ISANG araw bago ang sunod na laban ng Panthers. Nakatanggap si Ricky ng chat mula kay Kier. Gusto nitong pumunta siya sa bahay nito bago magtanghalian. Kaya nga nagpaalam ang binata sa kanyang nanay na mapunta siya sa kaibigan niya sa CISA rin nag-aaral at kasama niya sa team. Naging active nga rin ang GC ng CISA Flamers nitong mga nakaraang araw, matapos matalo nina Ricky ang team ng Lalud. Next game raw ay manonood na ang mga kakampi niyang nandito sa Calapan. Nalaman nga rin ni Ricky na kasali pala si Kier sa team ng Lumangbayan na sunod nilang makakalaban. Mas lalo tuloy siyang na-excite sa sunod nilang game. Kung may hindi man inaasahang nangyari kahapon sa Lalud, alam naman niyang lilipas din ito. Ang nangyari namang paghuli kay Harold Salazar ay nabalita sa buong Calapan at

