UNTI-UNTI nang napupuno ang loob ng Calapan Coloseum dahil isa na namang laban sa Inter-Barangay ang magaganap dito. Mayroon na nga lamang anim na koponan ang natitira sa liga at ang mananalo sa pagitan ng Canubing 1 at Lumangbayan, ay ang haharap sa wala pa ring talo na Camilmil. Bukod sa mga taga-Lumangbayan at Canubing 1 na supporters, nagpuntahan din sa venue ang mga interesadong makita ang mangyayaring laro. Naroon ang ilang players ng mga natitirang koponan gaya ng Camilmil. May mga players din mula sa mga natalong team. Ang mga taga-ibang bayan sa Oriental Mindoro ay makikitang nasa audience din. Naging interesado ang maraming manood dahil kay Mendez. Gusto nilang mapanood ito ng live. Nais nilang makita kung paano ito maglaro sa loob ng court. "Nandiyan na si Ricky!" bulala

