Katahimikan ang sumunod pagkatapos kong tanungin si Krys tungkol sa mind voice. Gamit ko rin ang mind voice mismo sa pagtatanong kaya't hindi ko sigurado kung narinig niya ba ako. What makes it harder for me to recognize is I can't see her reaction to check if she received my message or not.
"Krys, gumagana ba ang mind voice mo?" muli kong pagtatanong. Nagbabaka sakali ako na hindi niya lang narinig ang una kaya’t inulit ko ang tanong ko para makasigurado. Still, I received no feedback from her.
For the last time, I asked, “Krys, mind voic—“
I got cut off when Krys abruptly pulled my right leg. Mabilis iyon at pwersahan, hindi ko inaasahang mahihila talaga niya ako. Pagkahila niya ay nagsikap din akong maibaba ang sarili ng bahagya para magkapantay kami.
Ngayon ay magkalebel na kami ng tingin. Hindi ko na lang pinansin ang kakaibang ayos ng katawan niya at katawan ko. Walang nagsasalita sa amin at nanatili siyang nakatitig sa akin.
“Paano mo nalaman ang tungkol sa mind voice?” tanong niya gamit ang mind voice. I can see the sound waves coming out from her, more visible than it usually is. I find it weird but I’m literally in a weird shape so I didn’t mind.
“So gumagana ang mind voice mo?” tanong kong muli. Tinitigan niya ako bago tumango.
“I answered your question,” she said. “Answer my question now, Kovie.”
“Sinabi sa akin ni Kuya Aiden,” sagot ko at umiwas ng tingin. Her stare is getting in me. Hindi ako natatakot ngunit iba ang nararamdaman ko sa titig niya.
“Aiden did?! Bawal naming ipagkalat ‘yan!” I can hear her hyperventilating even in mind voice. I know it’s not the time to laugh but I find it funny how she’s still surprised to know that my brother trust me so much that he told me about this mind voice.
“Kapatid niya ako. What do you expect?” sabi ko nang natatawa. Her look screamed sinister and shocked. Unti-unting nawala ang tawa ko nang nanatili ang seryoso ngunit gulat niyang mukha.
“Hindi mo nakukuha, Kov. It’s not a simple secret to be shared by anyone outside our circle,” she explained. My brows furrowed and I can feel my stomach turning from the suspense her statement brings. “Pwede niyang ikamatay ang pagsasabi sa’yo no’n. That's how confidential it is. Even some generals don't have any idea about this!”
My smile completely faded. My stomach felt like a hollow tube and all my organs are going up. Sa sobrang gulat, kaba, at takot, pakiramdam ko ay umaangat ang loob ko at gusto kong isuka ang lahat.
Bago pa man ako masuka ng tuluyan, natulak ko papalayo si Krys mula sa akin. I’m vomiting a weirdly-colored substance that’s floating just around us. It was such as disgusting sight but I can’t care any more about my not-so-picturesque view when I’m still vomiting.
And still vomiting.
“It doesn’t stop!” I screamed through mind voice. I saw how Krys looked horrified when I released another ton of the rainbow-like substance from my mouth. I can’t feel my lips anymore. Manhid na ito sa sobrang pagtama ng sinusuka ko rito. Pakiramdam ko pa ay nasusugatan ako sa mga iyon kahit hindi ko alam kung maaari ba ng sinasabi ko.
“Kov, close your mouth!” Krys shouted back, still through our own way of talking. Muntik ko na siyang lingunin at tamaan ng suka sa irita. I focused my vomit away from her first before answering.
“Wow, Krys! Hindi ko naisip ‘yan!” sarkastikong sagot ko sa kanya. Natahimik siya nang napagtanto kung gaano katanga ang sagot niya.
Of course I tried closing my mouth! That’s how I felt all the little cuts from the substance. My eyes almost bulged out of my head when I saw what's happening to Krys.
I’m here continuously vomiting and now, my only ally is turning to a slime-like texture.
“What the hell is happening now?!” I said to her. Mukhang hindi niya napapansin ang unti-unti niyang pagbabago. Hindi ko rin naman siya napansin noong nagbabago siya pero ngayong parang nag-iilaw pa siya sa kulay niya ay napansin ko na ang pagbabago sa katawan niya.
“Ew! Ew! Yuck, ew!” I heard her scream again. This time, using her real voice. Gone with the squeaky voice earlier. Tinignan ko siya at pati ako ay halos mandiri na sa kanya.
Kulay green siya na parang slime. Buong katawan niya ang ganoong porma, ‘di tulad kanina na puro siya geometric shapes tulad ko. Nagsusuka pa rin ako pero mas masaklap yata ang dinanas ni Krys dahil unti-unti siyang kumakalat.
Para siyang tubig na nakawala sa lalagyan. Ang pinagkaiba lang, mas mabagal ang pagkalat niya. She’s slowly increasing in size but decreasing in terms of thickness. Ang matingkad na kulay green sa buong balat niya ay mas lalong nagliliwanag kada sandaling lumilipas.
“Krys!” I shouted. “Nakakagalaw ka ba?” I asked, still using the mind voice. Hindi ko masubukan kung bumalik na rin ba sa dati ang boses ko dahil patuloy pa rin ang pagsusuka ko. Hinahayaan ko na lang ito at nagpopokus kay Krys na mas kumakalat pa. It's like I'm used to vomiting all day and this is just normal.
“I can’t feel my body!” she shouted. I wanted to close my eyes to avoid the sight of her pero nanliit lang ang tingin ko sa kanya nang mas lalo pa siyang lumapad. What to do? What to do!
“Can you think of any plan?” I used my mind voice. “Use your mind voice, please.”
“Ang nararamdaman ko lang ay ang pagkalat ko pero hindi ko alam kung aling parte ang alin,” paliwanag ni Krys. “Hindi ko alam kung paano ko gagalawin ang katawan ko.”
There's no hope for her anymore. Pati ba utak niya nasasama sa pagkalat?
Ugh, do I have to think of a plan? I don't know how to plan! Sugod lang ako ng sugod at para sa akin, hindi kailangan ng plano sa pagsapak. What's the use of plan when your enemy already bombed you or punched you? You don't think in the middle of a battle!
Or at least I don't! I mean, I know how stupid I can get. I suddenly wanted to slap my face, just this once. Sobrang walang kwenta ng isip mo, Kov! Display ba 'yan d'yan?
“To think of a plan, we have to know about our environment,” I said, remembering a lesson I attended before. “Right?” I asked Krys. I’m very unsure of my statement because I’m not the type to plan.
“I’m surprised you know that!” she exclaimed. I rolled my eyes. “Yes, Kov. Nasaan nga ba tayo?” she added.
“Kaya mo bang lumingon?” pagtatanong ko. “Hindi ko magalaw ang direksyon ng ulo ko dahil sasama ang direksyon ng paglabas ng suka.” Napapikit ako nang nakaramdam na naman muli ng maliliit na hiwa sa labi ko nang bahagya kong naliitan ang pagka-nganga.
“Actually, mas malawak ang nakikita ko ngayon kaysa kanina,” ani Krys. “Maybe because my eyes are meters away from each other?” she joked. My lips quivered with her joke but I only ended up getting another batch of small cuts, now even in my tongue.
“Krys,” I called after a few moments of silence. “One thing to remember, we’re floating.”
“And?” she asked.
“And if we’re floating… there’s no gravity around, right?” I added.
“Oo…” sagot niya. “At paano nga nawalan ng gravity kanina?” tanong ko sa kanya. Wala akong narinig na sagot sa kanya.
“Naglalakad ako, tapos nahulog ako,” sabi ko. “Then, I bounced like a ball.”
“I’m not seeing your point, Kov,” she said. Neither do I pero umaasa akong makakagawa siya ng theory o makakaisip ng ano mang solusyon sa nangyayari sa amin sa naobserbahan ko. I'm stating everything I know to help her think.
“May gravity nung una. Then I bounced off, then I imagined you going away from me because of your weird voice. And then, lumayo ka nga!” I said, hoping she picks up an idea or two.
“Naaalala kong may gravity nga noong una. Tapos bigla akong lumutang at nagkakalayo tayo. Then, naging kakaibang mga hugis ang katawan natin. Then you vomited, and I turned to a slime,” she stated. “Now, what’s the connection between them?” Krys asked through her own voice.
“Krys?” tawag ko sa kanya. Hindi siya sumagot kaya’t pilit kong ginigilid ang paningin ko para makita siya sa peripheral vision ko. Nakatulala siya at magkalayo na ang dalawang mata niya. Hindi ko alam kung saan ko siya dapat tignan.
“Krys!” sigaw ko sa mind voice. Nilakasan ko ang pagsikaw kong iyon kahit pa sa mind voice lang. Hindi ko inaasahang makikita ko ang sarili kong nilalabas na sound waves kaya’t nagulat ako nang tumama ang mga ito sa sinusuka ko.
Itinakip ko ang dalawang braso ko sa mga mata ko para maprotektahan ito nang tumalsik ang suka ko pagtapos tamaan ng sound waves. The last thing I saw was my sound waves materializing and hitting my vomit.
It’s very unusual. Kapag nakakakita ako ng sound waves ay either lulusot sila sa nakaharang o matitigil na sila roon. Hindi pa ako nakakakita ng sound waves na nakakapag-interact physically with matter.
It’s not even a matter. It’s not even a gas and yet, its slight touch with my unknown rainbow-like vomit caused sparks all over. Nagtatalsikan sa akin ang mga maliliit na siklab papunta sa akin. It stung some parts of my body.
Pwersahan kong sinara ang bibig ko. Hindi ko iyon tuluyang masara dahil sa lakas ng paglabas ng suka ko ngunit pinilit ko pa rin. Kahit pa may parang maliliit na bagay na tumatama sa labi ko ay hindi ko tinigilan.
Ginamit ko ang lahat ng natitirang lakas ko para isara ang bibig ko. I can’t believe how energy-consuming this task is. Dati ay napakasimple nitong gawin ngunit ngayon, para na akong nag-training ng isang buong araw sa paglabas ng pwersa pansara lang ng bibig ko.
Habang nagsisikap akong maisara ang bibig ko ay biglang lumiwanag ang paligid. No, it’s not light. It’s Krys!
Pumorma siya ng isang maliit na bilog at kinulong ako at ang suka ko. Malawak iyon at sinama niya ang kanina ko pang naisuka.
The rainbow-like substance is mixing because of Krys' attempt to put them in one place. Kung kanina ay mukha pa itong rainbow dahil iba-iba ang kulay, ngayon ay para na itong kulay brown na lang dahil sa paghahalo.
Nang sa wakas ay nasara niya na hanggang baba at nakonekta niya na ang bawat parte, unti-unting parang lumalapit sa akin ang paligid.
“Nililiitan ko ang sarili ko,” sabi ni Krys gamit ang mind voice.
“Hindi ka ba nasasaktan?” tanong ko sa kanya.
“Tulad ng sabi ko kanina, wala akong nararamdaman,” sagot naman niya. “Isa pa, kailangang may gawin tayo. Hindi pwedeng buong buhay natin sumusuka ka, at ako, kumakalat lang sa paligid.”
“Sa tingin mo gagana ‘to?” tanong ko ng may bahid ng kaba sa boses. Hindi ko maikakailang nakakakaba ang gagawin namin dahil hindi namin alam kung ano ang pwedeng mangyari kung sakaling pumalya ‘to.
“Well,” sabi niya at tumikhim. “Wala akong statistics pero meron akong plano?” sabi niya at awkward na tumawa. Kahit pa ganun, nginitian ko na lang din siya. Wala naman kaming pagpipilian. Either may gawin o wala.
And our training ground in Kinaiya didn’t raise us to choose the latter.
“Here goes nothing,” I whispered.
Just as Krys tighten the sphere shape, I’m pushing my mouth close with the help of my hands. Sobrang desperada ko na ngayon na tinutulak ko ang tuktok ng ulo ko at baba ko para maisara ang bibig kong patuloy sa pagsuka.
The small cuts didn’t let my attempt pass. Mas masakit at malalim ang nararamdaman kong sugat na dulot ng mga ito, lalo pa’t mas malaki ang improvement ko sa pagsara ng bibig kaysa kanina.
Paliit na ng paliit si Krys. Mas nagliliwanag siya dahil natitipon ang parte niya sa maliit na espasyo. Sobrang liwanag no’n na hindi ko kayang titigan ang isang bahagi man lang niya. All my vomits are gathering near me closely. Gusto ko mang mandiri sa pakiramdam nito ngunit mas inintindi ko na lang ang ginagawa ko.
“Kaya pa, Krys?” sigaw ko sa mind voice. “Kaya pa! Ikaw?” tanong niya pabalik, gamit din ang mind voice.
Kaya pa…
Napapikit ako at mas pinilit na magsara ang bibig ko. Out of desperation, exhaustion, and the lack of better plan, I used my tongue to block my vomit.
“Urgh,” I growled. Ang matinding bigat ng suka at ang malakas na tulak nito mula sa loob ko ay sa dila ko ngayon tumatama. Its small sharp parts are now shredding my tongue. Of course, it’s now numb because of the overwhelming feelings I am experiencing. Napapikit ako sa sakit at sa bahagyang pagkasilaw kay Krys.
“At least there’s no pain,” I said at the back of my mind. “There’s pain, Kov. Wake up! I can’t see you anymore! H’wag kang mawawala ngayon, Kovie! Subukan mo talaga! Sasampalin kita isang daang beses! Wake up Kovie Royle Madriaga!” Krys shouted using mind voice.
I didn’t realize I was using mind voice. Narinig pa pala niya ‘yon.
Sa wakas, natikom ko na ang bibig ko. May mga nakakalusot pa ring mga suka ngunit hindi tulad kanina na halos bumaha na ay kaunti na lang ang mga ito. As per my tongue, I don’t know.
Slowly, I felt Krys’ new body form wrap around me. Hindi pa ako dumidilat sa pagod, pati na rin sa tsansang mabulag sa lapit ni Krys sa akin. I waited until she got off me completely.
“Okay na. Nakaalis na ko sa’yo,” sabi niya gamit ang normal na boses. Tumango ako ngunit hindi pa rin ako dumidilat. “Kov…” tawag niya sa akin.
Unti-unti ay binuksan ko ang mga mat ako. Nahihirapan akong mag-adjust sa kaninang sobrang liwanag na berdeng kulay na ngayon sa madilim at mangilan-ngilang linya ng liwanag na dumadaan. Para akong nakatingin sa langit at may mga shooting stars ngayon.
“Krys, look up,” I said using mind voice. Inunan ko ang dalawang braso ko at pupungay-pungay na pinanood ang langit. I don't know why but seeing the shooting stars made me smile.
Kita ko sa peripheral vision ang paggalaw ni Krys. She’s still green and glowing. And slimey. Ew.
“Krys?” tanong kong muli nang hindi siya sumagot. Napabangon ako bigla nang na-realize na kanina pa siya hindi nagpaparamdam o nagsasalita. Agad kong pinuntahan ang kulay green na slime na ‘di tulad kanina ay hindi na gumagalaw.
“Krys? Krys!” I called, still using mind voice. Wala akong marinig na response kahit pa sa mismong boses niya.
Nataranta ako at sinubukang galawin ang slime. Para na itong patay ngayon at normal na malagkit na bagay na lang. Sinubukan kong maghukay para mahanap si Krys.
“Krys! Nasaan ka?!” sigaw ko. Alam kong hindi niya ako maririnig kapag boses ko lang ang gamit ko kaya’t pinanatili kong sa mind voice ang pagtawag ko sa kanya.
Patuloy ako sa paghuhukay at pag-alis ng bahagi ng slime. I’m hoping to find her body in the slime. Hindi ko ininda ang pagod ko at nagpatuloy sa paghuhukay. It took me about thirty minutes until my own body gave up on me.
Bumagsak ako sa slime. Unti-unti ay lumulubog ako rito at parang nilalamon nito ngunit wala na akong energy para isalba ang sarili ko. Isa pa, hindi ko alam kung may will pa ba kong isalba ang sarili ko kung hindi ko naman nahanap si Krys.
Stupid Kovie. Your only friend is now gone. Tinulungan ka niya tapos ganito ka lang? You’re not even looking for her anymore!
Patuloy ako sa pagle-lecture sa sarili ko sa isip ko. I’m that tired that I can’t even hit myself for punishment. Dumikit na rin yata ang magkabila kong braso sa slime dahil hindi na ako makagalaw. Pumikit ako at hinayaan ang sariling kainin ng slime.
For the last time, I called for her.
“Krys?”
And still no answer. That was my last straw. I’m sorr--
“Kov? Kovie!”
Nagulat ako nang nakarinig ng isang mind voice rin. Hindi ito galling kay Krys pero…
“Accel?!” I replied using the same method. “Nasaan ka, Kov? Kasama ko si Adi at Tobi.”
Pilit kong dinilat ang mat ako para makita ang paligid ngunit naalala ko biglang nasa loob na ako ng slime. Sinubukan kong huminga para makaahon ngunit ngayon ko lang napansin na hindi ako makahinga.
“I can’t breathe!” I said while panicking. I wiggled my whole body and I think I just made it worse. Dahil sa paggalaw ko ay mas nalubog ako sa slime at mas sumikip ang pagkakadikit nila sa akin, completely blocking my nose.
“Help! Accel! Adi! Tobi! Hanapin niyo si Krys! We’re at some kind of forest with a green slime. We’re both in it but please find Krys first! Kaya ko pa ang sarili ko pero si Krys, kanina pa siya sa slime! Baka hindi na siya humihinga! Please, pakibilisan!”
My pleas were heard when Accel replied, “Kita ko ang sinasabi mong slime! We’re on our way, Kov! Ililigtas namin kayo ni Krys! Pangako!”
“Thank you,” I replied. Ngumiti ako sa loob ko at kahit papaano, gumaang ang pakiramdam ko. Kahit pa alam kong isa sa pangako lang nila ang posibleng matupad ngayon.
“Save Krys, Accel.”
That was my last whisper.