Kanina pa ako nakatunganga lang sa kisame ko. Mula nang umalis ang babae ay hindi pa ako kumikilos sa pagkakahiga ko kahit pa nakakagalaw na ako. Parang unti-unting nawala ang tali sa akin kanina habang unti-unting umaatras papuntang dilim ang pigura ng babaeng humahaplos sa akin.
I can still feel her touch and the goosebumps that I had during that time. It was tormenting and scary. Hindi ko inakalang makakaalis pa ako sa sitwasyon na 'yon. Patuloy lang ako sa pagtitig sa blankong kisame hanggang sa 'di ko namalayang muli na naman akong nakatulog.
Pagdilat ko ay nasa ilalim na ako bigla ng tubig. My instincts immediatly kicked in and I swam my way up, hoping to get some air.
Kahit pa anong gawin kong paglangoy ay para akong walang usad at hindi man lang nakakakalapit sa ibabaw ng tubig. Ang madilim na paligid ay hindi rin nakakatulong sa sitwasyon ko para makahanap ng ibang paraan sa paghahanap ng hangin.
Bigla na lang may maliit na liwanag na nakita ko sa bandang kanan na agad kong nilingon. Nawala iyon at luminga ako para hanapin ang liwanag ngunit bigla na lang na nasa isang malaking aquarium ako.
Nagulat ako pero mas nangibabaw sa akin ang galak dahil kung aquarium ito, paniguradong mababaw lang kumpara sa dagat kanina kaya't nagsimula na akong lumangoy pataas. Nanlaki ang mata ko nang para akong pinulikat sa kaliwang paa at hirap na hirap akong pumadyak para makalangoy.
Napalingon ako nang napansing mas lumalapit sa akin ang dalawang gilid ng pool, para bang mas lumiliit kada segundong lumilipas. Mas kinabahan ako at kahit pa masakit ang binti at paa ay sinubukan ko pa ring lumangoy pataas.
Isang padyak ko pa lang ay mas lumala pa ang sakit ng paa ko. Bigla na lang itong nagkukulay violet na at para bang ano mang oras ay puputok ang lumalaki nitong ugat. Mas nag-panic ako roon at sinubukang tumalon na lang gamit ang isang paa ngunit hindi pa rin talaga ako makaakyat.
Sobrang lapit na ng dalawang salamin ng aquarium. Paliit ito ng paliit na kaunti na lang ay mapipisa na ako habang nasa loob. Biglang may ideyang pumasok sa isip ko sa pagkatarantang baka mamatay na ako rito.
Una kong inilagay ang paang hindi napulikat sa isang salamin at kahit na sobrang sakit ng isang paa ay inilagay ko pa rin ito para maakyat ang aquarium ngunit dahil sa dulas sa tubig ay hindi rin ako nagtagumpay. Tumama ang likod ko pagkabagsak at mas lalo nang nawala ang bula ng pag-asa sa loob ko.
Sa huli ay sumuko na lang din ako. Hindi na ako sumubok pang lumangoy pataas para maligtas ang sarili. Hindi ko na rin sinubukang akyatin ang aquarium o pigilan ang patuloy na pagliit nito dahil alam ko sa sarili ko na wala na akong magagawa.
Para bang suko na ako sa sarili ko.
Napalingon ako sa kanan ko nang may napansing gumagalaw. Malabo ang paningin ko dahil sa maalong tubig gawa ng gumagalaw na aquarium pero hindi ako maaaring magkamali sa nakita kong pigura kanina.
Pigura ng isang tao.
The small hope in me fought for itself. My eyes glistened with the thought of a person in this unknown place and how he or she can save me from this situation. A situation I never asked for. A situation I never thought I'll encounter.
Nanliit ang mata ko sa pagsusubok na makita ang taong nasa labas. Dahan-dahan ang paglapit niya sa aquarium ngunit sa desperasyon ko ay sumigaw na ako at pinakawalan ang kanina pang pinipigilan at iniingatang hininga.
Kahit pa alam kong hindi niya ako maririnig dahil nasa ilalim ako ng tubig ay wala na akong nagawa kung hindi gawin ang ano mang maaaring makatulong sa akin. In this case, ito ang tingin kong makakatulong sa akin. Mali, hindi ito. Siya.
Siya na naglalakad tungo sa akin. Siya na naging simbolo ng pag-asa ko bigla. Siya na papalapit na sa aquarium ko. At siya na... ako.
Malabo ang paningin ko ngunit sigurado ako. Ako ang nasa labas ng aquarium. Ako ang babaeng nakatingin sa akin ngayon. Pero ako rin ang nandito sa aquarium.
Nagtindigan ang balahibo ko nang naalala ang kaninang panaginip. Ang babaeng humahaplos sa akin noon ay katulad nito. Katulad ko. Katulad niya.
Sino siya?
Sino sila?
Natigilan ako roon habang pinagmamasdan siyang pagmasdan ako. Halata ang gulat sa kanya. Nanlaki ang mata ko nang naalala ang isa pang panaginip. Panaginip kung saan ako ang nasa labas ng aquarium.
Nang tuluyang nakalapit ay dahan-dahan niyang inilalapat ang kamay sa aquarium. Tinignan ko 'yon at para bang gusto ko nang kumpirmahin na ako siya sa hubog ng kamay niya. Binalik ko ang tingin sa mata niyang may halong pangamba, takot at... kalungkutan?
Inalala ko ang nangyari sa panaginip ko. Pagkalagay ko noon ng kamay ko sa aquarium ay may sinabi ang kamukha ko sa loob. Help, Kovie.
Sasabihin ko na rin sana ngunit naunahan niya ako. Tinignan ko ang paggalaw ng labi niya na saktong sakto sa gusto kong sabihin. Sa dapat na ako ang nagsasabi.
Hindi ito tulad ng panaginip ko noon. Nagkapalit na kami ng pwesto. Hindi na ako ang nasa labas ng aquarium. Ako na ang narito sa loob. Pero bakit ganun? Siya pa rin ang nagsasabi ng...
"Help, Kovie."
I gasped for air as I woke up with the feeling of cold water splashed on my face. I looke around only to see Krys, arms crossed while wearing my apron. Ang mukha niya ay para bang gustong sabihin ang lahat ng mura sa mundo.
"Ano--"
"Oo na, babangon na," putol ko sa sinasabi niya. Kung hindi ko siya pipigilan ay hindi na naman kami aabutan ng almusal sa haba ng leksyon niya. Dumiretso na ako sa banyo at iniwan si Krys na bumubulong-bulong ng kung ano.
Pagkahubad ko ng damit ay dumiretso na ako sa shower ngunit bigla akong napaatras nang nadikit sa akin ang tubig. Dahil biglaan ang pag-atras ko ay nadulas ako at napaupo sa malamig na tiles ngunit hindi ko ininda ang sakit no'n dahil sa pagkabigla.
Bakit ako napaatras?
Sinubukan kong tumayo at lumapit muli sa shower para makaligo na. Nang bumagsak na ang mga tubig ay napakislot ako pero 'di gaya kanina na sobrang napaatras ako sa gulat. Napailing na lang ako sa kalokohan ko.
Pagtapos maligo at magbihis ay dumiretso na ako sa kusina. Dahil madadaanan ang sala papuntang kusina ay kitang kita ko ang mga 'di ko inimbitang mga tao sa sofa. Napahinto ako at tinignan sila.
Si Adi at Covet ay magkatabi at may kung anong binabasang papel. Si Tobi, isa ring lieutenant, ay nasa pang-isahang sofa samantalang si Krys ay wala sa sala.
Napagilid ako nang may biglang dumaan sa kaliwa ko. Tinignan ko si Ayla at Pio na magkasunod na pumasok ng sala mula sa kusina. Nagsalubong ang kilay ko sa gulong nangyayari sa dorm ko.
Dumiretso ako sa kusina para hanapin si Krys at saktong kalalapag niya lang ng hawak niyang kawali. Pumameywang siya at tinanggal ang apron niya bago ako tinaasan ng kilay. Tinaasan ko rin siya ng kilay.
"Bakit nandito ang mga lieutenant?" sabi ko. Hindi ako makapaniwalang basta basta na lang papasok ang mga ito sa dorm ko ng walang paalam, sa ganito kaaga. At pustahan ay nandyan na 'yan habang tulog ako!
"Bakit tanghali ka na nagising?!" balik na sermon ni Krys. Muling nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. Bakit parang ako pa ang may kasalanan ngayon?
Padabog akong naupo sa upuan at kumuha na ng pagkain. Si Krys ay nagsandok na rin ng kanya ngunit nanliit ang mata ko nang pati ako ay nilalagyan niya ng bacon sa plato. Parang may nasi-sense akong kakaiba. Hindi ko na muna siya kinausap habang kumakain para makaiwas sa sigawan.
Nang natapos ay nagpresenta siyang siya na lang ang maghuhugas ng plato. Pabor sa akin 'yon kaya't hinayaan ko siya at dumiretso na lang muli sa kwarto ngunit natigil na naman nang napadaan sa sala. Matalim ang tingin ko sa mga dayong nandito habang nakasandal ako sa hamba ng pintuan.
Pinagmasdan ko lang sila hanggang sa dumaan na si Krys sa gilid ko at hinila ako papasok. Hinayaan ko siya para na rin matanong na sila kung bakit sila nanggugulo sa dorm ko ng ganito kaaga.
Pagkaupong pagkaupo ko ay nginitian ako ni Krys. Tinawag niya ang lahat ng nandito at kung makasigaw siya ay para bang sobrang magkalayo kami. Napatakip kaming lahat sa lakas ng boses niya.
"Attention!" sigaw niya. Halos isalampak ko na ang sofa sa bibig niya para lang matigil ang matinis na sigaw niya. Nang nakitang nakatingin na kaming lahat sa kanya ay ngumiti siya at tumingin sa akin.
"Everyone, this is Kovie Royle Madriaga. Aiden's sister." Iminuwestra niya ako na para bang isa akong trophy o kung ano pa man. Hinawi ko ang kamay niyang nakalahad sa akin at hinarap ko ang ibang nandito. Nagtatanguan sila at walang reaksyon maliban sa babaeng nakangiti sa akin.
"Hi! I'm Ayla!" magiliw na sabi nito. Tumango lang ako at tumingin naman kay Tobi na naglahad ng kamay bigla.
"I'm Tobi," pagpapakilala nito. Nagtataka man ay kinuha ko na lang ang kamay niya at nakipag-handshake. Tumikhim ako pagkabitaw at napatingin kay Covet na kanina pa ako tinititigan. Tinaasan ko siya ng kilay pero hindi ko na pinatagal ang titig pa sa kanya. Nilingon ko na si Krys sa gilid ko na nakangiti ng kakaiba.
"May sasabihin ako Kov..." she trailed. My brows shot up more, as if it's wanting to reach heaven. Parang alam ko nang hindi ko magugustuhan ang sasabihin niya. Sa tono pa lang at bait ng tungo niya sa akin at ang kakaibang ngiti niya ay nararamdaman kong tataas na naman ang altapresyon ko sa kalokohan nitong si Krys.
"Ano?" nagtitimpi kong tanong. Napangiwi siya sa nakuhang tono ko. Kilala niya na ako masyado para hindi pa mahalatang naiirita na ako sa mga nangyayari.
"Kasi..." sabi niya. "Kasi?" tanong ko. Inuudyok ko siyang sumagot na ngunit natatakot yata sa sobrang taas na kilay ko kaya't ibinaba ko na lang muna at pinanatiling naka-poker face na lang.
"Kasi sinabi ko sa kanila ang lahat." Mabilis ang pagkakasabi niya nito. Halatang ayaw na makuha ko ang gusto niyang sabihin. Nanliit ang mata ko sa kanya.
"At sa lahat..." marahang sabi ko.
"I mean... lahat..." Pahina ng pahina ang boses niya at unti-unti na rin siyang lumalayo sa akin. Natigilan ako sa sinabi niyang iyon. Lahat?
"Krys!" sigaw ko sa kanya. Nagulat si Accel na malapit kay Krys at nakita ko kung paanong inaalis niya ang kapit ni Krys sa braso niya na parang nagtatago. Wala na akong pake kung makita nilang nagwawala ako. First of all, dorm ko 'to.
Tumayo ako at dumiretso malapit sa hamba ng pintuan. Tinawag ako ni Krys, akala yata ay aalis ako. Pero dinampot ko lang ang lumang baston ni kuya at muling lumingon sa kanya. Nanlaki ang mata niya at tinulak si Accel papaharap para makapagtago siya.
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kanya. Parang nakita ko pa yatang nanginig siya pero hindi ko na iyon mapansin sa galit ko. Kita ko sa gilid ng paningin ko ang tingin ng ibang lieutenant sa akin. Wala akong pake.
Nagagalit ako dahil sa maraming dahilan. Una, pinagkatiwalaan ko siya. Pangalawa, private matter ito. Sa sobrang pribado ay kami lang dalawa ang nakakaalam, not until nasabi na namin sa dalawang lieutenant pero sa mga naunang linggo ng paghahanap namin ay kaming dalawa lang.
Siya lang ang nilapitan at pinagsabihan ko. Sa kanya ako humingi ng tulong dahil alam kong pinagkakatiwalaan siya ni kuya. Si Kuya Aiden ang nagsabi sa akin dati na kung may problema ako, si Krys ang mapupuntahan ko.
At mukhang nagsisisi na ako.
Ihahampas ko na sana ang baston nang may biglang pumigil nito. Tinignan ko si Covet na nasa gilid ko ngayon. Mas lalong nadagdagan ang inis ko sa pakikialam niya.
"Baliw ka ba?" sabi nito sa akin. Napatayo na rin si Tobi sa gilid para awatin kaming dalawa ngunit ang matalim kong tingin ay nanatili kay Covet na mahigpit ang hawak sa baston.
"Bitaw," madiin kong saad. Wala siyang ginawa kundi mas higpitan pa ang hawak kaya't mas pinwersahan ko ang paghampas ko ngunit dahil mas malaki at mas malakas talaga siya sa akin ay hindi ko na maitulak pa ang baston.
Sa galit ay itinulak ko na lang iyon papunta sa direksyon niya na hindi niya inasahan kaya't napaatras siya. Nasalo siya ni Alya sa gilid at ibinato niya ang baston sa sahig. Tinamaan siya ng dulo nito sa bandang dibdib niya ngunit hindi niya iyon ininda at may gana pang ngisian ako.
Napapikit ako at pinilit ang sarili na kumalma. Nagbilang ako hanggang sampu habang nakapikit lang do'n. Wala akong ginawa dahil alam kong kailangan kong kumalma para maayos ang maging estado ng pag-iisip ko. Ayokong gumawa ng kahit anong pagsisisihan ko mamaya.
"Labas ka na sa lahat Krys," sabi ko habang nakapikit pa rin. Humihinga akong malalim para mapakalma ang sarili. Ang galit ko'y hindi yata agad agad na mawawala. Baka dalhin ko 'to ng matagal laban kay Krys. Ayaw ko man ay nasira niya na ang tiwala ko.
At ang tiwala, isang beses lang 'yan mawawala. Kapag nawala na, hindi na 'yan mabubuo.
It's heartbreaking to say that to Krys. I'm very greatful for all the help she gave me during our research and progress but I don't work with people that I don't trust. And now, I don't really think I can trust anyone who has a lieutenant rank.
Aalis na sana ako ngunit pinigilan ako ni Krys. Huminga ako ng malalim bago siya nilingon. Bagsak ang balikat niya at hindi ko alam pero kakaiba ang tingin niya sa akin. Umiwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko'y nasisira ang galit ko sa nakikita kong kalungkutan sa mata niya.
"Kov... please..." marahang sabi niya. Umiling ako bago tinanggal ang kapit niya ngunit mas hinigpitan niya lang 'yon.
"May dahilan naman ako. Kilala mo naman ako. Hindi ko sisirain tiwala mo dahil lang sa kung ano."
Napapikit ako at nag-isip. Totoo 'yon. Hindi gano'n ang pagkakakilala ko sa kanya pero bakit ganun ang nakikita ko ngayon? Hindi ko na alam ang papaniwalaan ko.
"Sige. Magpaliwanag ka." Tinignan ko siya ng diretso sa mata. Kitang kita ko kung paanong nagliwanag ang mga mata niya sa simpleng sinabi ko.
Nakaupo ako ngayon sa pang-isahang sofa at napapalibutan ng mga lieutenant pero si Krys ay nasa bandang kanan ko. Sa kanan ko rin ako nakatingin dahil hangga't hindi ko nakikita ang tama at may sense na rason kung bakit kailangang nandito sila ay wala akong pake sa kanila.
"Naalala mo yung reaksyon mo nung nalaman mong ikaw ang password ng database ng gobyerno?" pagsisimula niya. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko makuha ang koneksyon no'n sa usapan namin.
"Ano naman?" tanong ko sa kanya.
"Teka, bakit niyo binuksan ang database?" singit ni Tobi sa gilid. Tinignan ko siya sa gilid ng mata ko at nakita kong palipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Krys. Inirapan ko siya dahil parang inaasahan niya talagang magsasayang ako ng oras para mag-explain sa kanya.
"Ano koneksyon no'n?" tanong ko muli kay Krys. Iminuwestra kong magpatuloy siya at balewalain na ang tanong ni Tobi sa gilid. Tumango si Krys sa akin bago nag-signal ng saglit kay Tobi at nagpatuloy na sa sinasabi.
"Ang password na EIVOKELYOR ay matagal nang password ng database. Hindi 'yan mapalitan ng gobyerno for some reason. At akala ko'y coincidence lang na pangalan mo 'yon na binaliktad pero nang nalaman kong pangalan mo rin ang Royle, nakuha ko na ang lahat."
"Bagong project na binigay sa amin ay Project Royle. For some reason, nakatatak ka all over the government's data. Everywhere, Kov. As in." Ang ekspresyon niya habang nagsasalita ay sapat na para maniwala akong malawak ang sakop ng sinasabi niyang Project Royle. Sobrang exaggerated niya ay pati pagbuka ng bibig ay nilalakihan niya pa. Akala yata niya ay doon masusukat ang pagkatotoo ng sinasabi niya.
"So anong meron sa Project Royle?" tanong ko pa. Magsasalita sana siya nang umepal na naman si Tobi.
"Confidential." Matigas ang pagkakasabi nito at para bang sobrang tibay ng loob niya sa katungkulan niya. Napairap ako nang naalala kung paanong mabilis na sinuko ni Accel ang password nang si Krys ang nanghingi. Tinaasan ko ng kilay si Krys.
"Okay lang, Tobi. Tutal may koneksyon siya sa kaso. We will need her cooperation for the project," paliwanag ni Adi bigla. Tinanguan ko siya bilang pasasalamat at nilingon muli si Krys na nag-hang na yata.
"Okay. Project Royle is all about finding what, or in this case, who's Royle. Una nga naming naisip ay isa siyang matandang uugud-ugod na mag-isa sa buhay at nag-trip na ilagay ang sarili sa data para matandaan ng lahat dahil ganun siya ka-insignificant pero it turns out, ikaw lang pala!" masaya niyang sabi. Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa pagpapahaba niya ng gustong sabihin.
"And?" tanong ko.
"And...?" pagbabalik niya ng tanong. Nagsalubong muli ang kilay ko. Yun na 'yon?
"Ano nang mangyayari? Bakit sila nandito? Anong ginagawa niyo at bakit kayo nanggugulo dito sa dorm ko ng ganito kaaga? Bakit mo sinabi sa kanila ang tungkol sa ginagawa natin?" dire-diretso kong tanong. Namutla si Krys at para bang gusto niya nang takpan ang bibig ko sa mga sinasabi ko.
"What?" masungit na sabi ko. Nginuso niya ang ibang tao rito at nang tinignan ko ang reaksyon nilang lahat ay napanganga ako. Si Accel ay naka-signal sa akin na tumahimik samantalang si Adi ay natatawa pa yata. Si Tobi ay nakatingin ng kakaiba sa akin at si Ayla naman ay nanlalaki ang mata. Si Covet sa gilid ay nakatagilid ang ulo habang nakatingin sa akin.
"What..."
"They don't know..." Krys whispered beside me. It was my turn to feel cold. I can feel the dripping sweats on my forehead because of nervousness. Damn, I can even feel my stomach turning.
"Anong ginagawa niyo?" tanong ni Tobi. Kanina pa siya tanong ng tanong pero hindi ko pa rin nasasagot. Kahit sa tanong na ito'y wala akong balak sumagot. Biglang napatayo si Ayla na umagaw sa atensyon nilang lahat mula sa akin. Thank goodness.
"Alam ko na!" sigaw niya. Kinabahan ako roon.
"You're looking for Aiden, right?" tanong niya sa akin ngunit bumaling din agad kay Krys na umiwas ng tingin. Napapikit ako at napahawak sa sentido. Hindi nga niya sinagot ang tanong ni Ayla, sa reaksyon pa lang niya'y pati ako yata mahuhulaan ko na ang kaloob-looban nito! Gustong gusto ko nang hilahin ang buhok niya sa sobrang gigil.
"Bakit niyo hinahanap si Aiden?" tanong na naman ni Tobi. I want to sew him and his questionaire mouth. Sumandal ako sa kinauupuan ko at nanatiling nakapikit.
"Krys," tawag ko sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang kaba niya sa panginginig ng kamay niya nang hinawakan niya ako. Kaunti pa siguro'y gusto ko na siyang hampasin na talaga.
"Hindi ba pinagbawal ang paghahanap sa kanya?" tanong ni Tobi.
"Stop with your questions, Tobi. You're not helping." Rinig kong sabi ni Covet mula sa kung saan. I silently thanked him in my mind for the silence his statement brought. Sa wakas, wala nang tanong ng tanong. Wala nang nagtanong o nagsalita pa sa loob ng limang minuto.
"Krys, ipaliwanag mo na sa kanila." sabi ko matapos ang napakahabang katahimikan. Halos mabingi na ako sa pagkatahimik dahil paghinga ko na lang ang naririnig ko at ang mga kakaibang ideyang pumapasok sa isip ko. Mga senaryong kailanma'y hindi ko nanaising mangyari.
Tumango siya at ipinaliwanag na sa tatlong lieutenant na hindi pa nakakaalam ng ginagawa namin. Surprisingly, aktibong nakikinig si Covet. Hindi ko inakalang interesado siya sa ginagawa namin. Umiwas ako ng tingin nang nahuli n'ya akong pinapanood siya.
Biglang nag-okay sign sa akin si Ayla na hindi ko naintindihan. Hindi ko na lang siya pinansin at tinignan si Krys na mamamatay na yata dahil sa follow up questions ni Tobi. Ilang minuto pa silang nag-one on one session sa pag-inform sa kanya hanggang sa wakas ay tumayo na si Tobi at bumalik sa pagkakaupo.
"So who's Elana?" preskong tanong ni Covet. Tinignan ko lang siya at binalik na agad ang tingin kay Krys para kumpirmahin muli ang rason kung bakit sila nagtipon dito.
"Bakit nga kayo nakatambay dito?" pagbabalik ko ng topic. Nag-isip pa siya ng ilang sandali bago maligalig na tumango at nagsimulang magpaliwanag.
"Ah! Kasi hinahanap namin si Royle. Hindi ko alam kung bakit pero hinahanap siya ng gobyerno ngayon, out of all these years na naging tatak siya ng database." Nagkibit balikat pa siya para patunayang naguguluhan siya. Pati ako ay nalilito na rin. Bakit naman ako hahanapin ng gobyerno?
"Hindi ba ibang Royle naman 'yon?" singit ni Accel. Inirapan ko siya.
"Kovie Royle na nga, ano pa bang gusto mo?" singhal naman ni Krys. Nanahimik siya at tinawanan lang siya ni Tobi at Adi. Humalumbaba ako habang pinagmamasdan silang lahat.
Naalala ko ang unang beses na nakilala ko silang lahat. Noong naparangalan si kuya bilang lieutenant ay tulad nito, sumugod din sila sa dorm at nag-celebrate para sa bagong myembro. Hindi ako naging close sa kanila kahit pa madalas silang tumambay dito dahil hindi naman ako ganun ka-friendly.
Si Krys lang ang naging kadikit ko kahit papaano dahil sa lahat ay s'ya ang pinakamadalas na kasama ni kuya dahil pareho sila ng field. Science.
"Anong plano niyo?" tanong ni Adi na nagpabalik sa akin sa wisyo. Nilingon ko siya pagtapos si Accel at sunod naman si Krys. Nagkibit-balikat silang tatlo sa akin kaya't inumpisahan ko na lang sa basic na pwedeng gawin.
"Pakita niyo yung mga napanood at narinig natin sa lahat para magka-idea kayo sa mga resources namin. Baka rin may na-overlook kaming information, try to analyze it yourself," bilin ko at umalis na muna sa sala habang nagkakagulo sila. Naririnig ko pa ang tawa ni Ayla at Accel at ang pikong sigaw ni Krys sa dalawa.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at nilampasan ko ang kwarto ni kuya at kwarto ko para makapunta sa balcony.
Just as I opened the door, the harsh wind greeted me. My untied hair flew all over the place and I'm irritated but I'm also too lost in my thougths to even care about them. I shivered when another cold breeze hit my skin.
Napabuntong hininga ako sa tanawin. Mula rito ay kita ang compound. Malapit sa pader ang training camp kaya mas malapit din ang dorm do'n. Mas malawak ang nakikita kong tanawin ng buong compound. Paglingon mo sa kaliwa'y kita mo na agad ang magagarang mga bahay, nagtataasang gusali at mga makikinis na pintura.
Ngunit paglingon sa kanan, makikita mo agad ang diperensya. Sira-sirang bubong, tagpi-tagping yero, kahoy o plywood ang ginagamit sa pagtayo ng bahay. May iilang maswerteng may pera pambili ng semento para sa bahay nila ngunit ang magarbong bahay kung tignan sa kanan ay parang dumi lang sa kaliwa.
Our government system sucks. Alam iyon ng lahat. Maraming problema ang gobyerno at ang malala pa, hindi na nila tinatagong marami silang problema. Lantaran na ang kalokohan nila sa compound pero walang magawa ang mga tao.
Ang may kapangyarihan lang ang may kakayahang umangal. Magreklamo. Magserbisyo. O kung may serbisyo nga bang nangyayari. Para kasing wala. Parang wala namang nararamdaman ang mga tao. Parang puro lang pamumuno, puro lang plataporma. Wala nang aksyon.
Meron pala. Merong aksyon para sa may kaya. Sa mga may kapangyarihan na papabor sa kanila. In short, sa kanila lang din. Sa kanila lang umiikot ang biyaya at nagtataka pa sila kung bakit 'di umuunlad ang iba.
The obvious discrimination is so rampant that it became the norm to many. No one dared to question why their houses are smooth and milky white in color while others use sacks of rice to cover up unfinished sides of their house, just to maintain their privacy.
Dati'y gusto kong mapunta sa gobyerno. Gusto kong makapasok bilang parte at magkaroon ng mataas na posisyon para makontra ang mga maling pananaw nila sa buhay. Gusto kong maging public servant. Gusto kong maglingkod sa mga kababayan ko para hindi na sila maghirap.
Pero ngayon, nawala na lang din talaga. Sa bulok na sistema, walang kwentang gobyerno, may magagawa pa. Pero kung pati ang mga mamamayan ay wala nang pake na magbago, na umunlad, wala na ring mangyayari. And I learned that the harsh way.
Napalingon ako nang nakarinig ng muling pagbukas ng pinto. Nakasandal do'n si Krys na namumula pa ang mukha. Mukhang sobra na naman siyang iniinis ng mga lieutenant kaya't pati ako ay sinusungitan na.
"May napansin daw sila," sabi niya. Tumango ako at sumunod na sa kanya. Itatali ko sana ang buhok ko nang bumungad sa akin ang mapagmatyag na tingin ni Covet. Nanliit ang mata ko ngunit naging alisto na rin ako at hindi na lang nagtali ng buhok.
"Anong nakita niyo?" sabi ko agad pagkaupo. Iniharap nila sa akin ang tablet ni Krys at nando'n ang video ni kuya. Tinignan ko si Adi na nag-abot sa akin.
"Anong nakita niyo?" pag-ulit ko ng tanong.
"Itong part na 'to," sabi niya at pinindot ang play button. Pinakinggan ko naman ang sinasabi ni kuya.
"Tapos binigyan siya ng sarimanok ng espirito para matulungan siya. Pero pagkauwi niya ay niluto yung alaga niya, niluto ng step mom niya. Nilibing niya yung paa ng manok malapit sa libingan ng mama niya, Kov. Sa totoong nanay niya."
Doon na pinutol ni Adi ang video. Magsasalita sana siya nang sumenyas ako na h'wag na muna dahil may naalala ako. Hinanap ko si Krys na nakatulala at halatang may malalim na iniisip. Nakatingin siya sa kawalan at ang mata'y halatang hindi nakapokus sa kung anong nasa harap niya.
"Nung nabanggit 'tong part na 'to, tumayo ka bigla nun. Anong hinanap mo sa shelf mo?" tanong ko. Napakurap siya at nag-snap ng daliri bago tumalon patayo! Tinuro niya pa ako habang tumatango.
"That's right! Naalala ko na!" sabi niya at tumakbo papuntang gilid. Dumiretso siya sa pinagtambakan nila ng bag nila. May kinalkal siya ro'n at nang nahanap ay wagas ang ngiti niya. Para siyang nagwagi sa isang contest.
Inilahad ko ang kamay ko at inabangan ang importanteng ibibigay niya ngunit ang nilagay niya lang ay isang pirasong lukot na papel. Kumunot ang noo ko ngunit bago ko pa siya singhalan ay binuksan ko muna ang papel, thinking that it may contain any important information.
Na dapat ay hindi ko na in-expect.
Ang nakalagay lang sa papel ay isang malaking check. Tinignan ko pa 'yon ng maigi para maghanap ng kahit anong maaaring nakatagong sulat do'n na may koneksyon sa hinahanap namin pero wala. Tinignan kong muli si Krys.
"Binigay 'yan sa akin ni Krys dati. Sabi niya, nakita niya raw sa junk ng database na galing sa labas. He said it's a shoe company of some sort," sabi nito at nagkibit-balikat. Sapatos?
"And?" tanong ni Tobi.
"And... narinig ko kasing paa so naalala ko 'yan." Ngimisi siya ng hilaw at nag-peace sign. Napaisip ako. Paa... sapatos.
"Yung paa ba ng sarimanok?" tanong ko sa kanya. For some reason, her idea didn't seem to impossible. But what's the connection of feet, shoes, the chicken and everything else? Paano ko mabibigay ang kabuuang kahulugan nila?
"Paano kung--"
Don't over-analyze.
Nagtindigan balahibo ko sa naalalang sinasabi ni kuya sa akin. Madalas sabihin sa akin ni kuya na hindi lahat ay may kahulugan. Na maaaring malito ako sa mga nandyan sa paligid pero wala talaga silang silbi.
"Paano kung..." I trailed. All of them looked at me as if they're very curious to what I'm about to say.
"Paano kung wala lang ang lahat ng 'yan? What if we're all just being weird and over-analyzing things?" I said. Krys looked somewhat disbeliefed.
"Over-analyze..." biglang singit ni Covet. Nilingon namin siyang lahat. Nagtaas siya ng dalawang kamay na para bang guilty siya pero nagpatuloy siya sa sinasabi. Pakiramdam ko'y may sense ang sasabihin niya.
"Madalas na sabihin 'yan ni Aiden. H'wag masyadong mag-isip. Hindi lahat dapat bigyan ng meaning, hindi lahat may koneksyon. Paano kung masyado lang tayong nag-iisip nga? Paano kung walang kwenta 'yang mga hawak niyo. Paano kung nililito lang tayo ni Aiden?" dagdag pa niya. Agad akong umiling.
"That doesn't make sense. Bakit tayo lilituhin ni kuya?" tanong ko naman. Gumilid ang ulo niya at umaktong nag-iisip.
"Maybe... hindi tayo ang ginugulo niya," biglang singit ni Adi. Tinignan ko siya at sa wakas, may nabuo nang ideya sa isip ko. Napabuntong hininga ako sa kalituhan pero hindi ako sumuko sa mga naiisip kong maaaring maging solusyon.
"Paki-play yung video," sabi ko kay Krys. Tumango siya at pinindot ang play button para muling mapanood namin. Hinintay ko hanggang sa parteng may napansin akong kakaiba. Itinuro ko 'yon sa kanila.
"Here. May lag, may parang glitch dahil edited ang video. May mga parteng pinutol. Paano kung sila ang nililito ni kuya? At nagtagumpay siyang malito sila kaya't nagtanggal sila ng ibang parte, thinking that they can outsmart us? Na tayo naman ang malilito sa kulang na information?" sabi ko sa kanila. Halata ang pagtataka sa mukha nila kaya't mas pinaliwanag ko pa.
"Ganito. Ang Abadeha, hindi ko paboritong libro 'yan. Pero 'yan ang kinwento ni kuya. Maaaring nagtataka rin ang mga kasama niya kung bakit 'yon ang sinasabi niya sa video. Maybe they thought may hidden message sa story. Pero alam kong hindi lalagyan ni kuya ng hidden message and Abadeha. He knows that I hate it and when I hate something, I really don't think too much about it. So, it's a distraction," paliwanag ko. Napatango si Covet at Aiden. Si Accel naman ay humalumbaba at halatang mas nakuha ko pa ang atensyon niya.
"The story is a distraction, sige. Pero saan?" tanong ni Ayla. Tumikhim ako bago sumagot sa kanya.
"Sa morse code," sabay na sabi namin ni Krys. Tinignan ko siya at tinanguan. Sa wakas, mukhang nakukuha niya na ang gusto kong sabihin.
"So what's the plan?" singit ni Accel. Tinignan ko siya at nginitian. Napangiwi siya sa ngiti ko pero hindi mapawi ang masaya kong estado dahil sa mga naiisip ko. Pakiramdam ko'y na-refresh ang utak ko at mas nakikita ko ng maayos ang mga idea sa paligid ko.
"The plan? I guess.. we're back to basics. Where it all started." I smiled at their obvious confusion.
"Kung wala si Elana sa data ng compound, sa mga tao rito, paano kung nasa past siya? Sa E-51?" dagdag ko pa. Nanlaki ang mata ni Krys at Ayla. Malalim ang titig ni Adi sa akin at si Accel ay napatayo bigla. Si Tobi naman ay malakas na napasinghap samantalang si Covet ay parang kalmado pa.
Their responses are acceptable. After all, we're going to investigate about E-51. The most confidential part of our history. If we're not supposed to overthink, then we're supposed to go back to the basics. And the most basic of them all is in the history.