"Hindi ko na papahabain pa dahil ilang minuto lang ang kaya ng storage nito. Isang beses niyo lang itong mapapanood dahil naka-auto delete ang program nito. At oo, alam kong marami kayong nakahanap. Salamat, Covet. Alam kong isa ka sa kanila."
Narinig ko ang eksahederang hikbi ni Krys sa gilid ko. Hindi ko na sana siya pagtutuunan ng pansin kaso naasar ako sa ingay niya na halos hindi ko na marinig ang sinasabi ni kuya. Bahagya ko siyang kinurot para tumahan.
"Hinaan mo naman, sabi ko kay Krys. "Ako ang kapatid na naiwan," dagdag ko pa at halos irapan ko na siya nang sinamaan ako ng tingin. Hininaan niya ang hikbi niya at lumayo na sa pwesto ko.
"Unang una, ingatan mo ang insignia natin. Ang insignia ng mga Madriaga. You know what and where it is. Do not lend it to anybody. Kailangan mo 'yan. Pangalawa, h'wag kang magtitiwala basta-basta. Kahit sa mga kasama mo ngayon," mahabang sabi ni kuya. Mula sa kaninang ekspresyon niya na nakangiti habang bumabati ay biglang naging seryoso. Hindi ko alam kung bakit ngunit para bang kasabay nito ay bigla ring bumigat ang atmosphere rito sa kwarto. Na kahit hindi ko na tignan ay para bang ang lahat ay nagbago ang mood.
Siguro dahil sa sinabi ni kuya. Na huwag akong magtitiwala basta-basta kahit pa sa mga kasama ko ngayon.
"Pinaalis ako. Kahit nag-iwan ako ng sulat para sayo para ipaalam na hindi ako pinwersa, hindi ako pinilit na umalis, pinaalis nila ako. Huwag mong sisihin ang mga lieutenant. Hindi sila ang may kasalanan at hindi sila ang nagpaalis sa akin. Sa lahat ng tao sa paligid mo, sila ang masasabi kong pagkatiwalaan mo."
Kumunot ang noo ko sa sinasabi niya. Ang gulo. Akala ko ba huwag magtitiwala? Bakit sinasabi niya naman ngayong magtiwala ako sa mga lieutenant?
"Ang mga nasa taas, Kovie, sa kanila ka magalit," sabi ni Kuya Aiden. "Huwag kang magpapaalipin sa bulok na sistemang tinataguyod nila. Huwag mo akong tularan na naging tanga at bulag sa kanila ng ilang taon. Huwag kang maging duwag sa harap nila tulad ko."
Tumingala siya at humingang malalim. Nagtagal iyon ng ilang segundo bago siya nagpatuloy sa pagsasalita.
"Sa sobrang pagkaduwag ko, nakuha nila ang mga imbensyon ko. They took everything I made from scratch and used it against my will. Or do I even have a will? Huh," Aiden laughed as if he's a mad man. It looked scary and yet I can only hear the sadness behind his echoing laugher.
"Marami na akong nagawa. Mas marami pa sa naiisip niyo, mas advanced pa sa kahit anong teknolohiya, kahit sa dating estado ng mundo natin. Mas malawak pa ang nakamit ko kaysa kina mama at papa, akalain mo 'yon?"
I mentally nodded. Yes, kuya, I know. I know you've made it far. Mas malayo pa kina mama at papa. And I'm proud of you because of that. If only I can tell you this now.
Lumungkot ang boses niya nang nabanggit niya ang mga imbensyon niya at sina mama at papa. While he's silent, questions crashed in my mind as if they're waves of uncertainity bombing my thoughts.
Bakit ako huwag magpapaalipin? Kanino? Isa pa, kahit hindi niya sabihin ay hindi naman talaga ako magpapaalipin. Sinong nasa tamang pag-iisip ang magpapaalipin?
Bakit hindi ko siya dapat tularan? Ano ba ang nagawa niya? May atraso ba siya sa mga nakatataas? Pero ang sabi niya ay ninakaw ng mga ito ang imbensyon niya. Ang dami kong gustong itanong kay kuya. Pero ni isa ay wala akong maitanong dahil wala naman dito ang dapat na magbigay ng sagot. Wala ang dapat kong tanungan dahil wala rito si kuya. Umalis. Pinaalis.
"May natuklasan ako, Royle. Marami. Na hindi dapat." Natigilan siya sa sariling sinasabi.
"Mali pala," sabi niya at natawa. "May mga natuklasan ako na hindi nila gustong malaman ko. Actually, hindi nila gustong malaman ng kahit sino sa loob ng compound. Wala silang balak na ipaalam ang mga 'to. They don't want to disclose the fact that there are more humans than we've imagined. There are more civilization happening around us and we're oblivious because they are blocking us from knowing so. May iba pang tao sa mundo natin. Marami sila, Kov." His eyes are like screaming to me to believe if. It's as if he's expecting people not to believe him but to me, his eyes are pleading to be trusted.
Ibig bang sabihin nito may iba na siyang sinabihan na hindi nagtiwala sa kanya? Na hindi siya pinaniwalaan? Maaaring pinag-isipan siyang baliw dahil sa mga ideya niya. Lalo pa't sa mga tinuturo sa amin, sunod sa imposible ang sinasabi niya. Pero dahil kapatid ko siya, naniniwala ako sa kanya. I won't fail to see the plea in his eyes when everyone else are ignoring it.
"Hindi lang tayo ang nakaligtas sa nangyaring apocalypse dati. Marami pa silang nasa labas at namumuhay ng maayos. There are socities that are even better than us. Mas advance na ang teknolohiya nila at mas maayos ang pamamalakad. Nakabalik na sila sa dating ayos ng pamumuhay, kung hindi ay higt pa. Hindi tulad ng compound natin, pinipigilan ng nasa taas ang pag-unlad. They're the hindrance between us and success." His facial expression hardened as he explained more about the government's secrets.
My emotions are now building up. Mixed anger, frustration, confusion, and other negative emotions are brewing in me and I'm not sure if I can take it when it blows up. It grew in me more and more as I listened to his declaration of the higher ups' greediness.
"Kinokontrol nila tayo na hindi makaahon sa kahirapan natin, sa kahinaan natin. Bakit? Para hindi natin sila suwayin, para hindi sila mawala sa pwesto nila sa taas ng mamamayan at ng compound. Para hindi sila mawalan ng kapangyarihan. At para hindi mawala sa kanila ang kakayahang manipulahin tayo na sundin at gawin ang lahat ng gusto nila." Galit ang nangingibabaw sa boses ni kuya habang sinasabi ito. At tulad niya, halos wala na akong ibang maisip kung hindi galit. Galit sa nakatataas namin, galit sa lahat ng nang-aabuso.
Napapikit siya at napahawak sa sintido. Tinignan ko siya ng may awa sa mata. Ang payat niya sa kuha niyang iyan. Kailan pa kaya 'to? Nauna ba ito sa video niya na napanood namin noong nakaraan? Wala ba siyang bantay dito kaya mas malaya ang pagsasalita niya? Nasaan ka na, kuya? Pinigilan ko ang pagdaloy ng lungkot sa akin at inalala ang mga sinasabi niya.
"Mag-iingat ka, Kovie Royle." Kanina ko pa napapansin ang paggamit niya sa pangalawang pangalan ko. Kahit pa sanay naman ako na siya ang tumatawag sa akin sa ganoong pangalan, hindi ako sanay ngayon na sobrang dalas niya iyong bigkasin.
"Baka ikaw na ang isunod nila. Ayaw nila sa pamilya natin, sa mga Madriaga. Hindi man nila ipinapakita ng harapan, maraming may ayaw sa atin na nasa taas. Lalo na sa mga sakim at kurakot. Alam nilang malaki ang respeto sa atin ng mga tao dito dahil sa ginawa nila mama at papa noon para sa lugar natin.
"Sila ang nagtayo ng compound na ito. Sila ang nag-ayos para mabuhay ang lahat ng nandito. Masyado tayong mahal ng mga tao, ng tao nila, na hindi nila tayo makanti. Or at least ng harap-harapan. Diyan sa palapag na tinitirhan natin, ayan lang ang tanging binigay nila sa atin. Ang bahay sana natin sa Silangan, inagaw din nila." Napalunok ako upang tanggalin ang nararamdamang bara sa lalamunan. Halos hindi na ako humihinga habang nakikinig sa sinasabi ni kuya.
Pakiramdam ko ay ang malaking pitak ng bato sa loob ko ay unti-unting bumabara sa lalamunan ko at ang bato na iyon ay balot ang galit na nadarama ko.
"Naalala mo pa ba? Na sinabi sa ating maging mapagbigay dahil dalawa lang tayo at malaki masyado ang bahay na 'yon para sa atin. Ang bahay na tinayo ng magulang natin, ang sakripisyo nila, ang dugo at pawis nila sa pagtatrabaho para lang mapagawa ang bahay na iyon. Para bigyan tayo ng maayos na buhay. Para hindi tayo makaranas ng kahirapan. Pero ngayon, tignan mo. Binigyan tayo ng lumang palapag para makabawi kuno sa bahay natin na binigay lang nila sa isa pang may posisyon at kapangyarihan." Bakas ang galit sa boses ni kuya habang sinasabi ang mga 'yon. Pati ako, nanggagalaiti.
Mga hayop sila. Walang mga utang na loob sa magulang ko. Kahit pa hindi ko naabutan at nakita mismo ang mga ginawa nila mama at papa para sa lugar namin ay sapat na ang kaalaman ko base sa mga narinig at naituro pa sa training ground. Kung tutuusin, walang compound na ito kung wala ang magulang ko. At kung wala ang compound na ito ay wala ni isa sa amin ang buhay.
"Hanapin mo ako, Royle. Hindi ko alam kung nasaan ako, hindi ko alam kung kailan..." nabitin si kuya sa pagsasalita at napatingin sa paligid. Nagulat naman ako sa huling sinabi niya. Kung kailan ano?
Umalis siya at hindi kita sa camera kung saan siya nagtungo ngunit may pakiramdam akong may tinataguan siya base sa ekspresyon niya. Maaaring ang mga iyon ay ang nakaraang may hawak sa kanya. O pwede ring na-video ito bago pa siya makuha ng mga taong 'yon.
Ilang segundo pa ang itinagal ng pagkawala ni kuya sa kuha nang bumalik siya na para bang nagmamadali. Hindi siya mapakali at mabilis na rin ang pagsasalita niya.
"Tandaan mo, Kovie. Madriaga. Insignia. Royle."
Doon na natapos ang video at nakangiti pa siya sa huling bahagi noon. Bumagsak ang balikat ko nang naisip na tapos na ang video at wala nang ibang clue na makapagtuturo sa amin kung nasaan si kuya.
Walang nagsalita sa amin matapos ang napanood. Gulat kaming lahat sa nakita, hindi namin inasahan ang video na iyon dahil una ay hindi naman namin inasahan ang robot sa harap namin ngayon. Wala kaming masabi. Hindi namin alam ang sasabihin, o kung may masasabi pa ba kami. Kahit si Krys ay walang ginawa kundi tumulala.
Bumalik na sa kaninang pwesto ang robot. Umikot ito at ibinalik ang ulo sa tamang pwesto at muling naupo. Nang ngumiti ito sa akin ng malawak ay hindi ko na kinaya. Sa sobrang galit ko ay sasapakin ko na sana ang wala nang kwentang robot dahil tulad ng sabi ni kuya kanina, awtomatiko nitong aalisin ang laman. Wala na itong kwenta.
"Kovie!" sigaw ni Krys nang nakita ang gagawin ko sana ngunit natigil din siya nang nakita ang robot mismo na depensahan ang sarili nito. Mabilis nitong inangat ang kamay at ihinarang sa suntok ko. Tumama ang kamao ko sa braso nito na hula ko ay bakal base sa tigas nito.
Mabilis na dumaloy ang dugo mula sa kamao ko ngunit hindi ko iyon ininda at para bang namanhid na ako sa lahat. Sa galit. Sa sakit. Sa panghihinayang. At sa kalungkutan.
Hahawak sana si Krys sa kamay ko ngunit iniwas ko iyon sa kanya. Iniwan ko silang lahat do'n at napaupo sa isang sulok. Tinukod ko ang kamay ko sa tuhod at pinatong ang ulo ko. Pilit kong kinakalma ang sarili ko sa nagbabagang mga emosyon sa loob ko.
Matagal ko nang napapansin ang kakaibang trato sa akin ng mga nakatataas. Para bang may pribilehiyo ako na may kaunting pagpapahirap. It was like a rainbow with small thunderstorms in it. Umabot iyon sa sinasadya ko na ang pagiging pasaway sa klase para makita kung hanggang saan nila ako pagtitiisan. Maaring hindi ako singtalino ni kuya ngunit matalas naman ang pakiramdam ko. At masasabi ko ngayon na tama nga ang hinala ko.
Kaya pala hindi sila nagreklamo nung sinabi kong ayaw ko ng ibang makakasama ko sa palapag ng dorm noon maliban kay kuya. Kaya pala kahit ilang beses na akong nahuling tumatakas sa klase ay hindi ako napapatawag sa guidance o si kuya at binibigyan lang ng parusa ng iilang trainor. Kaya pala kahit na lumabas ako ng training ground kahit hindi mataas ang ranggo ko ay nakakalabas ako ano mang oras. Akalain mong may kakaibang plano pala ang mga ito sa akin, sa amin.
Sabi ni kuya, Hanapin ko siya. Saan ko siya hahanapin? Tsaka ano ang sinasabi niyang hindi niya alam kung kailan? Kailan ano? At bakit parang binibigyan niya ng emphasis ang ikalawang pangalan ko na Royle? Anong meron doon at sa insignia na pinipilit niya?
Isa pa pala, hindi raw kasalanan nina Adi ang pagpapaalis kay kuya. Bakit niya sinabi iyon? Sa simula pa lang ay alam ko na 'yon. May mga natuklasan pa si kuya. May sibilisasyon na sa labas ng compound. Ang compound na ito ay binuo ng mga Madriaga, particularly ng mga magulang ko.
Ang mga natuklasan ko ngayon, mas nakagulo pa sa isip ko. Akala ko, kapag narinig ko na ang panig ni kuya ay matatahimik ako. Hindi ko alam na may mas malaking problema pa pala. Akala ko kasagutan ang sagot niya. Ngunit ang mga sagot na 'yon ay nagdala lang sa amin, sa akin sa panibagong gulo. Bagong problema.
"Kovie Royle Madriaga. The daughter of Casianna and Reeve Madriaga. The sister of Aiden Sovet Madriaga, my creator."
Nagpantig ang tenga ko sa huling sinabi ng robot. Agad akong tumayo at lumapit dito. Hinawakan ko ito ng mahigpit sa balikat at hindi naman ito pumalag. Halos lumuwa na ang mata ko sa pandidilat dito.
"Anong sabi mo? Creator?!" sigaw ko rito. My frustration is slowly eating my consciousness and now I'm shouting at a robot. The fact that this is made by my brother means so much. Especially, more information.
"Krys!" sigaw ko at mabilis naman itong lumapit. "Bitaw na, Kov. Baka masira at hindi pa natin 'yan mapakinabangan," paalala nito. Marahas ang pagbitaw ko rito at lumayo na ako para maiwasang muli itong hawakan ng mahigpit. Si Krys na ang nagtanong ng mga kailangan.
"Totoo bang gawa ka ni Aiden Sovet Madriaga?" unang tanong niya. Nilingon siya ng robot at tumango.
"Yes. I am E-51, also known at Elana. I am the 51st version of Sir Aiden's invention of my kind." Nanlaki ang mata ko sa narinig ko mula sa babaeng robot.
Siya si Elana?! The Elana we're looking for is a robot?! And he's made by my brother?