NATAPOS ang Puerto Galera Escapade nina Andrea. Pagdating ng dalaga sa bahay nila ay agad siyang dumiretso sa kanyang kwarto at dumapa sa kanyang malambot na kama. Masakit ang ulo niya dahil sa pagkalasing kagabi. Isang bagay pang masakit sa kanya ay ang pagitan ng kanyang hita at naalala niya si Ricky. Binuksan niya ang kanyang phone at tinawagan ang binata. Sumagot ang binata sa kabilang linya. “Nasa bahay na ako... sakit ng ulo ko,” ani Andrea matapos umikot at humiga. Napahawak pa siya sa kanyang noo. “Magpahinga ka. Takaw mo kasing uminom. Alam na madaling malasing,” ani Ricky at narinig pa niya ang pagtawa nito. “Hmmm. Ikaw, magpahinga ka rin...” mahinang sabi ng dalaga at nag-side view siya ng higa. Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi at rumehistro sa isip niya ang nak

