ITO ANG UNANG LARO na nakaramdam si Ricky ng labis na excitement na may kasamang kaba. Nasa posisyon sila na kapag sila ay natalo ay matatapos na ang kanilang paghahangad sa kampeonato. Iba ito sa laban nila sa CU o sa DWCC. Iba rin ito sa laro nila sa Lalud noong nakaraan. Sa game na ito, ay may naiiba kumpara sa mga iyon. Kung ano iyon ay hindi alam ni Ricky. Pero ito ang unang game na kailangan niyang mas maging matalino at madiskarte sa gagawin. Siya ang nagdala ng bola matapos niyang maagaw ito sa kalaban. Tumatakbo na ang segundo sa orasan at nalalapit na ang pagkaubos nito. Napakasaya niya sa larong ito dahil nakita niyang nag-e-enjoy rin ang mga kasama niya at maging ang kanyang mga kalaban. Sa isang seryosong laro, hindi pa rin nakakalimutan ng bawat isa na ngumiti at isa iton

