Alt 15: 8th Color of the Rainbow

1453 Words
Do you know that feeling of accepting your death? Yung pakiramdam na sa sobrang tanggap mo na, you imagine yourself so holy that you’re descending to the place they call a safe haven? As my whole life’s summary play in my mind for straight seven minutes, I realized I’m not dead yet. Not when I can feel the sting of someone’s slap on my and Krys’ loud and annoying cry, like that of a banshee. “Shut up, ugh,” I said, coughing. I can’t open my eyes that much but I can see a glimpse of their silhouette towering over me. I think I see three persons in front of me. “Kovie! Oh my goodness! Kovie!” Krys’ over-the-top reaction inflicted a great hit in my ears. Sobrang sakit noon sa tenga na kahit na hinang hina pa ako ay nagawa ko pa siyang itulak. “Cry somewhere far,” I said using mind voice. Narinig ko ang tawa sa gilid ko. I’m guessing that’s Accel because I heard Krys’ berserk annoyance towards him. Nanatili pa akong nakahiga at nakapikit ng ilang minuto. Pagkatapos ng pahinga ay tumayo na ako. May agad na umalalay sa akin at nag-abot ng tubig. Bahagya akong dumilat at hinayaan ang sariling mag-adjust muna sa liwanag bago tuluyang buksan ang mga mata. “Thank you,” I said after someone helped me drink. Naubo ako sa gulat sa pakiramdam ng tubig sa lalamunan ko. Parang last year pa ang huling inom ko ng tubig. Habang umiinom ako ng tubig ay may biglang dumamba ng yakap sa akin. Hindi ko inaasahan ‘yon kaya’t bumagsak kami at gumulong sa pakiramdam ko’y isang damuhan. Napilitan na rin akong dumilat ng buo para makita ang paligid. I quickly shut my eyes down with the direct light of the sun above us. Nang nakita kong bahagyang dumilim ay dumilat na muli ako ng bahagya. Nakita kong may nakatalikod sa amin at nahaharangan niya ang sinag ng araw. “Thank you,” I said using mind voice. I saw him nod twice. Ngayon ay tinignan ko na si Krys sa tabi ko. Nakayakap siya ng mahigpit at halos hindi na ako makahinga nang hinigpitan niya pa ako. Tinulak ko siya ngunit dahil nakakapit siya ay gumulong lang kaming pareho. Ang kaninang magaan na pakiramdam ko ay nawala rin agad na parang isang bula nang bumagsak ako sa d**o at nakadagan pa si Krys sa akin. “Ang bigat mo!” sigaw ko sa kanya. Agad naman siyang tumayo at nanatili akong nakahiga. Hiningal ako sa pakikipag-wrestle sa kanya kaya’t nanatili akong nakasalampak sa sahig. Malambot naman ang d**o kaya hindi ko na inalala na lupa ang hinihigaan ko. Wait. Lupa? Mabilis akong napatayo. Dahil biglaan ang pagtayo ko ay nahilo ako, dagdag pa ang pagkasilaw ko sa araw na nakalimutan kong nandyan pala. Pasuray-suray ang lakad ko at may nakabangga pa ako. Inalalayan niya ako hanggang sa nakapunta kami sa mas malilim na parte. “Salamat,” ani ko kay Adi na tinanguan lang ako. Tinignan niya ako at naupo sa tapat ng puno. Sumandal siya roon at pumikit. Iniwas ko ang tingin sa kanya at pinagmasdan ang paligid. “Wow,” was all I could say. Sobrang pagkamangha ko sa paligid na wala akong masabing tamang salita para ma-express ito. The view is so serene and calm. Something you’ll never see in our Kinaiya compound. May isang bahagi na puro matataas na d**o lang ang nandoon. Sumasabay sa hangin ang paggalaw nila na tila’y sumasayaw ang mga ito. The gentle caress of the wind made them look so lively and happy. Huminga akong malalim. Parang masasabi ko na ilegal ang makaranas ng ganito ka-sariwang hangin. Sa pinanggalingan namin kung hindi usok, abo, o dumi, wala kang malalanghap na ganito kasariwa dahil bihira ang puno roon. “Sobrang layo sa kinalakihan natin, ‘di ba?” tanong bigla ni Adi. Tumango ako nang hindi lumilingon. Nakapikit ako at dinadama ang pagtama ng araw sa akin. Ang sinag nito ay hindi masakit sa balat, para ngang natutuwa pa ako sa init na nararamdaman ko. Dagdag pa ang maya’t mayang pag-ihip ng hangin, para akong nasa isang paraiso ngayon. Something that’s very rare for someone like me. “You know,” Adi probed. I looked back at him to wait for his next words. “We all thought you were dead,” he added. Natigilan ako. Oo nga pala. I almost died just now. It’s weird how I didn’t even think about it for a second. I accepted it and hoped that they save Krys. But not me. Was I that willing to die? Am I that tired of life that I’m so willing to just throw it away? Napansin niya sigurong natigilan ako at hindi makasagot kaya’t nagpatuloy siya sa pagsasalita. “Sobrang lakas ng iyak ni Krys. Alam mo bang nung nakuha namin siya, your name is the first think that she said.” Tumango pa siya na para bang naalala ang pangyayaring iyon. I still can’t process everything that he’s saying. Inalis ko ang tingin kay Adi at hinanap si Krys. Nakita ko siya sa ‘di kalayuan, kasama si Accel at Tobi. Nakaupo lang din sila sa d**o ngunit may nakalatag na tela roon. May mga pagkain din at iilang pamilyar na prutas na nakahain. Nang napansin ni Krys na nakatingin ako ay kumaway siya at inaya ako papunta sa kanila. Kita ko sa peripheral vision ko na tumayo na si Adi at nagpagpag. Nagpagpag na rin ako at hinintay siyang matapos para sabay na kaming pumunta sa kanila. “Adi…” pagtawag ko sa kanya habang naglalakad. Habang papalapit kami ay mas naririnig ko ang ingay at tawa nina Tobi at Accel habang si Krys ay hinahampas ang dalawa. “Thank you,” sabi ko at nginitian siya. Mukhang nagulat siya sa pagngiti ko. Na-conscious ako sa reaksyon niya. Gano’n ba ako kadalang ngumiti, o kaya’y magsabi ng thank you? “Binitawan ko na yung buhay ko, eh. Pero niligtas niyo ako. Kaya salamat,” sabi ko sa kanya. Muli ko siyang nginitian bago nauna at bahagyang tinalunan si Krys at yumakap. “Oh, Kov?” gulat na tawag niya sa akin. Hindi ako sumagot at ngumiti lang habang nakayakap sa kanya. Hindi na rin siya nagsalita at hinawakan na lang niya ang nakayakap kong kamay sa kanya. “Thank you, Krys,” I said using mind voice. Humigpit ang hawak niya sa nakayakap kong kamay. “Thank you rin, Kov. I’m glad you’re still alive. Pinag-alala mo ako,” sabi niya, gamit lang din ang mind voice tulad ko. Hindi na ako sumagot at umalis na sa pagkakadagan sa kanya. Tumabi ako kay Krys at kumuha ng isang mansanas sa lalagyan nila. Inabot sa akin ni Tobi ang isang mansanas na nabalatan na. Tinignan ko siya at nginitian bago sinabing, “Salamat.” Tumango siya at ngumiti bago muling inalok ang mansanas na hawak. Kinuha ko ang mansanas at hinayaang nasa kaliwang kamay ko lang ang una kong kinuha. Kumagat ako roon at hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko mansanas na ang pinakamasarap na bagay sa mundo. Na ang mga biro ni Accel ang pinaka nakakatawa sa lahat. “Iyak si Krys, eh,” sabi ni Accel habang tumatawa. Tumikhim siya bago gayahin ang boses ni Krys at sinabing, “Kov! Kovie, ‘wag mo akong iwan plea—“ Hindi na natapos sa sinasabi si Accel dahil sa panghahampas ni Krys. Tawa ng tawa si Tobi kaya’t pati siya nadamay. Kami ni Adi rito sa gilid ay nakangiti lang ngunit hindi nagpapahuli kay Krys na mukhang papatay na. “Kov! Tulong naman, papatayin na ako oh! Adi, Tobi!” pagtawag sa amin ni Accel. Nagkibit-balikat lang ako at kumagat ng mansanas para itago ang ngiti ko mula kay Krys. “We’re here!” Sinundan ko ang pinanggalingan ng boses at nakita ang tumatakbong sina Covet at Ayla. Mabilis na binagsak ni Ayla ang bitbit niyang bag at yumakap sa amin ni Krys. Niyakap namin siya pabalik ngunit agad din siyang bumitaw. “Tama na yakap! Nahulog kami sa kanal!” eksaheradang sabi niya. Natawa kami ngunit hinila pa rin siya ni Krys para mayakap. Mukhang kararating lang din nila at hindi nila kasama sina Tobi, Adi, at Accel nang nahanap kami ni Krys. Si Covet ay dumiretso sa pagitan namin ni Adi at mukhang may hinahanap sa basket. Naalala ko ang naitabi kong mansanas. Inabot ko sa kanya iyon. Tinignan niya ako bago tinanguan at kinuha ang mansanas. Nginitian ko siya ng kimi. Sobrang gaan ng pakiramdam ko. Seeing their laugher and bond gives me strength. Na para bang kapag kasama ko sila, kapag magkakasama kami ay lahat kaya kong harapin. And I just realized something. Tumingala ako at bahagyang napapikit para hindi masilaw. Tinignan ko ang mga ulap sa napakagandang asul na langit at ngumiti. Finally, Kuya Aiden. I have my friends now. I’m no longer alone. And we’re all going to find you. I smiled upon the rainbow that took over the blank spots of the sky. The seven colors were complete. But unlike the rainbow, we're not just seven. Makukumpleto rin tayo. Sila, ako, at ikaw.  We're going to find the 8th color of the rainbow. We are going to find my brother.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD