Alt 7: Trust No One

2180 Words
"Okay. We're back to basics, right? Kaya naman, hindi natin papansinin yung mga akala nating mga clues. First off, tanggal na ang Abaheda theory." Naglakad-lakad si Krys habang sinasabi iyon. Tumango ako at agad na inalis ang tingin sa kanya na palipat-lipat ng pwesto. Pinagmasdan ko ang isang buong shelf ni kuya ng libro. Hindi iyon puno pero masasabi kong mas marami iyon kaysa sa tipikal na rami ng libro sa isang bahay. Para bang ang buong pader na iyon ay puro libro lang. Ang mga nasa tuktok ay halos hindi na makita sa kapal ng alikabok na tumatakip sa mga ito. Wala na rin namang naglilinis dito sa bahay kahit pa noong nandito si kuya. Hindi ko rin siya napapansin na ginagalaw ang mga nasa tuktok na bahagi ng shelf na iyon. Sabi niya'y mga luma na at may iilang mga theories na hindi pa ganoon kalawak ang sakop na impormasyon kaya't mas gusto niyang nagbabasa ng bagong mga textbooks. Napakurap ako roon at binalik ang tingin sa mga kasama kong nakikinig pa rin kay Krys. Sa huli, masasabi ko rin talagang tama ang desisyon naming ito. Na tanggalin na ang lahat ng impormasyong akala namin ay konektado sa hinahanap namin. Pero ang hindi namin alam, iilan lang sila sa mga panggulo na nilagay ni kuya sa malawak na parke ng misyong ito. May mga bagay na hindi naman dapat namin iniintindi. At sa tingin ko'y inaasahan kami ni Kuya Aiden na mapansin ang mga importante lang. Na mapansin ang siningit niyang mga impormasyong panggulo sa mga nakikisali, hindi panggulo sa amin. Ibig sabihin, ang mga importanteng parte ay mga bagay na alam naming lahat at alam niya iyon. "I think I got the important parts," sabi ni Ayla at nagtaas pa ng kamay. Lahat ng tingin namin ay nabaling sa kanya at nag-abang sa sasabihin niya. Tumikhim siya at napatikom ng labi saglit bago muling nagsalita. "First, yung sa A-51. Relevant siya dahil sa ibang source niya kumpara sa video kung saan tayo nililito ni Aiden. It's from an audio clip so I think it's safe to assume that it's not a false information," she said with finality. Napatango ako pero mukhang hindi lahat ay sang-ayon sa sinabi niya.  "Paano mo mae-explain ang biglang pagdating ng audio clip sa files ni Krys? Biglaan lang. Paano kung isa 'yan sa mga pain ng mga kasama ni Aiden?" singit naman ni Covet. Napatango rin ako roon dahil may posibilidad na tama ang sinasabi niya.  "Krys, paano mo nga ulit nakuha ang audio clip?" tanong ni Adi kay Krys sa gilid. "Detail by detail, I mean. Baka may makita tayong loophole."  "Uh... nagba-browse lang ako sa old files ko at ni Aiden sa isang project at nakita ko s'ya sa isang kakaibang folder," paliwanag nito. "Kakaibang folder?" tanong ko sa kanya. Tumango siya. "I mean, wala siyang pangalan. Weird 'no," dagdag pa niya. Napahawak sa baba si Adi na parang nag-iisip talaga. "Is there any way na mati-trace natin ang origin ng folder?" singit ni Tobi. Tumango si Krys at nagpaalam saglit na kukunin ang laptop. Ngayon ay natira kaming anim dito at kailangang sa oras namin ngayon ay may maisip kami habang wala pa si Krys. "Sa tingin niyo relevant din si Elana?" seryosong tanong ni Accel. Tumango ako sa kanya at ganun din ang ginawa ng iba. "She's the only name we have, so we hope that she's actually relevant," I told him and he answered with a nod. "How about E-51?" singit ni Ayla. Nanliit ang mata ko sa sinabi niya. Kung iisipin ay wala naman talagang matibay na ebidensya ang E-51. Bigla ko lang naisip na isunod kay Elana ang A-51 at palitan ang unang letra nito. Pero sa kung anong dahilan ay hindi ko mabitawan ang E-51. Magsasalita na sana ako para mangatwiran nang sumingit si Adi. "It's notable. E-51 taken from Elana, a specific name that we have. Coincidentally, E-51 also stands for Expedition 51, at alam niyo nang lahat ang meron do'n." Tinignan niya kami isa-isa. Binulong ko ang maliit na pasalamat kay Adi dahil naligtas niya ang E-51. "Eh ang A-51?" tanong naman ni Tobi. Dito ay napaisip din ako. Isa itong message na nasa isang audio clip na naco-convert sa morse code ang nilalaman. Hindi namin sigurado ang source dahil nakita lang ni Krys ang file bigla sa computer niya. Hindi rin namin makukumpirmang kay Kuya Aiden nga ito galing. Maaari pa ngang nanggaling ito sa mga may hawak kay kuya. Ang tanging makokonekta lang namin ay ang parehong style na ginamit. Ang morse code sa audio clip ay tulad ng estilo sa pagkurap ni kuya sa video. Wala akong masasabing sapat na ebidensya bukod do'n. "Hintayin na lang natin si Krys," sabi ko sa matigas na boses. Wala silang nagawa kung hindi tumango at sumang-ayon. Wala rin naman silang ibang pagpipilian kundi hintayin si Krys sa makukuha namin impormasyon sa folder at audio clip. Ilang sandali pa ng katahimikan ay hindi na ako mapakali. Parang masyado nang matagal si Krys para lang bumalik sa lab niya. Hindi naman ganun kalapit ang dorm sa lab pero hindi rin sobrang layo na aabutin siya ng lampas trenta minuto para lang kunin ang gamit. "Masyado nang nagtatagal si Krys. Baka may nangyari," sabi ko sa kanila. Walang gumalaw ni isa sa kanila. Parang wala silang pake pero sa tingin ko'y masyado lang talaga akong nag-aalala. Naghintay pa ako ng limang minuto bago tumayo at lalabas sana nang pigilan ako ni Adi. "Si Krys, wala pa." Pumiglas ako sa pagkakahawak niya para lumabas ngunit tumayo lang din siya at nagpaalam sa mga kasama namin. "Sunduin lang namin," sabi nito at hinila ako palabas. Nagpahila na lang ako at kinagat ang labi sa kaba. Habang naglalakad ay pakiramdam ko'y bumibigat ang pakiramdam ko. Bahagya ring sumasakit ang ulo ko na sa tingin ko'y dahil sa paghila sa akin ni Adi kaya't inagaw ko na ang kamay ko sa kanya. Pagkalapit pa lang namin sa makipot na hallway sa tapat ng pinto ay natigilan kami sa nakita. Nagmamadali kong tinakbo ang distansya papunta kay Krys na nakahiga sa sahig. Agad ko siyang binuhat at nilagay sa hita ko. "Krys! Gising! Krys!" malakas na sabi ko. Sinampal ko pa siya para magising ngunit wala siyang aksyong ginagawa. Tinignan ko pabalik si Adi para sana manghingi ng tulong ngunit nanlaki ang mata ko sa nasa likod niya. "Adi, sa likod mo!" sigaw ko. Agad siyang lumingon at napalayo nang nakita ang nasa likod niya. Isang taong kamukhang kamukha ko ang nandito ngayon sa dorm at nasa harap naming dalawa ni Adi. Nilipat ng babae ang tingin sa akin mula kay Adi at bumaba iyon sa nasa hita kong si Krys. "She's not dead. She's just... asleep," she said and shrugged her shoulder. Nanliit ang mata ko at nalipat ang tingin ko sa direksyon ng mga yabag patungo sa amin. Sinadya kong sumigaw kanina para marinig kami ng mga natitirang lieutenant sa sala at malaman nila na may sitwasyon dito. In this case, hindi kami sigurado sa sitwasyon. Iniwas ko na muna ang tingin sa kanila at hinayaan ko silang intindihin ang kakaibang babaeng pinapanood lang ako sa bawat galaw ko. "Krys, gising," sabi ko at bahagya siyang sinampal muli. Sinipat ko ang pulso niya sa leeg at sa palapulsuhan at napabuha ng hininga nang nahuli na maayos ang mga ito. Nilagay ko ang isang daliri sa ilalim ng ilong niya para tignan kung humihinga ba siya. Mayroon ngunit mahina. "Sino ka?" rinig kong tanong ni Tobi sa babae. Hindi ko pa rin sila nililingon at iniintindi ko lang si Krys na walang malay. Biglang umupo si Ayla sa harap ko at tulad ng ginawa ko kanina ay tinignan niya rin ang paghinga at pulso ni Krys.  Napabuntong hininga siya nang nasiguradong mayroon ang lahat. "Mahina ang paghinga niya," sabi ko sa kanya at tumango lang siya. "Wala akong masyadong alam sa paggamot bukod sa first aid," sabi niya sa akin. Marahan niyang hinila si Krys at pinatagilid. Hinagod niya rin ang likod nito at bahagyang diniinan ang bandang dibdib. Hula ko'y binibigyan niya ng chest compression para makatulong sa pagdaloy ng dugo. "I'm Doctor Kovie Madriaga," sagot ng babae. Nilingon ko siya at nakita kong nakalahad ang kamay niya kay Tobi. Hindi iyon hinawakan ni Tobi samantalang si Covet naman ay lumapit sa babae. Tumagilid ang ulo niya at tinignan ito mula ulo hanggang paa. "Hindi ikaw ang Kovie na kilala namin," sabi niya naman. Tumango ang babae na ipinagtaka ko. Hindi siya ang Kovie na kilala niya? Then sino siya? At paanong siya si Kovie Madriaga na parehong-pareho ko ng physical features? "Sino ka?" Ako naman ang nagtanong. Tumayo na ako at bahagyang lumapit sa kanila. Nakapigil ang kamay ni Adi ngunit alam ko naman na hindi rin ako dapat lumapit. Hindi ko alam, baka bigla na lang akong saksakin nitong babae.  "As I've said, ako si Doktora Kovi--"  "Hindi pangalan mo ang gusto kong malaman. Sino ka, bakit ka nandito at bakit... kamukha kita?" putol ko sa kanya. Naiwan sa ere ang kamay niyang iminumuwestra ang sarili kanina. Binawi niya iyon nang napansin niya ang katahimikan at bahagyang natawa. "Oo nga naman. Pasensya na. My fault." Ngumiti siya at naglahad ng kamay sa akin. Tinignan ko lang 'yon at binalik ang tingin ko sa kanya nang hindi tinatanggap ang nakalahad na kamay. "I'm Kovie Madriaga, a doctor and I'm here to ask you a favor," sabi niya. Kumunot ang noo ko sa huling sinabi niya. Nahalata niya 'yon kaya't dinagdagan niya ang sinasabi niya kanina. "Bakit mo ako kamukha? Simply because iisa lang tayo." Nanliit ang mata ko sa kanya. Ano bang pinagsasasabi nito? Walang sense ang mga 'yon. Iisa lang kami? Anong kalokohan 'yon. Babarahin ko pa lang siya nang sumingit na si Covet. "That's intersting. Explain more," he said. He even motioned for her to continue. Sumandal siya sa pader habang nakatingin sa babae na parang sobrang interesado niya. Tinignan siya ng nagpakilalang Kovie at nag-isip habang tinitignan si Covet. Nilingon niya si Adi, pagkatapos ay ako, tapos ay si Covet na muli. Her mouth formed an O shape as if she just understood what's happening. She then pursed her lips and nodded to herself. The supposed Kovie then cleared her throat before adding something. "Okay, I will explain this the simplest I can," she said. Tumango si Covet at tinignan ko siya. Hindi ako makapaniwalang ganito siya kakaswal sa isang dayo na bigla na lang nakapasok sa dorm ko. Bukod pa ron, nagpapakilala rin ito bilang ako! "Pumunta ako rito sa universe niyo para humingi ng tulong kay..." Nilingon niya ako at naglahad ng palad sa akin para maituro ako. "Kovie!" sabi niya at binalik ang tingin kay Covet. "Tulong? Sa akin?" singit ko sa kanila. Tinignan niya ako at tumango. Kumunot ang noo ko at magtatanong pa sana nang narinig ko ang pag-ubo ni Krys. Dali-dali ko siyang binalikan sa pwesto niya kanina at hinayaan si Adi, Tobi at Covet na asikasuhin ang babae. "Okay ka na ba?" tanong ko kay Krys. Hindi siya sumasagot pero ubo siya ng ubo. Tinignan ko si Ayla at tinanong, "Anong nangyari?" na sinagot lang niya ng iling. "Bigla na lang siyang umubo ng umubo!" tarantang sabi ni Ayla. Napansin kong naghahabol ng hininga si Krys kaya't binuhat ko siya ng bahagya at pinaayos ng porma. "Okay, Krys. Breathe... breathe..." I slowly said while guiding her. "Inhale... exhale... inhale..." I kept repeating the process until her breathing pattern came back to normal. She's still not opening her eyes but I figured that it may be because of fatigue. Someone towered over us and when I glanced, I saw the other me standing behind us. "Anong ginagawa mo?" sabi ko sa kanya. Hindi siya sumagot kaya't nilingon ko ang tatlong lalaki na nag-uusap. Bakit nila hinayaang mawala sa paningin ang babaeng 'to? Paano kung gawin niya ang ginawa niya kay Krys sa aming lahat?  "She just got shocked, Kov. She's not dying," she coolly said. My brows twitched at what she said. How dare she say that? Kung tutuusin, siya ang rason kung bakit nangyari ito kay Krys! Tatayo na sana ako para kausapin siya ng masinsinan nang may pumigil sa akin. Nanlaki ang mata ko nang nakitang si Krys ang mahigpit na nakahawak sa kamay ko ngayon. "Krys!" sigaw naming dalawa ni Ayla nang nagpumilit siyang bumangon na. Wala kaming nagawa kung hindi alalayan siya sa pagtayo niya. Kahit nanghihina ay pinipilit niya pa ring tumayo sa sariling paa at tinatanggal ang pagkakaalalay namin sa kanya. Nang sa wakas ay mukhang kaya niya na, binitawan na namin siya pareho ni Ayla ngunit sinigurado kong malapit ako kung sakaling bumagsak siya bigla. "Ikaw..." mahinang sabi ni Krys at tinuro ang babae. Mukhang nagulat siya pero ngumiti lang agad kay Krys. "Kov, ikaw 'yan," dagdag pa ni Krys. Nagulat ako roon dahil hindi ko inaasahang sasabihin at kukumpirmahin ni Krys sa akin iyon. Na ako ang nasa harap ko pero tulad ng sinasabi niya, ako siya mula sa ibang universe. "Kov... Hindi mo 'to alam pero may ginawa kami ni Aiden dati. We experimented on you. And one of the results that we've had is that through you, we entered the world of parallel universe. I'm sorry." And just like that, I heard my brother's whisper in my head. "Trust no one."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD