Chapter 2:

1058 Words
Napangiti lalo si Frank nang makitang tila apektado ang babae ng kindatan ito. Nanggigil ito at kita ang pagngalit ng mukha nito pero tila mas lalong naging cute ito sa paningin niya. Umirap pa ito bago pumasok sa pintuhang pinasukan nito. Nang makapasok sa banyo ay napangiti siya sa sarili. Siya lang ang tao roon kaya malayang nagawa iyon ng walang nakakakita. Naiiling siya dahil ngayon lang siya nagkagusto sa simpleng babae. Para tuloy siyang na-excite nang maya-maya ay bulagahin siya ng kaniyang mga kaibigan. "Buwisit! Anong ginagawa niyo rito?!" bulalas na tanong sa mga ito. Nakakaloko ang mga ngiting nakikita sa mga mukha ng mga ito. "Sinundan niyo ba ako upang tuksuhin?" maang na tanong sa mga ito. Mas lalong napatawa si Bray sa kaniyang sinabi. "Bro, nandito kami upang magbanyo. Teka at—" ani ni Ken sabay baba ng zipper ng pants nito. "Oh, sh*t! 'Tol wala akong balak makita iyan!" gilalas na turan dito na kinatawa naman agad nito "Sus! Mukhang nabighani talaga ni Miss Valerie Villareal ang babaerong si Mr. Franklin Fernandez," pang-aalaska pa ni Bray na naroroon lang at nakatayo na tila hindi naman ito gagamit ng banyo. "Bakit niyo alam ang pangalan niya?" maang na tanong sa mga ito na sabayang kinahagalpak ng dalawa ng biglang may pumasok. Agad na napatigil ang mga kaibigan ng pumasok ang isang lalaki na mapang-usisa ang tingin sa kanilang tatlo na tila may ginagawa silang kababalaghan. "Nakikipagtitigan ka kanina sa kaniya pero hindi mo man lang pala alam ang pangalan ni Miss Beautiful," tawang saad ni Ken. "Wala,Tol. Kulang sa diskarte," naiiling na sambit ni Bray dahilan para sabayang matawa ang mga ito. Lumabas na sila roon nang lumabas din ang babae at may ilang papeles na hawak. Napatingin silang magkakaibigan dito habang ito naman ay nakatingin sa kanila na pormal ang mukha. Naramdaman niya ang pagsiko ng kaibigan dahilan upang mapalingon dito. Hanggang sa maya-maya ay nakitang may nginuso ang mga ito. Sinundan ng kaniyang mga mata ang nginuso at makita sa may entrada ng kainang iyon ang isang guwapong lalaki na may dalang bulaklak. Agad na napalipat ang tingin sa babae at doon ay nakumpirmang ito ang tinitignan ng lalaki. Hanggang sa nakitang unti-unting humakbang ang lalaki patungo sa harap ng babaeng tila nakatulala sa biglaang pagdating ng lalaki. Nabigla si Valerie nang makita si Renzo. Hindi niya inaasahang tototohanin nito ang sinabing uuwi ito upang ligawan siya. Mga dalawang taon na rin kasi itong nagtatrabaho sa Singapore at sa chatroom ay muli silang nagkausap at umamin itong matagal na siyang gusto nito. Sa totoo ay matagal na niyang crush ito dahil bukod sa guwapo ito at matalino. Bagay na gustong-gusto sa lalaki. Nang ganap itong makarating sa harapan ay nagsimulang manudyo ang kaniyang staff. Napuno ng panunudyo ng mga ito ang buong lugar at nang maalala ang tatlong lalaki ay napabaling siya ngunit nakitang palabas na ang mga ito sa kanilang kinaroroonan. Hindi alam ngunit tila nakaramdam siya ng panghihinayang. Sa hindi malamang dahilan ay parang nais niyang muling makita ang lalaki pero malabo na siguro iyon dahil hindi naman nagpupunta sa ganoong kainan ang mga magkakaibigan dahil pagpasok kanina sa opisina niya ay inusisa ang order ng mga ito. Tig-isang quarter pound cheese sandwich lamang na para lang masabing customer ang mga ito. "Val, gaya ng sinabi ko sa chat ko sa'yo. Seryoso ako at gusto kitang ligawan," tinig ni Renzo na nagpabalik sa kaniyang pansin. "Ayeeehh, Miss Val. Mukhang seryoso si Sir oh," tudyo ng mga staff niya. "Naku! Go back to work, baka mamaya may magreklamo na naman," bara sa panunudyo ng mga ito. Sa totoo ay makakakilig ang ginagawa ni Renzo pero dahil sa lalaking naroroon kani-kanina lamang ay hindi lubusang maramdaman ang kilig. "Val, sana ay hayaan mo akong manligaw sa'yo," hirit pa ni Renzo habang inaabot pa rin ang bulaklak na hawak. Agad iyong kinuha para hindi naman ito mapahiya. Ngumiti siya rito ng matamis at sinagot ito. "Oo naman, Renzo pero gaya rin ng sinabi ko sa chat. Hindi ko masisiguradong matutugunan ko ang damdamin mo," aniya rito. Nagtataka sa sarili dahil noong tinutugon iyon sa chatroom ay kinikilig siya. Nangangarap na pa nga na magsasama sila sa Singapore matapos ng kasal nila. Doon na kasi ito naka-base bilang isang accountant sa isang malaking financial firm doon. Ngunit taliwas sa nararamdaman ngayon, parang ayaw na niya itong manligaw. Naguguluhan siya sa kaniyang pakiramdam, marahil ay nabigla lamang siya sa pagdating nito kaya ganoon ang pakiramdam at tila nawalan ng interest dito. "Oo, Val. Handa naman akong maghintay," nakangiting wika nito. "Salamat," aniya rito pero sa totoo ay parang ayaw na niya itong paasahin. Mas lalo pang na-guilty nang makita ang umahong pag-asa sa mukha ni Renzo. Napalunok tuloy siya. "Okay, aalis na rin ako. Mukha kasing abala ka," turan nito nang mapansin ang ilang hawak na papeles. Doon lamang niya napagtanto na may gagawin nga pala siya. "Ah, oo. May hinahabol akong deadline para sa sahuran ng mga empleyado," saad dito. "Okay, mauuna na ako. Siguro naman ay libre ka bukas ng gabi, tutal ay weekends naman kinabukasan. Have dinner with me," yaya pa ni Renzo sa kaniya. Ngumiti na lamang siya rito saka tumango na kinangiti naman nito ng matamis. Pagkalabas nina Frank sa fast food na iyon ay agad siyang inalaska nila Bray at Ken. "Ngayon lang yata pumalya ang s*x appeal ng kaibigan natin," palatak na saad ni Ken. "Sabihin mo, 'Tol. Maging ang appeal sa s*x ay pumalya rin," gatong ni Bray sa sinabi ni Ken. "Eh, kung pag-umpugin ko kayong dalawa. Busy ako sa opisina ko tapos gagambalahin niyo ako na tila ba may emergency, tapos ganito lang?!" may halong inis na wika. Napatawa ang dalawa ng nakakaloko dahilan upang mas lalong mainis. Agad na naglakad at tinungo ang kaniyang sasakyan nang marinig ang sinigaw ni Bray. "Sus! Selos lang iyan, 'Tol. Paano ba naman ay naunahan ka kay Miss Manager," dagdag nitong tudyo sabay tawa. "Huwag kang mag-alala, 'Tol. Pwede mo pa namang ikama kahit—" "Ewan mo sa inyo! Next time, huwag niyo akong isasama kapag aalaskahin niyo rin ako!" aniya saka mabilis na pumasok sa loob ng kaniyang BMW na sasakyan. Narinig pa ang halakhak ng mga kaibigan bago nagsipasukan sa kani-kanilang sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD