Alt 1: Static

2140 Words
"Ayusin mo tindig mo Madriaga," sabi ng kapitan ko ngayon na inirapan ko lang ngunit iInayos ko pa rin ang tindig ko. Tinuwid ko ang tayo ko, inayos ang magkapatong na kamay sa likod at siniguradong naka-90 degree ang mga paa. Pinanatili ko ang poker face ko para asarin ang kapitan. Ako na lang mag-isa dito sa ground field. Tirik ang araw at pawisan na ako. Halos isang oras ang naging training namin kanina, at dahil may parusa ako ay nadagdagan ng isang oras ang pagpapaaraw ko.  "Ano, tatakas ka pa ba sa training? 'Yan na nga lang ambag mo eh, tatanggihan mo pa? Masyado mo naman yatang ine-enjoy ang pribilehiyo mo?" pagleleksiyon ni Kapitan Balagtas. Isa siya sa mga inaayawan kong kapitan dito sa Kinaiya training ground. Ang Kinaiya training ground ay ang pinapasukan ko ngayon sa distrito ko. Halos dito na ako lumaki kahit pa may bahay ako sa labas. Paulit-ulit lang ang routine namin. Mag-aral ng kung anu-anong Science subjects at mag-ensayo ng fighting skills. The same cycle every day. For years. I've been here for almost all my life and I still haven't graduated. Well, aaminin ko namang kasalanan ko ang ibang bahagi ngunit malaking parte rin ang mga instructors na mainit ang dugo sa akin na binababaan ang remarks ko. "Hindi naman kap, inantok lang talaga ako sa session mo," sagot ko ng nakangisi. Mabilis na nagsalubong naman ang kilay niya sa sinabi ko at umambang tatampalin ako. Alam ko na ang teknik niyang ito kaya't hindi ako nagpadala sa takot.  Kilala si Balagtas bilang isa sa mga mautak at masungit na instructors dito. Kilala rin siya sa mga tricks niya, tulad nito. Kunwari'y aamba siya ng hampas at kapag gumalaw ka kahit kaunti ay dadagdagan niya ang penalty mo under 'mockery' umano. Dahil pangalawang taon ko na siyang instructor ay halos kabisado ko na siya at ang kanyang halos iisa nang kilay. Dahil nakaiwas ako ay masamang tingin na lang ang iginawad niya sa akin. Pinigilan ko ang nagbabadyang ngisi sa akin. Baka makaisip na naman 'to ng kalokohan at pati pagngisi ko ay makadagdag pa sa parusa ko. "Dagdag kalahating oras, Madriaga! H'wag mo kong ngisi-ngisian sa susunod!" sabi nito at nag-walk out na. Hindi na ako nagulat na nagbigay pa rin siya ng parusa kaya't habang nakatalikod ay inambahan ko na lang din siya. Nang nilingon ako ay agad kong ibinaba ang palad kong umaaktong bumabatok sa papalayong Balagtas. Umiling-iling ako bago muling umayos ng pwesto. Kahit pa ganito ako ka-walang galang, as many people address it, may respeto naman ako sa mga instructors ko kaya't susundin ko pa rin ang parusa ko. Isa pa, may hinihintay ako.  Napaisip ako. May mga taong nagugulat kapag nakikitang sumusunod ako sa patakaran at parusa ko sa kabila ng magaspang kong ugali. Siguro mas pinapahalagahan ko lang talaga ang disiplina kaysa anumang kaugalian na meron ako. Nilinga ko ang paligid. Maraming trainees na tulad ko ang pagala-gala. Break time naman na talaga para sa mga hindi pasaway. Sa mga tulad kong may kaunting problema sa ugali ay extended lagi ang training time namin at kadalasa'y nauubusan na ng oras para sa break. Natigil ang titig ko sa isang grupo ng magkakaibigan. Malungkot kong tinignan ang isang pritong manok na hindi nila nakakain dahil puro sila tawanan. Mukhang napansin ako ng isa at kinwento sa mga kasama niya dahil literal na sabay-sabay ang paglingon nila sa akin. May dumampot ng manok kaya't iniwas ko na ang tingin ko ngunit nabalik din agad nang sumigaw ang isang lalaking nakaupo roon. "Madriaga, takas pa!" sigaw ng isa sa kanila. Sino ba 'to? Ngumisi siya sa akin at nakipagtawanan sa mga nakapalibot sa kanya. Nagsalubong ang kilay ko sa pagkalito. Kilala ko ba 'to? Tinitigan ko siya. Mariin ang titig ko sa kanya. Unti-unting nawala ang ngisi niya at ang tawanan nila ay kumupas din. Tinaasan ko siya ng kilay. Halos  hindi maipinta ang mukha niya at parang namutla pa nang tinaasan ko ng kilay. Umirap ako bago bumalik sa pwesto kanina. "Anong oras ako magsisimula?" rinig ko mula sa isang malalim na boses. Nakapansin ako ng static sa narinig kaya't nalaman ko agad na hindi ito bastang usapan lang. Nanliit ang mata ko habang sinusubukan kong tuntunin ang pinanggagalingan ng static. Bahagya kong ginalaw ang ulo ko pakanan upang kumpirmahin ang pinanggagalingan ng tunog. Sa paggalaw ko'y nagulo ng bahagya ang buhok ko. Inayos ko ang pagkakatali ng buhok ko. Habang ginagawa iyon ay pasimple akong tumingin sa kanan ko, sa bandang taas. Doon nanggaling ang mind voice. Pagkatapos ayusin ang buhok ay pasimple akong pumindot sa likod ng tenga. Isang matangkad na lalaki ang nakita ko ro'n. Kulay blue ang linings sa damit nito. Meaning, isa siyang lieutenant. Tinitigan ko siya, nakatalikod siya ngunit alam kong ang mensahe niya ay patungo sa... akin?  Mali. Lumagpas ang sound wave sa akin. Patungo ito sa likod ko. Sino ang kausap niya? Bumalik ako sa kaninang ayos ngunit bahagyang tumagilid pakaliwa. Sumulyap ako sa kung sino ang nandoon. Maraming tao ngunit isang may kulay asul na lining din sa uniform ang umagaw ng atensyon ko. Isa ring lieutenant. Siya ang pinaka may sense na pagbibigyan ng mensahe sa lahat ng nakatambay doon. Kung titignan, para lang silang nakatambay pero dahil sa mga narinig ko ay nakikita ko ang tunay na motibo nila. "Bumaba ka na, Adi," mula sa kaliwa ang mga sound waves. May kaunting kirot sa mga mata ko nang nakita ang mga ito na literal na dumaan sa harap ko ngunit simbilis iyon ng kidlat. Nakababa na ang tinawag na Adi mula sa 2nd floor nang sumilip ako sa banda niya. Nagpanggap akong ini-stretch ang leeg ko para makasilip sa kaliwa kung tama ba ang hula kong ang isang lieutenant din ang kausap nitong kadadaan lang. Nakumpirma kong doon nga sa isang lieutenant nanggagaling ang sound wave nang saktong pagsilip ko ay nakakita na naman ako ng isa ngunit hindi tungo sa direksyon nung Adi. Papunta ito sa bandang likod ko ngayon na hindi ko naman malingon bigla dahil nakapagtataka 'yon. Halos mapasinghal na ako nang nakakita pa ng isang masamang pangitain. Si Balagtas ay pabalik na sa ground kung nasaan ako ngayon. Pasimple akong nagpakakuba at ginulo ang porma ng tayo. Umakto akong nataranta nang nagkatinginan kami at bumalik na sa kaninang pwesto.  Madriaga, ayusin mo tindig mo! Kuba ka ba?!" galit na sigaw ni kap mula sa malayo. Diniretso ko pa ang likod ko sa sigaw niya. Umubo ako ng bahagya nang makalapit ito at kakaiba ang tingin sa akin. Habang ngumunguya'y nakatingin ng maigi sa akin si kap na akala mo'y tatakasan ko anumang oras. Nginitian ko siya at muling umayos ng tayo habang pumuslit ulit ng kaunting pagpihit ng katawan pakaliwa. Ngayon, mas sakop na ng paningin ko ang pwesto ng dalawa sa gilid. Si Accel pala ang isa, ang isa sa mga lieutenant dito. Napabaling ako sa tinitignan nila at nakita kong papalapit ang isa pang pamilyar na lalaki. Si Tobi, isa ring lieutenant. Hindi nakapagtataka na magkakasama sila dahil una, magkakaibigan sila. Pangalawa, magkakapareho ang ranggo nila kaya naman madalas ay sila rin ang magkakasama sa mga gawain. Matagal-tagal din silang nag-usap nang hindi na gumagamit ng mind voice. Nahirapan man ay may nakuha naman akong kaunti sa pagbasa sa galaw ng labi nila Kailangan na raw agad kay-- "Madriaga, ano ba?! Crush mo ba 'yang mga lieutenant diyan na kanina mo pa sila sinusulyapan?!" hiyaw ng bayolenteng kapitan sa gilid ko. Napabalik ako sa pagkaharap kay kapitan at kitang-kita ko sa peripheral vision na napatingin ang tatlong lieutenant sa direksyon namin. Sa lakas ba naman ng boses nitong si kap, rinig yata ng buong compound ang sinabi niya. Hindi ko siya sinagot sa mga patuya niya. Inayos ko na lang ang porma ko habang diretso ang tingin sa pangit na view sa harap ko. Diretso niya akong tinitigan. Pinanliitan niya ako ng mata habang ngumunguya pa ng kinakain. Gustong-gusto ko nang umatras sa takot na matalsikan niya. "Ano, sagot! Akalain mo't nagkaka-crush crush ka pa pala, babae ka pa pala?" nang-aasar na sabi nito. Halos irapan ko na siya ng harap-harapan. Kung wala lang akong gagawin mamaya, baka mas pinikon ko pa 'to. Sarkastikong ngiti na lang ang iginawad ko sa kanya. "Wala ho, kap," maagap kong sagot. Ngumisi naman ito ngunit kita ang iritasyon sa mukha kahit na pilit itinatago. Bigla akong tinapik sa braso na ikinagulat ko kaya't napilipit ko tuloy ng wala sa oras ang palapulsuhan niya. Agaran ko ring binitawan nang nabalik sa wisyo. Napangiwi ako sa nararamdamang sermon na paparating. "Madriaga!" buong pusong sigaw nito. Nagpaplano na ako ngayon kung kailan ko ililipat ang dapat na gagawin ko mamaya. Dapat ay makikipagkita ako kay Krys para magtanong ngunit mukhang maaantala 'yon sa hinagpis ng Balagtas. Nagulat ako nang biglang sumingit sa pagitan namin si Accel. Napatingin ako sa kanya ngunit nakatuon lang siya kay Kapitan Balagtas na nagulat din yata sa paglapit ng lieutenant. "A-Accel!" nauutal na sabi nito sa gulat. Ang kaninang hinihilot na pulso ay ibinaba niya na. Umayos din siya ng tindig ngunit hindi pa rin niya abot ang height ni Accel. Mas matangkad ito kaysa sa akin, lalo naman kay kap na hanggang baba ko lang yata. "Kap, kausapin ka ho namin," nakangiting sabi nito.  May kung ano itong ginagawa sa kamay niya, parang may sini-signal na kung ano. Sinong pinapaalis nito? Nakuha ko naman ang ibig niyang sabihin nang nilingon niya ako. Tumango ako bago dahan-dahang umalis sa paningin nila at mabilis na dumiretso kay Krys, ang senior manager ng Science department.  "Krys," pagbati ko nang nakapasok sa lab niya. Nakaupo siya at may tinitignang kung ano sa tablet nito. Hindi pa yata niya ako narinig kaya't lumapit na ako, tsaka lang niya napansin ang presensya ko. Tinanggal niya ang suot na in-ears at nginitian ako bago hinugot ang isang folder mula sa drawer niya. Tinignan ko ang nakasulat doon. "Confidential?" pagbasa ko. Tinignan ko siya ng may nagtatakhang mukha. Kung confidential ito, bakit niya binibigay sa akin? Mukhang nabasa niya ang tanong sa ekspresyon ko kaya't nagpaliwanag na agad siya. "That's a favor," sabi niya nang nakangiti. Favor? Nagtataka man ay binuksan ko na lang din ang folder upang makita kung anong meron at bakit niya ibinigay ang confidential file na ito sa akin. Inaasahan kong isang secret meeting, secret funds o ano pa man ang nandito ngunit puro lang ito numbers. Particularly zeros and ones. Wait. Tinignan ko siya at tumango naman siya para kumpirmahin ang naiisip ko. "Sigurado ka ba?" bakas ang tuwa sa boses ko nang sinabi 'yon. Mas lumawak ang ngiti niya at napangiti na rin ako sa tuwa. Sa wakas, nakuha na namin. "Anong sunod?" ani ko nang naka-move on na sa saya. Naupo siyang muli sa swivel chair at nagsuot ng isang in-ear. Binigay niya sa akin ang isa. May pinindot siyang kung anu-ano bago ako nakarinig ng tunog doon. Puro siya paulit-ulit na toot lang 'yon. Inulit niya pa 'yon ng isang beses at tumingin sa akin. Tumango ako bilang pahiwatig na nakukuha ko na ang pattern. Habang nakikinig ako ay nagta-tap ako sa mesa gamit ang daliri ko. Nakuha naman ni Krys ang plano ko kaya't kumuha siya ng ballpen at papel para isulat ang ginagawa kong pattern. "Okay na!" masayang sabi niya. Tinanggal ko na ang in-ear ko at sinilip ang papel niya. "Morse, huh?" Tumangu-tango ako roon. Nice move. -....- ..... ....-  "Marunong ka ba ng morse?" tanong ko kay Krys. Umiling siya sa akin. Napasandal naman ako sa upuan ko. "Dead end na ba?" tanong ko sa kanya. Umiling-iling lang siya at nagkalikot pa sa computer niya.  "Wait, meron yata!" sigaw niya na nagpabuhay sa akin. Napabangon agad ako sa pagkalugmok at tumitig sa screen niyang magulo. Wala ako halos maintindihan sa bilis ng mga nangyayari ngunit nang nakita ko ang loading bar ay napahinga ako ng malalim. Loading... 45% Loading... 46% Loading... 47% Loading... 48% Loading... 50% Kumunot noo ko sa biglang pagtalon ng number. Nilingon ko si Krys at tinanong, "Normal ba 'yang tumalon yung number?" Tumango lang siya bilang sagot kaya't hinayaan ko na lang. Limang minuto ay stuck pa rin sa 50% ang load bar. Halata ang pagkabahala sa mukha ni Krys at alam kong natataranta na rin siya sa bilis ng pag-type niya ng kung anu-ano. Isa-isang nagkulay red ang mga nakalagay doon at may mga nag-pop up na kakaibang logo roon. "A51?" tanong ko kay Krys na hindi sumasagot. Nagtagal ng ilang minuto ang pakikipagsapalaran niya ngunit bigla na lang namatay ang screen at hindi rin mabuksan ni Krys 'yon. "Anong nangyari?"natatarantang tanong ni Krys. Hindi ko rin naman siya masagot dahil mas wala akong alam sa computer. Tumingin siya sa kung anu-anong parte ng computer at may mga tinanggal siya roon. Habang ginagawa niya 'yon ay may nag-appear sa screen. Kinalabit ko siya ngunit hindi niya ako nililingon kaya't ako na muna ang tumingin. Napanganga ako sa nakita ko. "Krys," tawag ko sa kanya. Hindi pa rin siya tumitigil sa pagkalkal kaya't hinila ko na siya para makita ang naka-display sa screen. Kita kong nalaglag din ang panga niya. "Aiden..." mahinang bulong niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD