Magmula ng binigyan niya si Hyacinth ng space para makapagmuni muni sa totoong nararamdaman nito para sa kaniya ay kunwari natitiis niya ito.Pero hindi nito alam an nakokontento na muna siya na tanaw tanawin ito.Minsan sa Cctv room siya naglalagi para mabantayan niya ang dalaga.Gusto na nga niya ipalipat ang access ng Cctv sa office niya.Para na siyang tanga na nagmamatiyag sa mga kilos nito.Di rin alam ng dalaga na lagi niyang dinadalaw si Ace at dinadalahan niya ng pagkain at groceries.Kinutsaba niya ang bata at ang mga lolo't lola nito na huwag nang sabihin kay Hyacinth ang pagdalaw niya.Mabuti na lang at napapayag niya ang mga ito. Si Hyacinth lang ang inaalala niya baka tuluyan ng magbago ang turing nito sa kaniya. Pero di niya dapat payagan na maghiwalay sila kung iyon ang hihingin

