part time job ako sa isang chicken shop bilang isang delivery girl. Actually maliit lang ang store na iyon at hindi na nila kailangan pang mag-hire ng ibang empleyado at nakiusap lang talaga ako sa kanila na tanggapin ako bilang taga-deliver ng mga tinda nila. Naaawa kasi ako sa mag-asawang may-ari no'n. Matanda na sila para magbuhat ng mabibigat at maghatid ng mga orders sa tanghaling tapat. Hindi naman kalayuan ang bahay ko sa kanila kaya nilalakad ko na lang din sa tuwing papasok ako sa trabaho ko. Hindi rin kalakihan ang sinasahod ko pero ayos lang, pandagdag pa rin ito sa allowance ko. Sa totoo lang maraming nakakapagsabi sa akin na ginagawa ko na raw habit ang pagtulong sa ibang tao. Ano raw ba

