PINATALBOG ni Ricky ang bola at seryoso niyang pinagmasdan si Mover na nakatayo sa kanyang harapan. Hindi ito gumagalaw, pero nang sinubukan na niyang bumigla ng isang jumpshot at isang mabilis na hakbang palapit sa kanya ang ginawa nito. Susubukan niyang gumawa ng isang fake dito kaso dinikitan lang siya nito na kanyang ikinagulat. Tila alam nito ang kanyang gagawin, pero ikinalma niya ang kanyang sarili at umatras palayo rito para sa isang bwelo. Ang ilang mga nasa paligid ay kasalukuyan na silang pinapanood. Nasa kabilang tabi naman si Karlo na nagpapahinga habang nanonood sa kanilang dalawa. Lumunok pa si Ricky ng laway at dito na siya nag-drive ng bola. Nilampasan niya si Mover. Ginamit niya ang kanyang bilis ngunit naramdaman na lang niya ang pagsabay sa kanya ng bantay niya

