MAKALIPAS ang ilang minutong warm-up ay pumunta na sa gitna ang magkabilang koponan. Ang mga nakaitim at nakapula ng jerseys ay isa-isang pinagmasdan ang mukha ng kanilang mga kalaban. Si Kap nga ay napalunok ng laway nang mapatingin sa coach ng Red Lions. “Good luck sa ating game Coach Torres,” nakangiting winika ni Mover na nakasaklob sa likod ang nakabukas niyang red jacket na may logo ng leon. Nakalagay sa likuran noon ang numero uno, Flores at ang “COACH” na salita sa ibaba nito. Kinamayan ni Kap ang player na ito. Nakita niya na may laman ang ngiti nito. Naalala tuloy niya noong unang game nila kung saan ay tinambakan sila ng mga ito. Hindi niya alam kung paano nila tatalunin ang mga ito... Pero, kung mangyayari ang naiisip niya, baka may maliit na tsansa. “Goodluck din s

