"One, two, three!" Kasabay ng huling bilang ni Krys ay ang pagtulak niya sa likod ko para mas makapasan ako ng maayos kay Covet. Kanina pa kami umalis ng kweba at hindi man nila gusto ay nagpumilit ako.
Hindi ko pa rin maramdaman ang binti ko kaya't nagkasundo kaming ipasan na lang ako ng mga lalaki. Magpapalit-palit na lang sa tuwing pagod na ang mga lalaki ngunit hanggang ngayon ay si Covet pa rin ang nagbubuhat sa akin.
Kinailangan na naming umalis dahil sayang ang oras kung maghihintay pa kami na maramdaman ko ulit ang mga binti ko. And I think we made the right choice. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa namin alam ang dahilan kung bakit ako namanhid, at kung paano nga ba namin aalisin ang pagkamanhid.
"Nasasakal ako," sabi ni Covet. Inayos ko ang kamay ko sa leeg niya para hindi iyon maipit. Nagmamasid-masid lang ako sa paligid tutal mas mataas naman ang paningin ko sa kanila.
"Anything, Kov?" rinig kong tanong ni Adi. Nilingon ko siya bago umiling. Tulad nila, puro puno lang din ang nakikita ko. Nagpatuloy kami sa paglalakad.
Habang paalis kami kanina ay may kakaiba akong napansin. Parang may kakaiba akong nararamdaman, tulad na lang kapag may nagmamasid sayo. Hindi ko na lang sinabi iyon sa iba dahil baka paranoid lang ko sa pagkamanhid ko.
"Tubig, Kov?" asik ni Krys. Umiling ako at nagpasalamat kahit pa hindi ako kumuha. Napabuntong hininga ako. "Bakit?" biglang tanong ni Covet. Umiling ako ngunit napagtanto rin agad na hindi niya ako nakikita.
"Wala," sabi ko na lang. Nanahimik na siya at nagpatuloy kami sa paglalakad. Nang malayu-layo na kami ay lumapit sa amin si Adi at tinanong si Covet.
"Pagod ka na ba? I can carry her," alok nito na inilingan lang ni Covet at mas binilisan ang paglalakad. Kumunot ang noo ko. "Hindi ka pa talaga pagod?" tanong ko sa kanya.
Umiling lang ito. Namangha ako dahil hindi ko naman masasabing hindi ako mabigat. Kanina pa niya ako buhat at wala pa kaming pahinga. Partida, may iilang mga daan na mahirap daanan dahil lubak o maraming ugat ng puno ang nagkalat.
Napatingin ako sa paligid at pinagmasdan ang iisang uri ng puno lang. Kanina ko pa napansin na walang pinagkaiba nag mga puno rito maliban sa laki at taas nila. Ang mga dahon ay parehong pareho pati na ang kulay mismo. Tinawag ko si Krys at Adi.
"Bakit?" tanong ni Krys nang makalapit sa amin. Kinalabit ko si Covet at sinabing, "Bagalan mo ng konti ang lakad mo, may sasabihin ako sa kanila."
Tumango siya at sinabayan ang bilis ng lakad nina Krys at Adi. Tinignan ko sila at inginuso ang mga puno sa paligid. Kumunot ang noo nila at muli akong tinignan.
"Hindi niyo ba napapansin," sabi ko. "Pare-pareho ang mga puno."
Muli nilang pinagmasdan ang paligid at tumigil sa paglalakad. Pati sina Ayla at ang dalawang lalaki ay tumigil na rin muna ayon sa utos ni Adi.
"Let's have a break," he said. I heard Accel's exhilarated sigh as he put down all the bags he's carrying. Ang mga gamit kasi ni Covet ay pinabitbit niya kay Tobi at Accel dahil buhat niya ako. Isa pa pala 'yan.
Kanina ay nag-aagawan sila kung sino ang magbubuhat sa akin. Nalaman kasi nila na bukod sa akin, wala na silang ibang bibitbitin tulad ng mga dala ni Accel at Tobi. Hindi ko pinili si Tobi dahil sa pagdududa ko. Mukha rin namang hindi niya gusto.
Ang nagpupumilit kanina ay si Accel. Aniya'y chance niya na iyon para makaligas sa pagbubuhat sa akin. Sumang-ayon ako dahil hindi ako ganoon kakomportable kay Covet samantalang si Adi naman ay katuwang ni Krys sa pagpaplano at pag-aaral ng paligid namin.
Pagkabuhat na pagkabuhat pa lang sa akin ni Accel ay tumumba na kaming dalawa. Agad niya akong tinakbuhan pagkabagsak namin dahil may napulot akong bato sa gilid ko at ibinato ko iyon sa kanya. Pasalamat siya at hindi ako makatayo para makuha ang mas malaking tipak ng bato.
"Ano naman kung pare-pareho ang puno?" tanong ni Adi. Iminuwestra niya kay Covet na ibaba muna ako ngunit hindi gumalaw ang isa. Mas inayos niya lang ang pagkakabuhat sa akin. Sa gulat ay nahigpitan ko tuloy ang hawak ko sa leeg niya.
"Aray!" daing niya. Agad kong inayos ang pagkakakapit at tumikhim. "Pasensya na," ani ko. Hindi na siya nagsalita kaya't bumaling na lang ako sa dalawa.
"Isn't that weird?" tanong ko sa kanila. Umiling silang pareho. Nagtaka ako dahil parang may nakakalimutan sila. "Are you sure you don't find it weird?" I asked again. Still, they just said no.
"Doesn't that mean may nagtanim sa kanila ng sadya?" sabi ko. "Ibig sabihin, may mga tao na dito dumidipende," dagdag ko pa. Mas lalong nagsalubong ang kilay ni Krys.
"Look at the trees. They have flowers. That means they have fruits. And having fruit means..." I trailed.
"Pagkain..." Napalingon kaming lahat kay Accel na biglang sumingit. May hawak siyang kulay green na parang mansanas. Lumapit si Covet at dahil tangay niya ako ay pati ako napalapit sa kanya.
"Saan galing 'yan?" takang tanong ni Covet. Naglahad ng isang piraso si Accel sa amin at itinuro ang puno. "Bumagsak sa ulo ko," aniya habang hinuhugasan ang prutas. Kakagat sana siya nang pinigilan siya ni Adi.
"Are you stupid?" he asked. Accel looked at him. "Kakain ka talaga ng prutas na hindi mo alam kung ano?" tanong nito sa kanya. Wala sa sariling tumango si Accel at kinagatan ang prutas. Hindi ko alam pero biglang bumilis ang t***k ng puso ko.
Kinakabahan ako habang ngumunguya siya. Si Adi naman sa gilid ay napamura sa mabilis na pagkagat ni Accel. Ang hindi pa namin inaasahan ay pati si Tobi ay may hawak na rin pala at kumagat na rin.
"What the hell, Tobias!" sigaw ni Ayla nang itinulak ni Tobi ang pagkain sa bibig niya. Sinamaan niya ito ng tingin ngunit parang mabilis na nagbago ang isip niya at kumagat na rin doon. Lumiit ang mata ko nang may napansin.
"Their pupils dilated," I said using mind voice. I don't know why I am using mind voice but my guts is shouting for it. The three. Krys, Adi, and Covet looked at me. Even though Covet is having a hard time.
Mas lumapit ako kay Covet at tinampal sa kamay niya ang prutas. Napaatras siya nang biglang nagmamadaling tumalon sina Tobi at Accel para kunin ang prutas sa kamay niya. Si Ayla ay nakisali na rin ngunit hindi makasingit sa dalawa.
"Acc—" tatawagin sana ni Covet si Accel ngunit agad kong tinakpan ang bibig niya. Pinagmasdan ko ang tatlong nag-aagawan sa maliit na prutas. May kakaiba akong nakikita sa kanila. Para bang...
"Wala sila sa katinuan," sabi ko, gamit pa rin ang mind voice. Tinanggal ko na ang kamay ko sa pagkakatakip sa bibig ni Covet at nakuha yata niya na hindi kami dapat mag-ingat.
"Bakit hindi tayo pwedeng magsalita?" tanong ni Krys sa mind voice. Hindi agad ako nakasagot. Bakit nga ba?
For some reason, my mind just asked me to do it. It's strange but I always trust my gut. Or my conscience, at that.
"I don't know how I know but it doesn't hurt not to speak," I said. Thank goodness they followed my instructions. Nagtindigan ang balahibo ko nang nakaramdam na may nagmamasid na naman sa amin, sa akin.
Ginilid ko ang paningin ko ngunit hindi ako nagpahalata na mayroon akong napapansin. Pasimple kong inalis ang pagkakatali ng buhok ko para lang ayusin itong muli. Nagtataka ang mukha ni Adi at Krys habang tinitignan ako sa ginagawa ko ngunit hindi sila nagsalita.
Kunwari ay inaayos ko ang pagkakatali ng buhok ko habang ginigilid-gilid ang ulo ko. Nanliit ang mata ko nang may napansin akong gumalaw sa bandang kanan. Tinapos ko na ang pag-aayos sa buhok ko at muling pinagmasdan ang tatlo na ngumunguya pa rin ng prutas.
"May mga tao sa puno," sabi ko gamit ang mind voice. Lilingon sana si Krys ngunit hinila ko ang buhok niya. Pinanlakihan ko siya ng mata at mukhang na-realize niya naman agad kung gaano katanga ang balak niya. Inirapan ko siya.
"Ang tanga, Krys," ani ko. "Sorry na nga," sagot naman ni Krys. Napailing na lang ako sa katangahan niya.
"I saw someone move at your 3 o'clock," I said. Wala silang ginawa at hindi nila nilingon ang sinabi ko. Mabuti naman.
"Kanina pa lang sa kweba, naramdaman ko na 'yan," sabi ko. "May nagmamasid sa atin. Hindi lang ako sigurado dahil pakiramdam ko'y paranoid lang ako but now, I saw it with my own eyes."
"What's your plan?" Adi asked. Kumunot ang noo ko. Am I the one who's planning?
Tinanguan niya ako kahit wala pa akong sinasabi. Nahalata niya siguro ang gulat sa mukha ko kaya’t tumango na lang siya. Iniwas ko ang tingin ko at nag-isip.
What’s my plan?
“Their pupils are dilated. Ano ibig sabihin no’n, Krys?” I asked through mind voice. Nag-isip pa siya ng ilang minuto bago sumagot. “Marami, eh. But the most basic is that they’re not getting enough light. Kaya nagda-dilate ang pupils nila to get more light,” sagot naman niya.
“Pero hindi naman madilim ngayon,” singit ni Covet. Napatango ako roon. That’s true. “Another reason is that they’ve taken some kind of stimulants,” Krys added to her first answer.
A stimulant?
“Yung kinakain ba nila, posibleng may ganoong laman?” tanong ko kay Krys. “Hindi ako sigurado. But if you’re sure that their pupils really dilated, there’s a good chance that they’ve ingested any stimulant or psychotropic substances such as narcotics or ecstasy.” She nodded after her new conclusion. Mukhang confident siya sa sinabi niya.
“Look at how they act. They’re acting as if they’re starved for days.” I can hear Covet’s judgmental tone even in the mind voice. I almost laughed at it only to be reminded by my conscience that I shouldn’t make a single sound.
Wait.
Why do I have to not make any sound again?
Inalala ko ang bulong ng sarili ko kanina. It’s like a whisper of warning to myself. Natigilan ako nang napagtanto kung ano ang bumubulong sa akin.
“Kry—“ I was about to call Krys for a consultation when suddenly, a bunch of rocks started flying to our direction.
Mabilis kaming nagtago sa mga puno. Agaran ang pagtakbo ni Covet doon at napasandal nang may isang batong Muntik nang tumama sa aming dalawa.
“Saan galing ang mga bato?!” sabi ni Krys. I’m grateful she used her mind voice.
Sinundan ko ang direksyon ng pinanggagalingan ng mga bato. Galing ito sa kaninang pwesto kung saan ko nakita ang taong nagmamasid sa amin. It’s very likely that it’s them who are throwing these rocks at us.
“s**t, get away from the tree!” Adi shouted, forgetting about the mind voice. Nanlaki ang mata ko roon. More rocks flew to us. Ang tatlong kaninang kumakain ay naiwan sa pwesto nila ngunit nang sumigaw si Adi ay bigla silang napatingin sa amin.
“s**t,” I whispered. Nanlaki ang mata ko nang nakita ang itsura nilang tatlo.
Tobi, Ayla, and Accel look so devastated. Agitated.
“Oh my gosh!” tili ni Krys nang biglang tinalon ni Tobi at Accel si Adi. Pagkasigaw ni Krys ay nilingon siya I Ayla at sinugod.
“Kr—“ Sa taranta at gulat ay sisigaw na rin sana ako ngunit tinakpan ni Covet ang bibig ko. Nagmamadali siya sa paglayo sa kanila at maingat na iniiwasan ang mga tuyong dahon sa lapag.
“We can’t leave them!” I said using mind voice. He didn’t bother replying to me so I pinched his cheek. He shrugged me off due to shock. Nahulog ako at muntik nang mapasigaw.
I breathed to calm myself. Halos hindi ko maimulat ang mata ko sa sakit. I can hear Covet asking me through mind voice but I feel so weak that even just mentally, I can’t speak.
Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at bumungad sa akin si Covet. Bakas ang pag-aalala sa mukha niya at kumunot ang noo ko sa nakita. Nag-adjust pa sa liwanag ang mata ko kaya’t hindi ko matukoy kung ano ang nasa likod niya.
Nanlaki ang mata ko nang sa wakas ay napagtanto ang kanina pang nagmamasid sa amin. Nahalata niya ang gulat sa mukha ko kaya’t nilingon niya ang tinitignan ko. Kita kong nalaglag ang panga niya nang nakita ang taong nakatayo.
“What…” hindi ko mabuo ang gusto kong sabihin.
“General Rosario?” Bakas ang gulat at pagtataka sa mukha ni Covet nang itinanong iyon.
“Watch out!” Before I could comprehend what someone said through mind voice, a strong hit in the back of my head led me to oblivion.
The last thing I saw was General Rosario... with my mother beside him.