"Persuasive Bitch"

2278 Words
chapter 8 "Persuasive b***h" Veronica 'and I declined." 'oh, I get it. That was a joke, except not funny.' "not funny at all!" nanggalaiting sigaw ko sa kwarto... matapos kasi niya akong layasan sa klase kanina ay umuwi nalang ako. sino ba naman ang sasaya pag-iniwan ka diba?! ganon nalang ba talaga ang takot niya? alam kong natatakot siya, hindi ako bulag para hindi makita ang mga pangamba sa mata niya habang tinitignan kanina ang buong kaklase namin nong sabihin kong pagmamay-ari ko siya. 'pagmamay-ari? ang arte naman pakinggan, parang binili ko lang siya sa isang shop ahh.' "aish! bukas ko na nga lang ito pro-problemahin. kahit naman anong gawin at sabinin niya, wala parin akong paki-alam... para saan ba't titiklop 'din ang isang iyon." mabuti pa sigurong matulog nalang ako. at bago pa ako tawagin ng antok ay hindi pupwedeng wala akong goodnight text sa kanya... malay ko naman baka wala lang talagang load ang isang iyon. (sleep tight, boy-friend. see you tomorrow!) -sent nakangiti lang ako habang nakakatitig sa selpon ko... 'you can run, but you can never hide. Mr. Zeo Reese' -------------------------------------------------- Zeo malalim na ang gabi pero hindi ko parin makuhang matulog. masyado akong binabagabag sa mga pangyayari nitong nakaraang mga araw. kahit anong intindi ko ay hindi ko parin maintindihan ang gustong mangyari nang babaing iyon--babaing nagngangalang Veronica Joe. ewan ko ba kung dapat ba akong magpasalamat ngayung araw sapagkat nakatakas ako sa mga kamay niya, pero hindi naman sa kamay ng grupo nila Leo, dahil bago pa natapos ang araw ay inambangan na naman nila ako sa labas kanina kaya hito't may sakit sa katawang iniinda. 'sana, sana panaginip lang lahat nang 'to. palunglot na nang palungkot bawat araw ko sa paaralang iyon. hindi ko na kaya....... hindi ko na kaya.' walang lakas na dasal ko. napakislot lang ako ng bangon dahil sa biglaang pag-iingay ng selpon ng inay. kunot noong tinitigan ko ang bagay na iyon na nakapatong sa lamesa namin. hindi naman kase kalakihan ang bahay namin. kaya madali ko rin itong naabot at binasa ang text doon. 'Goodnight, boy-friend. see you tomorrow!' "tsk" nanghihinang napaupo nalang ako sa higaan kong kahoy. nakayuko ang ulo, nakapatong ang mga siko sa hita ko, at hawak sa dalawang kamay ang selpon. sa mga nagdaang araw na nakasalamuha ko si Veronica hindi ko talaga maiwasang kahangaan siya. hangang-hanga ako sa kanya kasi may katangian siya na gusto ko mang makita sa sarili ko ay hindi ko kaya. masyado akong nababakla at nangangamba. si Veronica yung tipong tao na kung meron siyang gusto ay walang pwedeng humarang dahil tablado ka talaga. Si Veronica yung tipong makikitaang walang pakialam sa mga nakapaligid niya--maliban nalang sa pag-aaksaya niya ng panahon at oras sa akin, hindi ko talaga magets kahit pa anong ulit kong ipasok sa kukute ko na gusto niya akong maging kaibigan-ewan ko ba hindi ko talaga masikmura. mabibigat ang hakbang at malalalim na hiningang lumabas ako ng bahay at tumambay sa higaang de kahoy sa labas. gawa ito sa narra, maganda, matibay, at gawa ito ng aking ama bago ito namatay. paborito daw kase ng itay ang manood sa buwan habang dinaramdam ang haplos nang malamig na hangin. kung sana lang buhay pa ang itay, hindi siguro ganito ang kahihingatnan nang aming buhay-- nang aking buhay. titig na titig ako sa napakagandang buwan nang biglang may haplos akong naramdaman sa aking pisngi. "may problema ba anak?" tanong ng aking napakabuting ina. nakangiti man ay batid ko ang kanyang pagod. sinuyod ko ang kanyang mukha bago ako dahang-dahang bumangon para mas magkatapat kami. bata pa ang aking ina ngunit dahil sa kahirapan ng aming buhay ay parang dinoble ng paghihirap ang kanyang katawan. kung hindi lang talaga sa ina ko at isang nakababatang kapatid ay hindi ako magtitiis sa impyernong paaralang iyon. "'nay" gusto kong magkwento. pero bubuksan ko pa nga alang ang bibig ko ay natatakot, nahihiya, at nakokonsensya na ako. 'wala na akong ginawa kung hindi ang matakot, wala na akong ibang maramdaman kung hindi matinding kahihiyan, at wala nang araw na hindi ako kinakain ng aking konsensya.' gustong-gusto kong sabihin lahat ng himutok ko sa kanya, pero sa tuwing titingin ako sa mukha ng aking ina ay parang bula na nawawala lahat ng iyon. "andito lang ang nanay, huwag kang matakot anak." kung sa tingin ko ay maganda na ang kanyang ngiti kanina ay nagkakamali ako sapagkat mas may igaganda pa pala iyon at iyon ang nakikita ko ngayun. dahil sa kahihiyan at kawalang lakas nang loob ay minabuti ko nalamang itago ang aking mukha sa pagitan ng aking mga tuhod at doon umiyak na parang bata. batang inagawan ng laruan, batang inagawan ng candy, at batang iniwan ng magulang sa kung saan-saan. wala akong narinig sa aking ina maliban nalang sa napakainit nitong yakap. kung alam lang niya kung ano ang ginawa ko kanina-kanila lang ay paniguradong hindi niya ko mapapatawad. madiin kong ipinikit ang aking mga mata, pinipilit winawaksi sa aking isip ang kagaguhang bigla ko nalang ginawa. masyado akong naging makasarili, hindi ko na inisip kong anong magiging kahihingatnan nang aking biglaang pagdedesisyon. kahit sa isip ko ay hindi ko matanggap na ginawa ko nga iyon. "patawad inay, masyado akong naging mahina. sinubukan ko naman eh, sinubukan ko talaga pero kulang, napakakulang parin. patawarin niyo po ako" nahihirapan man ay nasabi ko rin. panay lang ang iyak ko habang yakap-yakap ako ng nanay. walang salitang namutawi pero nararamdaman ko ang pang-uunawa niya, pang-uunawa ng isang ina. ganito ang epekto ng aking pamilya sa akin, isang ngiti, isang halik at isang yakap lang, para na akong dinuduyan sa langit. hindi ko alam kung dahil ba sa alam kong tanggap nila ako? oh sadyang ganito lang talaga kababaw ang kaligayahan ko. nagdaan pa ang ilang oras bago ako tuluyang kumalma. at sa bawat segundo at minuto ng mga oras na iyon ay yakap lang ako ng aking ina. inaalo na para talaga akong batang umiiyak, ang aking ulo na-nasasakanyang balikat at mahigpit na niyayakap. ganon ako kahina at ganon ako kawalang-kwenta. 'kung alam niyo lang, 'nay.' "okay ka na ba? hindi na ba iiyak ang aking panganay?" nakangiting tanong nito, pinipilit magbiro para tuluyan nga akong maalo. "hmm, salamat 'nay gumaan talaga ang aking pakiramdam." totoong gumaan talaga ang pakiramdam ko dahil siguro nailabas ko kahit papano ang sama ng loob ko. "patawad anak, kung naging mas malakas sana ako ay baka iba ang naging takbo ng buhay ninyo." emosyunal niyang sabi. mas lalo akong nasasaktan pag nagsisimula na si inay na kwestyunin ang kapabilidad niya bilang isang magulang. ako ang may kasalanan sapagkat ako ang nagkulang nang lakas nang loob para labanan ang kalupitan ng kapalaran. "'nay, kahit kailan ay hindi ka naging mahina. ako itong anak na lalaki pero kung umatungal nga ako ay parang batang babae na inagawan ng barbie" malungkot kong sabi, totoo naman kasi, naturingan akong lalaki pero kung umasta ako ay para akong isang paslit na babae. "sabihin mo sa akin anak, nahihirapan ka na ba?" napatitig ako sa mukha nang aking ina nang tanungin niya sa akin iyon, gustuhin ko mang sagutin ang katanungan niya ay nabahag na naman ang buntot ko. pero kailangan kong magpakatotoo dahil siya lang ang isa sa dalawang tao na hindi kwekwestyunin ang paghihirap ko. dahil kahit itanggi ko man lahat ng iyon ay hindi sila maniniwala sapagkat galos ko palamang ay pruweba na sa lahat nang paghihirap ko. "mahirap 'nay, subrang hirap." "kaya mo pa ba?" pabulong niyang tanong. "kailangan kong kayanin 'nay" wala naman akong magagawa. "anak, kung hindi mo na kaya pwede ka namang lumipat sa ibang paaralan. kakayanin nang nanay iyon" nagugulat man ay hindi ko pinahalata, kahit pa siguro maghapon kaming magtinda ay paniguradong hindi namin kakayanin. masyadong maraming utang na naiwan ang aking ama kaya halos lahat nang kita ni inay ay doon na halos napupunta. "haha, ano ka ba naman inay. dalawang taon nalang ang hihintayin ko, makakapagtapos na ako. kunting tiis nalang 'nay." senserong sabi ko. 'makapagtapos man lang ako tamang-tama na iyon kapalit nang pagsasakrepisyo ko.' "lage mong tatandaan, proud na proud ang nanay sayo, huwag na huwag mo iyang kakalimutan." imbis na sagutin ay niyakap ko nalang ang aking inay. masyadong masarap pakinggan na proud siya sa akin kahit ako ay may kapintasan 'din naman. "mahal kita inay, subrang mahal na mahal kita." "mahal din kita Zeo, mahal ko kayo ng kapatid mo." madamdaming sabi niya habang nakayakap sa akin "'nga pala, sino yung text nang text sa selpon ko? girlfriend mo ba iyon Zeo?" para akong nakuryente sa pagkakayap ni inay kung kayat napakabilis ko kung bumitaw sa pagkakayap sa kanya. at nang tignan ko siya ay may nakakaloko nang mga ngiti sa kanyang mga labi. 'g-girlfriend?!' "'n-nay!, ano ba ang pinagsasabi niyo?!" "haha, bakit? alangan naman tanungin ko ang nakakabata mong kapatid na babae? eh ang sabi niya sa text ay boy--friend?" sinadya niyang bagalan ang pagkakabigkas sa huling salita niya. nakakaloko. kaya bago pa kung ano-ano ang isipin niya ay minabuti ko nang ekwento ang mga nangyari. habang nagkwejwento ako ay ngiting-ngiti naman si nanay, at habang patagal nang patagal ang kwento ko ay paloko nang paloko naman ang ngiti niya.... nakakahiya, shet! "so, ano na ang balak mo ngayun?" "wala" "anong wala? ayaw mo bang maging kaibigan ang Veronica na iyon?" "kahit gustuhin ko man inay ay hindi pwede at hindi maaari." "bahit hindi pwede? bakit hindi maaari?" "kase sikat siya? kasi kilala siya? at pahamak lang ang dala niya." "paano kung..." "'nay!, hindi nga pupwede kaya please lang po tama na." "oh siya, pero sana anak, 'wag mo muna siyang husgahan agad. pangalan niya palang ang nalalaman mo, hindi ang buong pagkatao nito. masama ang manghusga anak." "bakit "nay? hindi mo rin naman siya kilala ah? ngayun ko lang siya nakwento sa inyo, pero parang kilala mo na siya? wala siyang ibang ginawa kung hindi ang ipahiya ako sa sarili ko 'nay." "hmm, pero sa mga kwento mo anak ay kahit kailan ay hindi ka nito hinusgahan. nilalapitan ka niya dahil gusto niyang makipagkaibigan. kinukulit ka niya dahil siguro komportable siya sayo? hinahabol-habol ka niya dahil siguro gusto talaga niyang maging magkaibigan kayo? kaya gusto kong huwag mo muna siyang husgahan, parang mabuting tao naman ang Veronica ehh... masyado ka lang sigurong advance mag-isip haha." "nanay naman, dapat lang talagang maging advance ako mag-isip hindi ako pwedeng magpaka-easy ikakapahamak ko lang 'yon pag nagkataon." "oh siya, magpahinga ka na. Sabado na pala bukas? ang bilis ng araw, baka sa susunod na bukas graduate ka na anak? haha" "oo nga 'nay eh, ang bilis ng panahon.... sana magtuloy-tuloy." nakangiting sagot ko habang nakatingin sa buwan. hay salamat at dalawang araw ko ring hindi makikita ang mga demonyo. "Goodnight anak, magpahinga ka na." "Susunod na po ako inay, tambay muna ako dito hehe." "hmm, sige magpapahinga na ako." "Goodnight nanay, I love you po." "Mahal din kita anak." sagot niya at sinundan ko pa muna siya nang tingin hanggang sa makapasok siya sa bahay bago ako bumalik ng higa at tumitig sa napakagandang buwan. ''Tay, patawad. kung wala siguro siya kanina..... siguro — siguro, nilalamayan na ako ngayun. sorry 'tay.... sorry. natatakot akong malaman nila nanay ang ginawa ko, ayaw kong makitang masaktan siya pag nalaman niyang....' matunog akong napalunok habang matiim na nakapikit. hindi ko talaga masikmura ang kagaguhang ginawa ko kanina. bahala na nga.... ang mahalaga buhay ako ngayun at humihinga. "Makatulog na nga." kamot ang ulong bumangon at pumasok ako ng bahay at nahiga sa aking higaan. pipikit na sana ako ng mahagip ng mata ko ang selpon ni nanay sa lamesa, at napasimangot ako nang maalala ang text niya na nabasa ni inay kaya kung makatukso ito sa akin ay parang wala nang bukas. tsk. 'Goodnight boy-friend' ewan ko ba at iba ang tama ng mga salitang iyan sa akin. gusto ko talaga siyang maging kaibigan, kaso kahit gustuhin ko man hindi talaga maari. at bago pa ako lamunin ng antok at sa huling pagkakataon sinulyapan ko ang selpon. 'Goodnight din Veronica.' ------------------------------------------ "Good morning anak," "Good morning din po." "Oo nga pala, may bisita ka." nakangusong sabi ni Nanay tinuturo ang parte ng kusina. nalilito naman akong sinundan ito ng tingin at ng mapagtanto kung sino ang bisita ko umano ay parang huminto ang mundo ko at napatangang napatitig lang sa mga taong kung magsikilos sa kusina ay parang sila ang may-ari ng bahay. 'anong ginagawa ng babaing hilaw nayan dito? at may chaperon pa talagang dala!' "Oh?! Good morning boy-friend!" nakangising sabi niya "Your that surprise huh?" dagdag nito ng walang makuhang sagot sa akin, ang ngisi ay hindi na nawala pa. "A-anong ginagawa mo dito?!" "Psh, ano pa ba? syempre, nanliligaw! Like duh." sabi niya sa napaka-arteng paraan. 'Akala ko ligtas ako kasi sabado, pero tangina, wala na talagang patawad ang isang ito.' "Anak, tapos na lahat." Sabi ng kasama niyang may-edad na "Finally, I'm hungry na." sabi niya habang hinimas-himas ang tiyan "Tsk, ikaw talagang bata ka." Pagalit na sabi ng matanda. "Kain na po tayo, Tita," baling niya kay Nanay "Sabrina" napalingon ako sa likod ko at doon kulang napansin na nasa tabi ko na pala ang nakababata kung kapatid, tahimik lang ito at titig na titig sa bisita ko umano, nakanganga ito at makikitaan mo ng paghanga ang mukha niya. 'Ano bang nakakahanga sa babaeng iyan? maliban sa maganda siya, makinis, matangkad, mayaman ay wala nang dahilan para ngumanga pa siya dito.' Nakabusangot kong binalik ang paningin ko sa mga bisita ko umano at sa hindi inaasahan ay nasa harap ko na si Veronica. nakangiti na ito sa akin at hinila nalang ako bigla papuntang lamesa.  dahil sa bilis ng pagyayari ay hindi na ako nakaangal pa. kaya para akong tangang sunod-sunoran sa kanya. kahit nong lagyan niya ng pagkain ang pinggan ko ay wala parin akong reaksyon. 'Para akong gagong nakatanga lang.' "Ano ba ang ginagawa mo dito?" sawakas nasabi ko rin. "I told you, You're Mine." "I'm not." "That's why I'm here, I have to change your mind." "Not gonna happpen." "Awe, For your information Boy-friend, sa araw na sinabi kong akin ka, Akin ka na." mata sa matang sabi niya. 'Tangina.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD