Alt 2: E-51

1939 Words
"Uh, hi?" awkward na tanong ni Aiden sa camera. Natawa siya ng kaunti at umubo bago muling nagsalita. "Krys, Kovie, kung nakuha niyo man ang video na ito, sana nasa maayos na kalagayan kayo." Napakurap-kurap ako sa gulat. Anong sinasabi niya? Nasaan siya? Bakit may video na ganito? Bakit biglang lumabas ang video na ito?  Ang dami kong gustong itanong ngunit ang tanging makakasagot sa akin ay wala rito. Nasa video, hindi ako masasagot. Wala. Pinanood ko siyang pumikit ng mariin bago nagsalita. "Kov, naalala mo si Abaheda?" tanong niya. Napatingin sa akin si Krys ngunit napako ang tingin ko sa mata ni Aiden na para bang nangungusap na tumatagos sa video. Na para bang nandito siya. Wala sa sarili akong tumango. "Siguro hindi na, bata ka pa kasi nung pinapakwento mo sa akin 'yan ng paulit-ulit," sabi niya at bahagyang natawa. Hindi ko alam kung paano siya nakakatawa sa lagay niya, namin. Mabilis siyang pumikit-pikit na para bang nagpipigil ng luha.  "Ikukwento ko na lang para sa'yo," nakangiti niyang sabi. Tumikhim siya bago nagsimula sa pagkukwento. "May isang batang babae na inaapi ng stepsisters at stepmother niya. May oras na sobrang hirap ng pinapagawa sa kanya. Hirap na hirap na siya at hindi niya na alam ang gagawin, pero may dumating na tulong. Ang espirto ng kagubatan, Kov, naalaala mo?" sabi niya at gumawa ng porma sa kamay.  He shaped his hands to form the image of a bird. Ginalaw niya ang mga ito para maipakita ang pagpagaspas ng mga pakpak nito, imitating a bird's way of living.  "Tinulungan siya sa lahat ng mahirap na gawain gamit ang magic. Tapos, lagi mong sinasabi no'n na Science ang nasa kabila nun 'di ba? Hindi ka kasi naniniwala sa magic kahit nung bata pa," natatawa niyang kwento. Nakangiti siya ng malawak at kumikinang ang mata niya habang nagkukwento. Nanginginig ang labi ko sa pagpipigil ng pag-iyak. Si Krys sa gilid ko ay nananatiling tahimik ngunit napapansin ko pa rin ang paminsan-minsan niyang pagsilip sa akin. Mabilis akong kumurap at tumingala para mapigilan ang pagtulo ng luha. Tumikhim ako bago muling tumingin sa video. Ilang minuto siyang nanatiling nakatingin lang sa camera. Para siyang nagpipigil din ng luha sa mabilis niyang pagkurap.  "Tapos binigyan siya ng sarimanok ng espirito para matulungan siya. Pero pagkauwi niya ay niluto yung alaga niya, niluto ng step mom niya." Napatingin ako kay Krys nang tumayo siya bigla. Dumiretso siya sa maliit an shelf sa gilid at parang may hinahanap. Hinayaan ko siya at patuloy na nanood. "Nilibing niya yung paa ng manok malapit sa libingan ng mama niya, Kov. Sa totoong nanay niya." Tumangu-tango siya na para bang naalala ang bahaging iyon ng kwento. Napakunot ang noo ko nang biglang tumalon ang video.  "Krys?" tawag ko nang hindi inaalis ang tingin sa monitor. Maigi kong tinignan iyon at napansin ang iilang parteng nagkakaroon ng parang glitch sa hindi tugmang parte. Para bang may tinanggal na parte sa gitna. "Papaalam na ako, Kov. See you!" nakangiti niyang pagbati at kumaway pa sa dulo. Nanatili akong nakatitig sa screen kahit na nakahinto na lang iyon sa huling bahagi kung saan nakataas ang kamay niya at nakangiti. "Krys..." mahinang sabi ko. Kauupo lang ni Krys at may bitbit siyang mga folder. Sumagot siya nang hindi nakatingin sa akin. "Bakit?" tanong niya habang nagkakalikot sa computer. Wala akong masabi sa napanood ko. Hindi ko alam ang purpose ng video. Bakit may ginawa siyang ganung video? Ligtas ba siya? Ang dami kong tanong, Kuya Aiden. Nasaan ka ba? "Krys, kusa siyang umalis 'di ba?" tanong ko ng may halong pagsusumamo. Pagsusumamo na sana totoo. Na sana nagkusa nga siyang umalis at ligtas siya, kontrolado niya ang buhay nya. Na masaya siya. Pumikit ako at pilit na nilabanan ang kakaibang mga iniisip. "Kuya?" pagtawag ko sa kanya. Kumatok pa ako ng tatlong beses sa pinto ng kwarto niya bago pumasok. Binuksan ko ang ilaw at bumungad sa akin ang bakanteng kwarto. Walang tao o bakas na may nakatira rito.  Dahan-dahan kong nilapitan ang kama niya. Walang gusot ito at para bang ilang araw na hindi nagalaw. Pero imposible 'yon. Kanina'y sabay pa kaming naghapunan at nakita ko siyang pumasok sa kwarto niya.  Sa malinis na kama'y may isang papel na nakapatong. Maayos ang pagkakatupi at ipit nito sa isang unan, para bang sinadyang iwan iyon do'n para makita ng papasok. Para makita ko. "Morse code," basa ko sa nakasulat. "Ano 'yon, Kov?" tanong ni Krys. Napakurap-kurap ako at bahagya kong kinurot ang sarili ko para matauhan. Teka, ano nga sabi ko? "Krys, morse code!" napasigaw ako. Nilingon niya ako at halata ang pagtataka sa mukha niya.  "Morse code yung kanina, hindi ba? Yung narinig natin?" sabi ko. Tumango siya at inayos ang pagkakaharap sa akin. Nilapag niya ang tools sa gilid at nanliit ang mata ko nang nakitang pamilyar iyon. "Kay kuya 'yan 'di ba?" puna ko. Sinundan niya ang tinitignan ko at tumango bilang sagot. Kinuha ko 'yon at mas lalo pang naniwala sa naiisip ko. "Morse code. Ayon ang nakasulat sa iniwang papel ni kuya nung gabing nawala siya," sabi ko. Napaahon siya sa pagkakaupo at tinignan ako ng maigi. "Yung pagkurap-kurap niya kanina, Krys..."  "Morse code! Oh my gosh!" she exclaimed. Napatayo siya at naglakad ng pabalik-balik. Kilala ko siya at 'pag ganito ay nag-iisip siya. Pareho kami ng iniisip.  "Krys, itong tools ni kuya, may kasama bang sirang relo sa lalagyan?" sabi ko sa kanya. Tinignan niya ako at tumakbo tungo kung saan. Napabuga ako ng hininga sa mga nangyayari. Pagbalik niya'y kinalkal ko ang black box at sa wakas ay nakahinga na ako ng maluwag nang nakita ang sirang relo. Kinuha ko 'yon at gamit ang flat screw ay inangat ko ang salaming bahagi. Binaklas ko 'yon hanggang sa maiangat na ang lahat ng nakaharang para makita namin ang nakaipit na maliit na chip sa loob. Kinuha ko 'yon at ipinakita kay Krys. "Marunong ka bang hindi makahiwa ng importanteng ugat?" seryosong tanong ko sa kanya. Nalaglag ang panga niya ngunit pinanatili ko ang seryosong ekspresyon para makita niyang seryoso rin ako sa sinasabi ko.  "O-Oo?" patanong na sagot niya. Tumango ako bago ibinigay sa kanya ang scalpel na nakuha ko sa first aid sa black box. Inangat ko ang buhok ko at tinupi ang kaliwang tenga para mas makita niya ang bandang likod. Nang tinignan niya iyon ay rinig ko sa singhap niya ang sobrang pagkagulat. "Kovie! Ano 'yan?!" gulat na sigaw niya. Hindi ko siya sinagot at mas lalong yumuko para maabot niya ng maayos. Kinapa ko ang tahi roon at itinuro sa kanya. "Sundan mo lang 'yang tahi," pag-utos ko. Hindi pa rin siya gumagalaw sa gulat. Hindi na ako nagreklamo dahil kung ako ang nakakita nito'y magugulat din ako. May malaking sugat ako sa likod ng tenga. Hindi ako sigurado kung matatawag ko nga bang sugat 'yon dahil kumpara sa normal na sugat, hindi ko hinahayaang maghilom ang hiwa roon. Pinipisil ko minsan para lang manatiling bukas ang sugat at hinahayaan ko ang tahi na manatili roon para hindi gaanong matamaan ng buhok ko. Sa sobrang dalas na hiwaan n'yan dati ay nasanay na ako sa sakit na hindi ko namalayang nahiwa na pala ni Krys. Dati'y gumagamit pa kami ni kuya ng alak para mapamanhid ang sugat ko pero ngayon parang mas masakit pa ang mapitik kaysa rito. "Okay na, tapos?" tanong ni Krys na nagpabalik sa wisyo ko. Tapos na pala.  "May makikita ka r'yang chip na tulad nitong nakuha natin," sabi ko sa kanya. Bahagya niyang tinulak ang leeg ko pababa. Siguro'y nahihirapan siyang hanapin ang tinutukoy ko. Napangiwi ako nang mas itinulak niya pa ang leeg ko at tumama ang nguso ko sa tuhod. "Dahan-dahan, Krys," paalala ko sa kanya. Wala siyang sinagot at nagtagal pa ng tatlong minuto siguro ang paghahanap niya roon. Halos marinig ko sa buntong hininga niya ang pagod at reklamo. "Pindutin mo tapos aangat 'yon, tanggalin mo. Tapos palit mo 'to," sabi ko at ibinigay ang bagong chip. Walang imik niyang sinunod ang mga utos ko hanggang sa matapos na kami. Pinatahi ko rin sa kanya ngunit hindi niya raw kaya kaya't ginamitan niya na lang iyon ng pansamantalang pansara. "Kailan ka pa meron niyan?" tanong niya pagkatapos. Nakahilata siya sa upuan niya at pagod na pagod na para bang nag-opera talaga siya ng malubhang sakit. Hinayaan ko siya dahil hindi naman ganun kadali sa isang tao na mag-opera na lang bigla ng sugat ng iba, much more kung dinukot niya pa talaga ang chip sa loob ng sugat ko. "AI chips?" tanong ko na sinagot niya ng mahinang tango. "Mga 1 year ago?" sagot ko. Hindi ako sigurado sa saktong panahon ngunit masasabi kong may isang taon na rin sa akin ang holder ng chip sa loob at ang unang AI chip mismo.  "1 year niyo lang 'yan ginawa?" manghang tanong niya. Natatawa akong umiling habang may kinakapang mga pindutan sa likod ng tenga ko. "3 years niya na 'tong ginagawa tapos one year ago lang niya nabuo yung chip na gamit ko ngayon. Ito ang unang gumana, out of hundreds of chips." Bakas ang pagmamayabang sa boses ko kahit na hindi ako ang gumawa nito. Nakita ko ang pagpupuyat ni kuya sa paggawa nitong AI na 'to. Nung una'y hindi rin ako naniwala na magagawa 'to ngunit nang may nagawa siyang isa na gumana'y sumiklab ang pag-asa ko. Nasira rin agad iyon pero hindi kami sumuko sa paggawa ng mga chips, hanggang sa may isang nagtagal at kinailangan namin ng tester.  "Eh ano yang chip na nasa relo?" tanong niya. Napangiti ako nang naalala kung paano ito napunta roon. Ako talaga ang naglagay ng chip na 'to sa relo.  ''Ito yung chip na huling ginagawa niya bago siya pinaalis sa lab niya," paliwanag ko. Pinindot ko ang isang bahagi ng likod ng tenga at napakurap sa biglaang pagbaha ng impormasyon sa utak ko. Napangiwi ako sa sakit ng ulong naramdaman ngunit hindi na ako nag-aksaya ng oras at sinubukang isipin ang morse code.  "Meron," mahina kong bulong.  "Anong meron?" Halata ang pagtataka sa mukha ni Krys. Hindi ko muna siya sinagot at bahagyang natulala sa nakitang impormasyon. Bumabaha sila sa utak ko at alam kong alam ko sila pero hindi ako pamilyar sa lahat ng alam ko. Para bang alam kong may gamit ako ngunit hindi ko alam kung paano gamitin. Pina-play ko kay Krys ang audio clip kanina ng morse at sinulat namin ang nakita. Tinignan ko iyon ng natapos at sinalin sa alphabet. E-L-A-N-A "Elana? Ano 'yan?" tanong ni Krys nang nabasa ang naisulat ko. Umiling ako bilang sagot na hindi ko rin alam. Ginilid ko na muna ang papel at sinunod na ang video ni kuya. Habang nagpi-play 'yon ay sinusundan ko ang pagkurap niya. May mga kurap na mas mahaba sa iba, may kurap na sobrang bilis na para bang may hinahabol siya. Na para bang may binubuo siya. Na bumubuo siya ng letra, ng pangungusap.  Sinulat ko iyon at napahawak sa ulo nang wala akong maintindihan sa nakasulat. Literal na random letters lang 'yon, walang magiging kahulugan kahit pagbali-baliktarin ko ang letters. "Krys, dead end." Nilingon ko siya. Malungkot ang mga mata niya ngunit tumayo agad siya. Hinampas niya ang dalawang kamay sa mesa at napapikit ako sa gulat. Nanlaki ang mata ko nang may na-realize. Muli akong kumuha ng malinis na papel at kinopya ang nakasulat sa una, maliban sa tinanggal ko ang letter E, L, A at N. Pinakita ko 'yon kay Krys at mukhang nakuha niya ng ibig kong sabihin. F-I-N-D 5-1 "Who's 51?" Krys asked with obvious confusion in his voice. Nagkibit balikat ako dahil hindi ko rin talaga alam. Nilingon ko siya at nanliit ang mata ko nang may bumabalik sa isip ko. Elana... 51... Find 51... Elana 51? "E-51?"  "Explosive 51?" nakangangang sabi ni Krys. Inirapan ko siya ngunit natigilan nang may biglang pumasok sa isip ko. Nalaglag ang panga ko sa naisip na ideya. Hindi kaya... "Expedition 51..." bulong ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD