Agad namang nakakuha ng technician si Lester.Kasama si Dale ay inaantay nilang matapos ng proseso ng pag unlock ng pass code na hindi nawawala ang mga laman ng phone. Mabuti na lang at magaling ang technician.kahit 4 na taon na ang nakalipas ay gumana pa ang cellphone ng kuya Neil niya. Nanginginig ang kamay niya ng abutin ang cellphone Gumagana na ito. Mukha ng Kuya niya ang wall per at Screen Saver naman ay ang dalawang magkaholding hands na kamay sa Phone. Nasa loob na sila ng sasakyan niya. Nakamatyag lang sa kaniya si Dale. "Swipe mo na." sabi nito sa kaniya.Pinaaunlock na nito ang phone. Titig na titig siya sa Screen noon. Sinimulan niya ng iswipe ang unlock. Mukha ng kuya niya ang naroon. Sunod niyang pinuntahan ang Gallery nito. Nang lumabas ang mga litrato ay isang ma

