Alt 17: The Numb and the Dumber

2112 Words
Hindi na ako nakatulog matapos maramdaman ang hapdi sa leeg ko. Nang hinimas ko iyon ay mas lalong nadepina ang hapdi roon na para bang may sumakal talaga. Sa tingin ko rin ay namumula iyon ngunit hindi ko naman gustong makita ng lahat iyon kaya’t hindi na lang ako nagtali ng buhok. Nagliligpit na sila ng pinaghigaan at iba pang mga gamit. Kanina pa ako nakapag-ayos dahil hindi na ako nakatulog. Tulala lang ako at iniisip ang nangyari kanina. Ang nangyari sa panaginip ko, posible bang nangyari rin sa totoong buhay? Habang tulog ako? I absentmindedly touched my neck. Tulad kanina ay nagugulat pa rin ako sa tuwing hahawakan ko iyon dahil sa hapdi. Hindi ko alam ang itsura noon pero sa tingin ko ay sobrang lala noon sa pakiramdam ko pa lang. “Ano meron sa leeg mo?” biglang tanong ni Covet. Nagulat ako roon at hindi napansing nakalapit na pala siya. “Kanina mo pa hinahawakan ‘yan,” sabi niya at tinuro ang sariling leeg. Napahawak din tuloy ako ulit sa leeg ko. Napakislot ako sa biglaan kong paghawak. Mukhang napansin niya iyon. Tinagilid niya ang ulo niya para siguro mas matignan ang leeg ko ngunit inayos ko na lang ang pagkakatakip ng buhok ko at nilagay pa iyon sa harap para hindi makita ang siguradong namumula kong leeg. “Wala, naiinip lang ako sa tagal nila,” sabi ko at ipinatong ang baba sa tuhod. Mas umabante ang buhok ko na ikinakampante ko. At least natatakpan ang leeg ko. Nag-abot siya sa akin ng prutas na kinuha nila kanina bilang almusal. Kinuha ko iyon at kinagatan. Hindi ko alam kung bakit ko nga ba itinatago sa iba ang leeg ko. Mali. Alam ko kung bakit. Tinignan ko si Tobi. Nagliligpit siya ng mga kahoy na ginamit namin kagabi sa pampainit at panluto. Alam ko sa sarili ko na may pagdududa ako, at hindi ko maikakailang si Tobi ang nasa una. Siya ang una kong nakita paggising ko pa lang. Malapit na agad siya sa akin at nakahawak pa sa braso ko na parang alam niyang magigising na ako. Isa pa, nakapagtatakang siya ang unang makakalapit sa akin samantalang mas malapit si Krys at Ayla na halos katabi ko lang matulog. Medyo malayo kasi ang pwesto ng mga lalaki sa amin kagabi. Also, why was he awake at that time? Inalala ko ang ayos ng kama niya kagabi. Hindi iyon maayos at nahigaan na ngunit ang pwesto niya sa tabi ko ay komportable na at parang nagtagal. Naka-indian sit siya at pormado na para maalalayan agad ako sa pagbangon. Planado ba niya ang lahat? Siya ba ang sumakal sa akin? Considering his built, madali lang para sa malalaki niyang kamay ang masakal ako at mamarkahan ang buong leeg ko. Saktong sakto sa nararamdaman kong sakit, malaki ang sakop ng pagkakasakal sa akin. But from what I remember, there were restraints. My hands were locked by something, by someone. Ganoon din ba sa totoong buhay? Let’s say that Tobi really did choke me. May accomplice siya? Yung kasama niya ba ang humawak sa akin? Wait, if two of my arms were pinned down, is it possible na dalawa ang nakadiin sa akin? Pinagmasdan ko sila rito. Si Tobi na tinatabi ang mga kahoy. I looked at his hands. They’re big enough to choke me to death. Iniwas ko ang tingin sa kanya at inilipat kay Ayla at Krys na magkasama. Krys… How can I doubt Krys at this point? Sobrang dami na naming napagdaanan at para sa akin, napatunayan niya na mapagkakatiwalaan ko siya. Meanwhile, Ayla’s someone I’m not sure I can doubt. Sobrang inosente niya pero alam kong hindi iyon sapat na rason para matanggal siya sa listahan ng mga maaarnig gumawa sa akin. Isa pa, isa si Ayla sa mga malapit sa akin noon. Madali siyang makakalapit sa akin at mabilis ding makakabalik sa pwesto niya. But if that’s my argument, masasabi ko ring kasama si Krys doon. Isa siya sa mga malapit sa akin at madaling makakabalik sa pwesto. Pinilig ko ang ulo ko para matigil ang mga kakaibang ideyang naiisip ko. Suddenly, I felt discomfort. Hindi ako mapakali at para bang may gusto akong gawin ngunit hindi ko alam kung ano. Tumayo ako para sana ayain na silang umalis ngunit napaupo rin agad nang nakaramdam ng sobrang sakit sa ulo. “A-Aray,” daing ko. Agad na umalalay sa akin si Covet na katabi ko lang at tinignan niya ako. Para siyang natataranta na ewan. “Kry—Aray! Krys!” sigaw niya. Napapikit ako lalo sa sakit ng ulo sa sigaw niya. Bahagya akong lumayo sa kanya ngunit maling galaw iyon dahil kahit sa kaunting urong ko lang ng ulo ko ay para na itong pinaikot ng sampung beses. “Aray! Krys, s**t!” sigaw ko at napahawak sa ulo. Napaluhod na ako sa sobrang sakit noon. Parang binibiyak at hindi malaman kung ano ang kakaibang nararamdaman sa loob ko. Pakiramdam ko ay nasusuka ako na ewan. “Oh my goodness, Kovie! Namumutla ka!” sigaw ni Krys. Agad niya akong dinaluhan at halos hindi niya ako mabuhat dahil hindi ako makakapit sa kanya. Nanlalambot ang katawan ko at nanghihina na rin ako na hindi na ako makakapit man lang kay Krys. Kalaunan ay dumalo na rin sa aming dalawa si Tobi. Aayawan ko pa sana ang tulong niya dahil sa kakaibang pakiramdam sa kanya kanina pa ngunit wala ako sa tamang disposisyon para magreklamo. Hinayaan ko silang bitbitin ako at hindi ko na maramdaman ang katawan ko. I feel numb. As in. Wala akong maramdaman. Not even the touch of the matress that Ayla apparently prepared for me. Ni hindi ko naramdaman na nasa maayos na higaan ako. Akala ko kanina ay sa bato nila ako nilapag. Nanlalabo na ang paningin ko. Parang blur na ang pagkilos ni Krys. I’m not sure if she’s just super fast or it’s my eyes that’s fooling me. I hope it’s the former. I can’t afford an eye sore now, especially that we’re unfamiliar with our surroundings. Pinilit kong hindi makatulog ngunit nang naramdaman ko ang pagdaloy ng kung ano sa loob ng bandang braso ko ay alam kong tinurukan na ako ni Krys ng pampatulog or whatever that is. I just hope it’s for the better. Nagising ako sa isang madilim na espasyo. Agad akong nanlamig sa pamilyar na paligid. Am I in that type of dream again? Yung panaginip na kailanman ay hindi ko na yata magugustuhan. That specific type of dream I don’t enjoy. Or maybe it’s that specific pitch black surrounding that’s adding to the creep. I almost jumped from the surprise when I heard a hum. Para itong nasa tono ng isang pamilyar na kanta. Sobrang pamilyar na hindi ko napigilan ang sarili kong puntahan ang pinanggagalingan ng tunog. I know it’s not a damn good sign to follow an unknown voice or hum in a dark and gloomy place but it’s as if I have no control over my feet. Dinala ako ng sarili kong paa sa isang pamilyar na lugar na naman. Ang nakita kong puno noong nakaraan, nasa harap ko na naman. Except for the fact na wala na itong baging na nagiging ahas. I absentmindedly held my wrist because of the memories. Naalala kong may pumulupot na ahas noon at pumigil sa akin. Naisip ko rin ang posibleng tumulong kay Tobi at ginampanan ang role ng ahas sa palapulsuhan ko. Pinilig ko ang ulo ko para magpokus sa nasa harap. Malinis na itong tignan dahil wala nang mga sabit ng baging sa gilid-gilid. Kitang kita ang katayugan ng mismong puno at ang halatang matitibay nitong mga ugat. Pinuntahan ko ang isa at nagulat ako nang napagtantong habang papalapit ako sa puno, mas lumalakas ang naririnig kong pagkanta. “Down by the river, by the boats,” a soft voice sang in a melody I can’t comprehend where I’ve heard before. Nang narinig ko ang unang linya ng kanta ay para bang may nahipo itong parte ko na hindi ko alam kung saan. Saan ko nga ba ito narinig? Mas lumapit ako sa puno para marinig ang mahina at malambot na boses ng kumakanta. Wala akong nakikitang tao na maaaring kumanta nito ngunit sa bandang katawan ng puno ko naririnig ang pinagmumulan. “Where everybody goes to be alone,” the voice sang. “Where you won’t see any rising sun,” pagpapatuloy nito ngunit hindi ko inaasahang nasabayan ko ito. The lyrics went out of my mouth so naturally. It felt like my mouth is so familiar with the tone and lyrics of this song that it just sang with the soft voice. Nang sumabay ako ay parang nag-fade ang kanta. Ngayong hindi na ako kumakanta ay mas napagtanto kong nawala na nga ang malambot na boses. Luminga-linga ako para hanapin ang taong kumakanta no’n. Hindi siya pwedeng mawala! Sino siya? Ano ang kantang iyon? Bakit pamilyar ako sa kanta na iyon at parang napaka natural sa akin na marinig at kantahin ‘yon? Nasaan na ang kaninang kumakanta?! Inikot ko na ang buong puno ngunit wala pa rin akong makitang bakas ng tao at kahit anong maaaring pagtaguan nila. Plano ko pa sanang akyatin ito ngunit nahirapan ako. Kung nahihirapan ako ay siguradong mahihirapan din ang iba dahil sanay naman ako sa pag-akyat at sabit sa mga ganitong sitwasyon pero hindi ko pa rin kayang akyatin ang isang simpleng puno. Napaupo ako at napasandal sa katawan ng puno. Pumikit ako at inalala ang kinanta niya kanina. “Down by the river, by the boats,” I hummed using the same tone I heard earlier. “Where everybody goes to be alone…” “Where you won’t see any rising sun…” I stopped and lost track. What was the next line? Inalala ko ang narinig kanina at napagtantong ito na ang puntong tinigilan ng kumakanta. What’s the next lyrics? I tried to sing the last part again and again, hoping that my mouth works now and unconsciously sing the next part. The whole song, if it’s even possible. “Where you won’t see any rising sun,” I hummed. “Any rising sun… Down… Down? Down what, Kovie?” I argued with myself. I groaned when I can’t think of any more words following the down. Hindi nga ako sigurado sa down. Bigla na lang itong pumasok sa isip ko. What words could come next? Pinilit ko pang mag-isip ngunit wala na talaga. May biglang sumampal sa akin. “Aray!” sigaw ko at mabilis na napabangon. Nagmasid ako sa paligid ko para hanapin kung sino ang umatake sa akin. Sisipain ko na sana ang mga paa sa harap ko nang hindi ko maramdaman ang mga pa ako. Wait, hindi ko maramdaman ang mga paa ko?! I looked at my feet. Mayroon pa naman akong dalawang binti at dalawang paa. Sampung daliri, tig-lima sa bawat paa. Hinawakan ko pa ito para masiguradong totoo ang mga ito. I sighed at sa wakas ay kumalma na ako. Doon ko na-realize ang paligid ko. Nandito pa rin kami sa kweba. Tinignan ko ang mga may-ari ng mga pares ng paa sa harap ko. All six lieutenants are arranged around me as if they’re looking at their next mission. “Teka, sinong sumampal sa akin?” I glared at them. Sabay-sabay nilang nilingon si Accel na nag-iwas ng tingin at nagkamot. Sisipain ko na sana siya nang napagtantong hindi ko pala maigalaw ang mga paa ko kaya’t sinapak ko na lang ang binti niya. “Asshole! Inaano kita?” gigil na sabi ko sa kanya habang sinasapak ang isa pa niyang binti. Napa-aray siya at lalayo sana ngunit ang naatrasan niya lang ay ang pader ng kweba. What a karma. “A-Aw! Bakit ak—aw, Kov!” sigaw niya habang patuloy ko siyang sinasapak at paminsan-minsang sinisingitan ng kurot ang ginagawa sa kanya. “Si Adi ang nag-utos!” Mabilis ang pagkakasabi niya ngunit nagpanting ang tenga ko nang naintindihan iyon. Tinigilan ko siya at nilingon ang nag-aalisang mga lieutenant sa paligid ko. “Adi!” I shouted his name. Nakalayo na siya sa akin at umaakto pang inaalalayan si Covet. Parang pipilay-pilay si Covet maglakad at si Adi naman ay pilit na inaalalayan siya sa braso. Tinanggal iyon ni Covet ngunit nang sumulyap dito si Adi at nakita ang masama kong tingin sa kanya ay sapilitan niyang inalalayan ang isa. “Aray, akala ko ba tutulong ka? Makahila!” rinig kong ungot ni Covet. Napailing na lang si Krys na ngayon ay nakaupo na pala sa gilid ko. Halos magkapantay na kami maliban sa kaunting pagkaangat ko dahil nakapatong sa higaan. “Pinagising ka namin kay Accel kasi mukhang binabangungot ka,” paliwanag niya at habang nagche-check ng kung anu-anong parte ng katawan ko. Hinaayan ko siya ngunit agad ding tinanong sa mga nangyari. “Anong nangyari sa binti ko?” tanong ko sa kanya. Natigilan siya at tinignan ako. “Huh?” was all she could say. Kumunot ang noo ko. Hindi niya alam? “Krys… Hindi ko nagagalaw ang binti at mga paa ko…” sabi ko sa kanya. Nalaglag ang panga niya. Pati ako ay nagulat dahil sa pagkagulat niya. Akala ko’y dahil sa tinurok niya kanina kaya’t ganito ako ngayon. Pero…  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD