Alt 13: Warped and Left

1970 Words
We've been looking for the wrong Elana all along. Hindi ito tao kaya hindi namin ito mahanap kahit pa sa database na mismo ng buong compound. Isa itong robot. At ang robot na ito ay nasa harap ko ngayon.  "Alam mo ba kung nasaan ang creator mo?" tanong pa ni Krys. Nahigit ko ang hininga ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay hindi ko kayang marinig ang sagot niya. "I don't know about my creator's location. All I have is the last file sent to my system by him using a specific code of morse." The morse code. It's now adding up. Para akong nakakuha ng jackpot ngayon sa isang sugal.  "Pero hindi ba dapat binary code ang gamit sa system mo? How come he used morse code?" Krys' last question sounded more for herself than for the robot Elana. Kahit pa ganoon ay sumagot pa rin ito. "Morse code is much easier and unknown. It's easier because it uses less storage in my central processing unit which is smaller than any other units. It is designed like that to fit the storage here," sabi nito at tinuro ang banda kung saan nasaan ang puso ng tao.  "He used morse code as his medium because he installed a software for me to use to convert his code to binary. This also helped with my security. All trials before me used binary code only and when he used morse code at my system, he saw all the possibilities it can bring. Thus, here I am. Elana 51. The last of my kind." Kaya ba morse code ang ginamit ni kuya sa pakikipagkomunika sa amin? Dahil ito rin ang gamit niya sa gawa niya? Para ba iyon makatulong sa amin? Para ba mabigyan kami ng idea na ang morse code ay konektado kay E-51, Elana 51? I'm still confused but I know that at the back of my mind, I trust my brother and I don't need to understand every Science that comes in my way to know that all he do is intended to do good. That's what makes him honorable for me. "Krys," tawag ko rito. Nilingon niya ako at tumango lang. Sa simpleng tango niya ay mas napanatag ako. Mas umayos ang loob ko sa kumpirmasyon ng isa pang dalubhasa sa field ni kuya. "Though I don't get the whole process, I get the gist of it. And I trust your brother," she said. I gave her a little smile before finally finding my peace again. The adamant anger in me before is now melted, just with my trust on my brother. "Matutulungan mo ba kaming mahanap si Aiden?" tanong ni Adi. Nilingon siya nito bago mabagal na umiling.  "I can't. He disappeared from my radar. In this very place."  Nagkatinginan kaming dalawa. Dito mismo? Sa lugar nina Adi? Sa bahay na 'to? "Anong ibig mong sabihin?" Was all I could ask. Hindi ko makuha kung bakit dito sa bahay nina Adi iyon naganap. May kinalaman ba si Adi? O ang tatay niya? Is it the cunning general whom I ate dinner with earlier? Or maybe the both of them? "He did not show any sign of restraint. I do not recognize his presence here as a forced act. He went here with his own will and I did not detect any change in his heart beat when he entered the small room with me." "Basically, hindi raw napilitan si Aiden na pumunta rito," pagpapaliwanag ni Krys. Tumango ako at muling tinignan si Adi. Hindi pa ako nagsasalita ay kusa na siyang umiling sa akin. "Wala akong alam diyan. Ni hindi ko alam na napadpad dito si Aiden bago siya nawala," sabi nito.  "He do not know anything. His father, on the other hand, knows everything. General Rosario, along with two other unidentified company, came with Aiden in here and talked to him. My creator, Aiden Sovet Madriaga, purposely muted my hearing so I do not have any knowledge about what they talked about. When they finished with their conversation, the three men left and he remained. The door isn't closed but when a blinding light suddenly crept to my system, he vanished. I could not find him in my tracker and radar. I have been stuck here since that day." "What blinding light?" I immediately asked. What if that light is the key to find my brother?  "I am not sure. It nearly destroyed my sight feature because of the intensity and length of the light. I do not have any more info about this phenomenon," she stated. Napahilamos ako sa mukha. Dead end again. "Krys, ano na nga pala nangyari sa pagpunta natin kay Doktora Kovie?" biglang tanong ni Tobi. Natigilan ako at naalala ang unang pakay namin dito. Dahil sa mga nakita at natuklasan ay nakalimutan ko na ang pinunta namin sa lungga ni Adi. "Oo nga pala," ani Krys at minanipula niya ang tablet pagkatapos ay may ipinakita sa amin.  "It's red. Meaning we're near the wormhole that Doktora Kovie told us about," she explained. Tumango ako at hinayaan siyang maglibot sa paligid. Pati ako ay nagmasid na rin para mahanap ang sinasabi niyang butas.  "Sabi naman niya ay around 8:48 PM ang pagpapakita noong wormhole. We have two complete minutes until it closes and in that time we need to all be in it," sabi ni Krys habang nagkakalkal. Pati ang maliliit na kahoy sa gilid ay kinakatok niya at inaangat pa para makita ang ilalim. Hindi ko alam ang eksaktong detalye tungkol sa kung saan, kailan, at gaano katagal ang wormhole. Nabanggit lang sa amin na isa itong butas na puro itim lang ang makikita namin at wala nang iba pa. Sabi rin ni Doktora Kovie ay madalas na cylinder shaped ito kung titignan at sa sahig madalas magpakita ngunit lumalabas din ito minsan sa mga pader. Kung malas ka, pwede ring sa ceiling ito at ikaw ang gagawa ng paraan para makalapit dito. "Kry—" I got cut off when a blinding light suddenly took over my vision. My instinct kicked in and I immediately shut my eyes close. After a few moments, I opened my eyes again. I'm still adjusting from the brightness earlier. Medyo magulo ang paningin ko at parang may kakaiba akong mga nakikita na alam kong hindi totoo. Mga bilog na kung anu-ano tulad na lang kapag kinusot mo ang mata mo ng sobrang diin. "Kov..." mahinang tawag ni Krys. Agad ko siyang hinanap at tinakbo ang distansya ko sa kanya. Tinignan ko agad ang mata niya kung napano na. Malabo ang mata ni Krys at madalas ay gumagamit siya ng salamin kaya alam kong mas malaki ang epekto sa kanya ng liwanag kanina kaysa sa mata ko. "Okay ka lang ba? Nakakakita ka pa? Bulag ka na ba?" tarantang tanong ko. Sinimangutan niya ako sa huli kong tanong. "Yung salamin ko," sabi niya. "Nawawala. Pakihanap naman." Tumango ako ngunit nang naalalang hindi niya pala ako makita ng maayos ay um-oo na lang ako bago lumayo sa kanya. Hindi pa ako nakalalayo at isang hakbang pa lang ang nagagawa ay natigilan agad ako. Ang malutong na tunog ng natapakan ko ay hindi nakalampas sa pandinig ni Krys. "Kov..." mahinang sabi niya. "Don't tell me..." I gulped and slowly checked what's under my foot. My breathing hitched as I saw Krys' glasses on the floor. And I'm currently standing above one of its frame side. Napatalon ako papalayo at agad na pinulot iyon. Pinagpagan ko ang natapakang parte at tinignan ang sira. Okay lang, wala naman akong makitang sira. For sure, hindi niya na 'to mapapansin na natapakan, right? "Kov? Anong nangyari? Salamin ko ba ang natapakan mo?" tawag niya sa akin. Nagulat ako roon pero hinipan ko pa ng isang beses ang salamin bago muling lumapit sa kanya. "Ito na salamin mo. Walang sira," sabi ko. "Pero natapakan mo?" pagtatanong niya. Sinuot niya ang salamin matapos itong punasan gamit ang damit niya. "Nasaan nga pala tayo?" pag-iiba ko ng usapan. Pagkasuot ng salamin ay napatinign na rin siya sa paligid. Akala ko kanina ay dahil sa sobrang pagkasilaw sa liwanag ang dahilan kung bakit parang may nakikita akong light streaks. Akala ko ay imagination ko lang o kung ano. "What is this?" Krys gasped as she looked around us. The white lights are continously moving to a fixed direction. All were lines and streaks, not like the glimpse of stars we see on a normal night sky. "Everything's black and white." Amazement is evident in my voice as I continue admiring the surrounding. But when I looked back at at Krys who's now warping around like a ball, it felt as if I'm experiencing it too. "Krys, tignan mo ang sarili mo," sabi ko sa kanya. Nilingon niya ako ngunit natigilan din agad. "No Kov, look at yourself," Krys said. I stilled before looking at my body.  It's now in a very weird shape like Krys'. It's like we're copying some strange shape and we're warping to its silhouette. I looked at Krys again to see her in the same state at me. "Nasaan ang iba?" biglang tanong niya. Natigilan ako nang napansing kami lang dalawa ang nandito. Mabilis akong luminga at naghanap ng ibang kasama namin ngunit sa dilim ng paligid ay halos imposible nang makita ang mas malayo pa sa pwesto ni Krys. "Wala na akong makita. Maglakad-lakad kaya tayo?" tanong ko sa kanya. Tumango siya at pagkahakbang na pagkahakbang ko pa lang ay naramdaman kong tumalbog ako. Para akong bolang bumagsak sa isang matigas na sahig at tumalsik ng pagkataas-taas. But unlike a ball, I did not bounce back. I am floating, flying, whatever term you could say.  "Kovie! Oh my gosh! What the hell is happening to us?!" Krys' shrieked echoed. I almost wanted to kick her just to get away from her annoying voice. And so I did. For some reason, pakiramdam ko ay naging totoo ang iniisip ko. Na lumayo kay Krys. Sa bawat segundong lumilipas ay palayo ako ng palayo sa kanya, o pwede ring palayo siya ng palayo sa akin. Either way, we're parting our ways and I know it's not good. "Krys, kumapit ka sa paa ko!" sigaw ko sa kanya. Nawindang siya, pati na ako, sa napakalakas na sigaw ko. Para akong sumigaw at gumamit ng mic na may napakaraming speaker na nakakabit sa sobrang lakas. I signalled her to grab my foot and she did. "We're drifting," she said with that squeaky and banshee-like voice. My face squirmed because of the annoying sound but I kept my calm and tried to ask her to do something in a low voice. "Krys, hilahin mo ako papunta sa'yo," bulong ko. Gumana ang plano kong maging mahina iyon, or at least mas mahina sa kanina. Even with my tiniest whisper, it's like a mic is sticked under my mouth. It was loud enough that Krys still understood what I just said. Hinila niya ako at ako naman ay sinusubukang pagaanin ang sarili ko as much as possible. The weird shapes of my body is a hindrance for me to just bend over and grab her by her hand. I'm like a square with some triangles at the side and a little bit of hexagon for design.  What the hell is happening? "Aray!" sigaw ni Krys at napabitaw sa paa ko. Gusto ko siyang tignan ngunit sa lobo ng katawan ko ay hindi ko na makita ang nasa baba ko. "Naging triangle paa mo, nahiwa ako!" sigaw ni Krys at nanlaki ang mata ko. "Wala ka bang naiisip na paraan kung paano 'to matitigil?" sigaw ko. Nakalimutan ko pang hinaan ang boses ko kaya't pati ako ay napatakip sa tenga sa sigaw kong naging hundred times more loud than my normal shout. "I'm officially deaf!" Halos mabasag na ang pagkatao ko sa sobrang tinis at taas ng boses niya. Para iyong humihiwa physically sa sobrang tinis.  We can't use our voice because it gets weird. Our bodies are changing in such weird shapes. We're floating and we can't do anything about it. If we can't use our voice... "Krys, does your mind voice work?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD