NAG-AABANG na ang Camilmil sa sinumang mananalo sa dalawang koponang kasalukuyang naglalaban. Pareho na nilang tinalo ang dalawa team na ito. Ang Camilmil Red Lions na lamang ang walang talo sa kaliwang side ng bracket. Upang mailaglag sila sa liga ay kailangang matalo ng dalawang beses ang mga ito. Pero kung sakaling manalo sila sa unang game, tiyak na muli ang pagpasok nila sa Finals. Nakita ni Martin ang posibilidad na iyon kung sakaling sila ay manalo kontra sa Lumangbayan. Kung siya at si Mendez ang magmamando ng opensa ay baka kulangin ito. Nakalaban na nila ang Camilmil sa una nilang game sa liga at lahat ay pumumuntos sa starting 5 ng defending champion. Ayaw man niyang gawin na kausapin si Baron, pero kailangan... dahil gusto niyang manalo! “Ano’ng ginagawa mo rito?” I

