MAS LALONG lumakas ang cheer ng crowd nang magsimula na ang huling quarter. Bawat isa sa supporters ng underdog team na Panthers ay napadasal na lamang na sana ay makahabol ang koponan nila sa malakas na kalaban ng mga ito. Hindi nila alam kung paano, pero habang hindi tumutunog ang huling buzzer... ang panalo ay hindi pa matitiyak kung sino. Huminga nang malalim si Ricky sa pagpasok niya sa loob ng court. Naririnig niya ang ingay ng crowd at napatingin siya sa kanilang mga kalaban. Same line-up ang maglalaro sa pangunguna ni Mover Flores. Lumunok siya ng laway at kumuyom ng kamao. Sa larong ito, dito na nila malalaman kung dapat ba silang umusad sa torneyong ito. Nasa likuran ni Ricky si Kuya Alfredo niya, si Manong Eddie, si Kuya Kaloy niya at Tristan. Wala ni isa man sa magkapat

