Chapter 1:

1114 Words
"Ma'am Val, pinapatawag ka po sa labas. May customer po kasing nagrereklamo," tinig ng isa niyang crew. Napatayo si Valerie buhat sa kaniyang upuan sa loob ng kaniyang opisina. Inaayos niya kasi ang ilang papeles dahil hinahabol niya para sa sahuran ng kanilang mga tauhan. Napabuntong-hininga siya at hinamig ang sarili. Pilit kinalma ang sarili, sa kaniyang trabaho ay dapat may mahaba siyang pasensiya lalo na at natatapat sila sa mga customer na maarte. Noong isang araw lamang ay nakita lang na may itim ang buto ng manok na kinakain nito pinatawag siya at kung anu-ano ang pinagsasabi nito. Kung tutuusin naman ay ubos na nito ang buong tigh part bago nagreklamo. Paglabas ng kaniyang opisina ay nabulwagan ang ilang staff niya habang inaawat ang naghuhurumintadong ginang. "Mawalang galang po, Ate," aniya rito at nabaling sa kaniya ang pansin nito. "Ikaw ba ang manager dito?" nakataas ang kilay na tanong nito. Kahit inis ay pinilit niyang ngumiti. "Ako nga po, Ate. Ano po bang problema?" malumanay na ganing dito. "Bakit ganito ang kanin ninyo? Kaya nga ako kumain dito para masarap ang kain ko, tapos hahainan niyo ako ng kaning hindi luto?" buwisit na wika nito. "Ah, Ate pwede po bang babaan lang po natin ang boses natin?" maang na pakiusap dito. "At bakit? Para hindi nila malaman ang kapalpakan ninyo?" mataray pa ring wika nito. "Hindi po dahil nakakaabala po tayo sa ibang nakain. Ate, pwede naman po natin itong pag-usapan sa maayos na usapan hindi iyong nagwawala kayo at mataas ang boses niyo," saad pa rin sa malumanay na tinig. Ngunit sa loob-loob ay gusto na ring magtaray sa ginang pero pigil na pigil siya. "Ayaw ko nito! Gusto kong palitan niyo ang kanin ko!" Hurumintado ng ginang. Agad siyang sumenyas sa isa sa staff niya. "Bakit naghain kayo ng hilaw?" hindi na rin mapigilang inis na wika sa mga ito. "Ma'am, sinabi naming hindi pa po available ang mga rice meal natin at nag-offer kami ng burger o spaghetti with chicken pero mapilit po siya. Kaya nainis na rin si Ate Lovely kaya kahit hindi pa masyadong luto ay binigyan nila," ani ng staff na kausap. Nakitang napatingin sa kaniya ang staff na tinukoy nito na nasa cashier. Napabuntong-hininga na lamang siya at muling hinamig ang sarili. "Ate, inalok ka naman po nila ng iba pero nagpumilit po kayo-" "Kasalanan ko pa, ganoon?!" mataray na sabad nito. "Gutom ako kaya pumasok ako rito. Gusto ko ng kanin tapos bibigyan niyo burger?" gilalas nito. Paulit-ulit lang sila at napapatid na ang kaniyang pasensiya. "Okay, Ate. Papalitan po namin ang kanin mo kung makakahintay kayo ng limang minuto," pakiusap dito. "Ha?! Limang minuto? My God, gutom na gutom ako tapos paghihintayin mo ako ng limang minuto? Anong klaseng fast food ito?" anito na tila mas lalong nang-inis. "Okay po, Ate. Bibigyan po namin kayo ng discount sa susunod na kumain kayo ulit dito." Pagbibigay niya ng alternatibong remedyo upang matapos na ang diskusyon nila. Sa sinabi ay mukhang umayos na ang mukha ng ginang. "Okay, sige. Tapos maghihintay na lamang ako ng maayos na kanin," anito. Nakitang tumigil na rin ito at doon ay muling napabuntong-hininga si Valerie. Kung may iba lang siyang pagpipiliang trabaho ay lilipat na siya. Habang tumatagal kasi ay tila nagsasawa na siya at napapagod. Wala na iyong sayang naramdaman noong nakuha ang posisyon niya. Sa kabilang panig ng fast food ay naroroon ang magkakaibigang Frank, Ken at Bray. "Sabi ko sa'yong maganda ang manager ng fast food na ito," pagyayabang ni Ken sa kanila. Mukhang tama ang kaibigan dahil halos mapasinghap siya ng makita ang maamong mukha ng babaeng lumabas mula sa kung saan. "Bilib na talaga ako sa'yo 'tol. Teka, saan mo nakuha ang ginang. Hanep ka talaga, may nalalaman ka pang drama mapalabas lang ang magandang binibini," natatawang diga ni Bray kay Ken. "Ako pa ba?" yabang nitong wika. "Hep! Aba, bakit nakatulala yata itong kaibigan natin?" buska ni Ken sa kaniya ng mapansin nitong hindi mahiwalay ang tingin sa babaeng topiko nila. "'Tol mukhang tinamaan si Mr. Franklin Fernandez," nakatawang wika ni Bray sabay akbay sa kaniya. "Ano pang asahan mo sa isang babae-" "Woooh! Nagsalita ang santo," salag ni Frank sa mga kaibigan. Hanggang sa makitang muling nagwala ang ginang na binayaran ng kaibigan at makita ang magpipigil ma mukha ng babae. Nalilibang silang magkakaibigan na pagmasdan ito. "Don't tell me isasama mo siya sa mga babaeng nais mong tikham," akbay ng kaibigan sa kaniya. Agad itong binalingan sabay tulak. "Ewan mo sa inyo!" aniya sabay tayo na tila patungo sa kinaroroonan ng komusyo. "Hoy! Frank! Hoy, saan ka pupunta," habol na pigil ni Bray. Inakala yata ng mga ito na pupuntahan ang babae at ililigtas sa paninigaw ng ginang. "Magsi-CR lang, sasama ka ba?!" madiing wika rito at doon ay napatigil ito saka ngumiti. "Ah, akala ko kasi ay-" putol na wika ng kaibigan. "Malisyoso ka lang kasi," bara sa kaibigan saka nakangiting tinungo ang kinaroroonan ng babaeng bumihag ng kaniyang pansin. Professionals na sila pero para rin silang teenager pagdating sa usaping babae. Sa totoo lang ay nakuha ng babaeng ngayon ay ilang dipa na lang ang layo sa kaniya ang kaniyang atensyon. Masyado siyang mapili sa babaeng ikakama. Kailangang maganda at seksi bagay na nakikita sa babaeng tinitignan. Hindi tuloy niya maiwasang sipatin ang dibdib nito at pwetan. Napangisi pa siya nang makita ang hubog ng katawan nito kahit medyo conservative ang suot na palda at blusa. Hindi tuloy niya maiwasang mapatigil ng matapat dito. Mukhang napansin siya nito dahil bigla itong napatingin sa kaniya. Hindi tuloy niya naiwasang ngumiti rito ngunit bumusangot ito sa kaniya na tila nainis sa ginawang pagngiti rito. Nainis nang tuluyan si Valerie at mas lalo pang nabanas ng makita ang guwapong mukha ng lalaking matamang makatingin sa kaniya. Sa totoo ay nabigla siya dahil hindi maikakailang guwapo ito at base sa gara ng suot na damit nito ay tila may sinasabi sa buhay pero nainis siya nang makita ang ngisi sa labi nito lalo pa ang pasimpleng pagsipat nito sa kaniyang katawan. "Okay, limang minutos lamang. Kailangan nandito na ang kanin ko dahil gutom na gutom na ako," agaw pansin ng ginang sa kaniya. Agad na binalik ang tingin dito at sinabihan ang staff niya na ibigay ang nais ng babae. Saka bumalik na siya sa kanyang opisina ngunit bago siya pumasok ay nakitang nakatingin pa rin sa kaniya ang lalaki dahilan upang mapakunot-noo siya. Ginawa iyon upang ipabatid ritong alam niya ang ginagawa nitong pagtitig sa kaniya. Ngunit imbes na tumigil ito at binaling sa iba ang tingin ay kumindat pa ito. Dahilan upang mas lalong mainis sa ginawi ng lalaki. "Antipatiko!" irap dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD