HALOS isang oras din ang ibiniyahe namin bago makarating sa hotel na venue ng party na dadaluhan namin.
We decided to build a house outside the busy city. Para sa akin, mas pabor iyon dahil mas tahimik. Mas makakapag-isip ako para sa mga novel at mga feature articles na isinusulat ko.
Sa siyudad parin ang opisina ng asawa ko ngunit sinisikap nitong umuwi araw-araw. Pwera nalang kung kailangan talaga nitong mag-overtime ay doon nalang ito natutulog sa kwarto nito sa loob ng opisina.
So, I heard.
Ang asawa ko na ang namahala sa mga negosyong naiwan ng mga magulang namin. Our dads’ business is in the same field kaya hindi siya masyadong nahirapan sa pagmanage nito.
Later on, pinagmerge nalang niya upang mas madaling i-monitor ang finances. And that birthed to the business we have right now which is Adriano-Perez Finances (APF).
Bilib ako sa asawa ko dahil nagawa niyang palakihin ang dating minor business ng mga tatay namin. Ngayon ay kilalang kilala na siya at ang kumpanya nito pagdating sa business financial industry.
He has no problem in hiring competent people dahil marunong itong kumilatis ng taong may talento. Kaya naman naging madali lang dito ang pag-angat.
Madalas maimbitahan si Sean ng mga kliyente nito at ng mga negosyanteng balak mag-invest o kumuha ng serbisyo ng kumpanya nito. Laman kami ng bawat gathering ng mga malalaking tao sa business world dito man o abroad.
That's how big his name is.
Inalalayan niya ulit ako palabas ng sasakyan.
He offered me his arms at umangkla naman ako dito. Panaka-nakang gumaganti kami ng ngiti sa mga taong nakakasalubong namin. Sa wakas ay narating din namin ang ballroom kung saan mismong idadaos ang birthday.
Pinagbuksan kami ng pinto ng dalawang staff ng hotel.
Napalingon ang lahat nang bumukas ang pinto. Matatamis na ngiti ang sumalubong sa amin. May mga pamilyar na mukha akong nakita. Gumanti din ako ng ngiti at kaway sa aking mga kaibigan na nadoon.
"You are the most beautiful couple that I have ever known!" Bati sa amin ni Ninong Simon.
Siya ang birthday celebrant at dahilan kung bakit kami nadoon. May dala itong dalawang kopita ng champagne at ibinigay ang isa kay Sean. Tinanggap naman ito ng aking asawa.
"Ninong, don't you think we’re old enough to realize that?" pabirong sabi ni Sean. Tumawa naman nang malakas ang matanda.
"I know, I know, that's why I love both of you."
Pagkatapos ay lumapit naman ito sa akin at nakipagbeso.
"Happy birthday Ninong!" nakangiting bati ko.
"Thank you so much Hija. You look as gorgeous as ever. How I wish nandito pa ang mga kumpadre ko," lumamlam ang mga mata nito.
Isa din itong matalik na kaibigan ng mga daddy namin ni Sean. Ito at ang asawa nito ang tumayong mga magulang namin noong kami ay ikinasal.
"Oh my gosh, I can't imagine how drunk all of you will be kapag nagkataon. Im sure mapapagalitan na naman kayo ni mommy."
"You tell me about it Hija! Igagapos ko silang tatlo kapag nangyari iyon!"
Sabay-sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng tinig. And there she is my ever loving and elegant mommy Evelyn, pinsan ito ni mommy.
I love her so much.
Growing up, she became practically my mom kaya ito na din ang tawag ko sa kanya. She also treated me like her own daughter.
Hindi pinalad na mabiyayaan ng anak ang mag-asawa kaya ganoon nalang kung ituring nila kaming parang mga sariling anak ni Sean.
"Good evening mommy," bati ko dito.
"Wow! You look lovely Hija!" anito at nagyakapan kaming dalawa.
"That's what I'm saying love. Look at them, they are so perfect together," wika ni ninong habang ipinulupot nito ang kamay nito sa bewang ng asawa.
I'm aware na possessive din si ninong kay mommy. Hay, men of this world talaga. Sabagay, bakit ba naman hindi. Madalas parin itong mapagkamalan nasa early forties kahit nasa fifties na.
Bahagyang namula ang aking mukha sa sobra sobrang papuring natanggap namin galing sa mag-asawa.
Tila napansin naman iyon ni Sean. Ikinawit din niya sa aking bewang ang kanyang braso.
"You both are making my wife blush. Huwag ninyo akong sisisihin kapag hindi namin natapos ang party," ani Sean na hinapit ang katawan ko palapit sa kanya. Tumawa naman ang mag-asawa.
Huh! How I wish!
"Speaking of which, when are we going to see your little tykes running around? Alam nyo naman hindi na kami bumabata ng mommy ninyo," pag-iiba ng topic ni ninong.
I hate this kind of conversation.
"It's been 8 years. Please don't get me wrong, but have you gone to the doctors?" nag-aalalang tanong ni mommy Eve.
"Yes tita, and we are perfectly fine. Hahantong din kami doon. You know how hard working we are. Right sweetheart?" si Sean ang sumalo nang hindi ako nakasagot kaagad sa tanong ni mommy.
Tiningnan niya ako sa mata.
Napakagaling talagang umakting ng damuho.
"O-of course!" nakangiti kong sagot habang nakatingin din dito.
Mommy Eve gave out a shriek na para bang kinikilig ito dahil sa titigan namin ng asawa ko.
'Mom kung alam mo lang kung ano ang totoo,' di ko maiwasang bulong sa aking isip.
PAGKATAPOS ng kasal namin bigla nalang nagbago si Sean. Nag-iba na ang pakikitungo nito sa akin.
On our wedding night ni hindi ito tumabi sa akin. Parang takot na takot siyang hawakan ako. We went to Maldives for our honeymoon courtesy of course ng mag-asawang nasa harapan namin.
I thought it will be a memorable vacation for both of us. Handa na akong isuko sa kanya ang lahat lahat. Pero pagdating namin doon, iniwan ako ng aking asawa sa hotel. Gabi na nang makabalik ito and worst lasing pa.
Pinipilit kong sa kama kami matulog ngunit ayaw nitong makitabi sa akin kaya hinayaan ko nalang siya noon sa sofa.
Sa loob ng dalawang linggong inilagi namin doon, ganun ang naging set up namin.
Gaya ng normal na honeymooners, sabay kami sa agahan at pananghalian. Tuwing hapon ay naglalakad lakad kami sa baybayin o di kaya naman ay naliligo sa dagat. Ngunit pagdating ng gabi umaalis ito at bumabalik nang nakaiom. Hindi ko alam kung saan nagpupunta.
Gusto kong itanong dito kung nagsisisi ba itong pinakasalan ako subalit wala akong lakas ng loob. Kaya pinili kong manahimik nalang. Ang nasa isip ko baka nasa mourning stage pa ito.
Pero sa paglipas ng mga taon mas lalong naging mataas yung pader sa pagitan namin. Sa iisang kwarto nga kami natutulog pero may kanya kanya kaming higaan.
Dalawa din ang banyo sa kwarto namin. Isa para sa akin at isa sa kanya.
Hangggang ngayon wala akong ideya kung anong nangyari sa relasyon naming dalawa.
“Are you feeling alright?” Bulong niya sa tenga ko.
I closed my eyes when his hot breath fanned the back of my ears. I felt goosebumps crept all over me.
Lumingon ako sa kanya dahil alam kong napansin din niya ang naging reaksiyon ko.
In a split second I saw a glint of an unfamiliar emotion in his piercing black eyes.
Could it be that he is just restraining himself?
To be continued ...