Bola 64

2754 Words

BINABA ni Ricky ang bola at mabilis siyang binantayan ni Kier. Nakangisi lang ito at hindi na nagsasalita pa. Alam ni Mendez na nakapokus na ito sa oras na ito. Bahagya siyang umatras at nag-ingat. Hindi niya maipaliwanag pero ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib nang sandaling iyon. Hindi siya sigurado kung kinakabahan ba siyang maging katapat si Cunanan na kakampi niya sa CISA o hindi.   Napalunok siya ng laway nang makitang papalapit sa kanya si Martin. Mabilis siyang nagpatalbog ng bola at ipinasa niya rito ang bola. Pagkasambot ni Suarez ay mabilis nito iyong hinawakan na sinundan ng pagtakbo papunta sa basket. Nakita niya ang walang takot na pag-atake ng kanyang kuya Martin, kaso nang tumira ito sa ilalim ay nabutaan ito ng sentro ng Lumangbayan na si Montoya.   Nakuha pa rin ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD