SANDALING nalunod ako sa mga mata niya. I never told him but his eyes are one of his features that I love the most. He can show dominance with them without even uttering a single word.
Napansin ko ang pagkunot ng noo niya. Inaantay pala niya ang sagot ko.
"Yes," ani ko na nagbawi ng tingin.
Like a phantom in the night, the tenderness I saw was gone without a trace.
Napakislot ako nang biglang may daliring tumusok sa pisngi ko. Kasunod nito ang paghagikgik ng kung sino.
"Penny for your thoughts," wika ni Robyn - my best friend.
"Sira!" inirapan ko siya. Hindi na talaga ito magbabago. Mahilig parin itong mag-asar.
Naramdaman ko ang bahagyang paghapit sa akin Sean.
It's an open secret among us three that he and Robyn are not exactly in good terms since we got married. Civil naman sila sa isa't-isa pero sadyang hindi ko na sila naririnig na magka-usap pwera nalang kung tungkol sa akin.
Robyn was very vocal of her disapproval before Sean and I got married. Biente dos lang kasi ako noon. Ni hindi pa ako nagsisimulang magkatrabaho noong mga panahong iyon.
Para kay Robyn, Sean is robbing me of my dreams. Alam kasi nito na ang isa sa mga dahilan ng pagpapakasal namin ay upang ma-manage din ni Sean legally ang kumpanya ng yumao kong ama.
Regardless of what happened, eventually ikakasal din naman kami dahil iyon ang napagkasunduan ng mga tatay namin. Kaya hindi na ako nag-atubiling pumayag. Isa pa, I was madly in love with him during that time.
My best friend was so disappointed when the wedding was set.
Hilig ko talaga ang pagsusulat, she knows how much I wanted to travel the world. Photography naman ang hobby nito kaya swak na swak ang mga plano namin sa buhay.
May kasunduan kaming magtour around Asia pagtuntong namin pareho ng biente tres. Ok lang naman sana kaso ayaw na akong payagang umalis ni Sean.
Mula noon nagkaroon na ng lamat ang kanilang relasyon.
"Mr. Adriano, can I borrow my best friend," ani Robyn.
Sean gave her a quick glance pagkatapos ay naramdaman kong lumuwag ang pagkakahawak niya sa bewang ko.
"Don't go too far. Uuwi na din tayo mamaya," bulong nito sa akin bago ako pakawalan. Any of them did not even bother to say hi to each other.
Hinila ako ni Robyn papunta sa bar na sinet-up sa gitna ng ballroom. Tiyak kong pinsadya iyon ni Ninong Simon.
Umorder ako ng Manhattan samantalang straight up Tequila naman kay Robyn. I wonder when did she start drinking this hard?
"You know what, kung hindi mo lang asawa ang lalaking yun matagal ko nang binugbog. Napaka-antipatiko!" naiinis na sabi nito habang nag-aantay kaming ibigay yung inorder namin.
"Hindi pa ba kayo sanay sa isa't-isa?" natatawang saad ko. Daig pa ng mga ito ang di magkasundong magbiyenan kung magtratuhan.
"Nah! Nunca! Nagtataka nga ako paano mo napagtityagaan yun eh."
"He can be cold sometimes bu he's a good person Rob," saad ko.
Kahit pa best friend ko si Robyn ay wala itong alam tungkol sa sitwasyon naming mag-asawa. I read somewhere that you should safeguard your spouse’s reputation and I know how important that is to him.
“Natural! Kakampihan mo siya. Asawa mo eh!” nakaismid na sabi nito.
Napailing nalang ako.
Nang walang anu-ano'y napadako ang tingin ko sa kinaroroonan ng aking asawa. And there I saw a woman approached him, aktong may ibinulong ito sa kanya, kasunod niyon ay magkasamang humiwalay ang dalawa sa kumpulan ng mga tao.
Mataman ko silang pinagmasdan, base sa hand gestures ni Sean may halong inis ang pakikipag-usap nito sa babae.
I don't frequent in his office kaya hindi ko kilala lahat ng mga taong kausap niya. The only time I meet people around him is during this kind of gatherings and of course charity events. I've seen him many times talking to women but this is the first time I saw apprehension in his actions. I'm wondering who's that woman is.
"Anak yan ni Mr. Anastacio," pahayag ni Robyn. Hindi ko namalayang napatagal na pala ang pag-oobserba ko sa kanilang dalawa. Nang sulyapan ko si Robyn ay nakatingin na din ito sa gawi ng aking asawa at ng babae.
"Mr. Who?"
"Tch, hindi ka nga pala nakikialam sa negosyo ninyo. He's a new investor. That's what I heard from dad," anito.
Unlike me, Robyn started managing their company.
Nag-umpisa itong magtrain 3 years ago, halos ilang taon ding cold war ang namagitan sa kanila ng daddy nito dahil sa kagustuhan nitong turuan siya na imanage ang kompanya nila.
Robyn was reluctant because she wanted to pursue her career even further. Her plan to move to Switzerland was the turning point and last straw for her dad. Ipinagpilitan ni Robyn ang gusto niyang gawin but her dad froze all her accounts and assets. Kaya walang nagawa ito kundi sundin ang ama.
"So, magkakilala sila?" tanong ko na ibinalik ang tingin sa kinaroroonan ng asawa ko ngunit wala na ang mga ito doon.
"I think so. Why don't you ask your husband,"
Yeah, I can do that, maybe later when we get home.
But the thing is, sa tagal naming mag-asawa I never meddled in his affairs. I don't ask questions about who he meets whenever he says he's going to be in a meeting somewhere. I don't ask whomever is with him when he says he's going abroad for conference.
Looking back, we're more like housemates than husband and wife at home. At wala namang naging isyu pagitan sa amin. Hindi din naman siya nagdedemand ng wifely duties mula sa akin.
In the first place, siya ang unang naglagay ng pader sa pagitan namin. Ipinagkibit ko nalang ang aking naisip.
Nawala ang aking atensyon sa paghahanap kung nasaan na sila nang dumating ang inorder namin.
"How's work?" Kapagkuwa'y tanong ko sa best friend ko.
Sumimsim ako ng kaunti sa aking inumin.
"Argh! Don’t eve start asking me about it! Office life is soooo boring! Nakuhanan ko na ang bawat ng sulok ng opisina ko sa lahat ng anggulo!" Kahit kailan talaga reklamador ang babaeng ito. At sa tuwinay tungkol sa pagkabagot nito sa opisina ang bukambibig.
"Masasanay ka din."
"When will that happen? It's been 3 f*****g years and I hate every bit of it!" anito na itinungga ang pangalawang shot ng tequila.
"But you're doing an excellent job. I saw in the news!"
Umismid ito, "Mabuti naman at binilhan ka ng tv nung asawa mo."
Natawa ako sa sinabi niya.
"We have home theater," pagyayabang ko.
"Really!" nalaki ang mga mata nitong tumingin sa akin.
"Yep,"
"Teka nga, have you invited me? Did you already have a house warming party?" May halong dudang tanong nito.
"Excuse me! Ilang beses kitang sinabihang dalawin ako pero hindi ka pumupunta. Puro ka busy!" Hindi lang siguro sampung beses ko siyang pinapapunta sa bahay namin lalo na noong bagong lipat kami. But that was the time na subsob ito sa pag-aaral. Nagcrash course ito ng business management.
"Ganun ba,"
"And we didn't have a house warming yet,"
"Wow ha! Wala kayong balak?"
"I don't know. I never thought about it," ani ko.
Dalawang taon palang ang nakalilipas mula nang lumipat kami sa bago namin bahay sa labas ng manila.
It took quite some time bago ito natapos dahil madalas busy sa opisina ang akin asawa. Ayaw kasi nitong ipaubaya lang sa mga taong gagawa.
He was there personally every time the construction resumes. It was our perfect little haven. I loved it when we first arrived.
To be continued...