KINAHAPUNAN, nagpunta na si Ricky sa Lalud. Sinamahan siya ng kanyang kuya Kaloy, at ginamit pa nito mismo ang kanyang tricycle para may masakyan siya. Sumama rin dito si Jimwel at manong Eddie, na pagkatapos daw ay pupunta sa kanyang kumpareng si Gregorio. Si Andrea naman ay nauna na sa Lalud court dahil mas malapit siya sa barangay na ito. Sa tricycle, bago pa man sila makarating sa kanilang pupuntahan ay napatanong si Manong Eddie na nasa loob kay Ricky na kanyang katabi roon. “Kailangan mo pa ba talagang labanan si Harold Salazar?” Nakangiti namang sumagot si Ricky. Napatingin siya sa labas ng tricycle at nagsalita. “Manong, gusto ko lang po talagang maglaro. Alam kong magaling na player siya, kaya sayang naman kung hindi ko siya makakalaban.” “Pero, paano kung matalo ka ni

