ILANG araw ang lumipas matapos ang pagkatalo ng Panther sa Red Lions, ang lahat ay tila bumalik na sa dati. Ramdam pa ni Ricky ang pagkatalong iyon habang siya ay nakaupo sa harapan ng telebisyon at pinapanood ang Finals ng inter-barangay. Tinambakan ng Camilmil ang kalaban nilang Lazareto sa unang game at nakikita na niya ang muling pagkakampeon ng mga ito sa liga. Ang tres na sana’y nagpapanalo sa kanila ay hindi niya naipasok. Hindi niya mapigilang mapaiyak nang oras na iyon. Sinisi niya ang kanyang sarili sa pagkatalong iyon. Pero hindi iyon ang iniisip ng kanyang mga kakampi. Napakalaki raw ng naiambag niya sa koponan at kung hindi siya sumali sa team ay hindi nila mararamdaman na masaya talagang maglaro ng basketball. Sa pagkakita sa kanya ni Mover na humahagulhol ay agad siya nito
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


